Kabanata 31 SIMULA NG BILHAN AKO NI TIYA Veronica ng mga damit sa divisoria ay bina-bawasan na niya ang allowance ko kaya todo tipid ako ngayun at hindi maka-ipon ng pera dahil maliit na lang. Wala tuloy ako maibibigay sa mga magulang ko sa katapusan dahil maliit na lang ang binibigay sakin tiya Veronica. Namamasahe pa ako at minsan pa ay bumibili ng mga kailangan ko sa school. Ayaw ko naman humingi kay tiyo Isidro dahil 'di ko naman ugali iyon. Bakit naman kasi ang dami kung kinuha na damit, ayan tuloy namomoblema ako ngayun. Malapit nang magkatapusan tapos wala pa akong ipon. Ang dami pang gastos ngayun kainis. Bakit kasi ang sama ng ugali ng tiya Veronica na 'yan. " Okey ka lang?" Napalingon ako kay Kiara ng marinig ko siya. Nandito kami sa labas pero nasa loob parin ng campus dahi