Kabanata 21 KAAGAD AKONG TUMAYO NG MAKITA ko si tiyo Isidro. " May kailangan po ba kayo?" Anang ko sa kanya. " Ah, wala. Kukuha lang ako ng beer sa ref. Kumain ka lang diyan." Saad nito na may ngiti sa labi saka lumapit sa may refrigerator. Hindi naman ako umimik at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Mahirap na, baka ano na naman gawin niya kapag hinayaan ko siya. Hindi muna ako kumain at inintay na matapos siya sa ginagawa niya. " Kumusta pala ang pakiramdam mo? Okey kana ba talaga?" Maya-maya'y tanong niya sakin. " Okey na ho ako." Sagot ko sa kanya sa malamig na tono. Pero mas concern pa siya kesa sa tiya ko. Yung tiya ko parang walang pakialam sakin. Ni hindi nga ako kinakamusta no'n nung nagkasakit ako. Mas inaalala niya pa ang madumi niyang bahay kesa sakin. " Mabuti nam