Kabanata 22 AFTER NG SCHOOL AY SABAY na kami ni Madi patungo sa labasan. Iba naman ang way na dinaanan nila Kiara at Madonna kaya kami ang sabay ni Madi. Bumili muna siya ng yosi bago kami lumakad patungo sa labasan. " Himala ata na hindi kayo gi-gimik ngayun ni Madonna?" Anang ko sa kanya habang naglalakad na kami. " Pinapapunta ako sa bahay ng papa ko, hindi ko alam kung bakit." Sagot nito sakin habang humihithit ng yosi. Panay naman nag paypay ko dahil napunta sakin ang usok. " Hmmm.. Bakit hindi kana lang tumira sa papa mo? Kesa naman mag-isa ka lang sa bahay niyo?" Anang ko sa kanya. " Ayaw ko nga, edi hindi na ako makakapag-bar sa gabi." Wika ni Madi sakin. " Hindi kaba natatakot mag-isa? Malungkot kaya 'yun?" Ngumisi naman ito sakin. " Sanay na ako, basta may perang binibigay