Kabanata 66 PAGDATING SA MALL ay magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa gustong kainan namin ni tiyo Isidro. Napag-usapan namin sa fastfood na lang kami kumain dahil mas sanay ako doon. Hindi naman siya tumanggi at hinayaan na lang ako kung anong gusto ko. Sa ibang mall 'din kami pumunta para walang makakilala samin. Pagdating doon ay pumasok agad kami sa loob saka pumunta sa may screen at pumila dahil maraming tao ngayun sa mall kasi weekend. Maigsi lang naman ang pila sa may screen pero sa counter ay mahaba ang pila. Habang naghihintay kami ay nakayakap ako kay tiyo Isidro at gano'n rin siya sakin. Hindi ako nahihiya na yumakap sa kanya dahil mahal ko siya at bakit ako mahihiya? Ang gwapo kaya ng boyfriend ko at hot pa nito. Pagdating namin sa screen ay pumili agad kami ng makak