Kabanata 65 ARAW NG SABADO AT WALANG pasok ang amo kung babae pero merun si tiyo Isidro kaya kasama ko sa bahay si tiya Veronica. Hindi naman ako naiilang kapag andiyan siya dahil inaayus ko naman ang trabaho ko. Atsaka hindi naman siya lumalabas sa kwarto niya kapag kakain lang. Palagi lang siya nasa loob ng kwarto niya kapag nandito siya sa bahay. Parang ayaw niya akong makita at makipag-usap. Kung ayaw niya ako kausap, edi ayaw ko 'din diba? Minsan naman ay pumupunta siya sa pool at may katawagan pero hindi ko alam kung sino dahil masaya siya kapag may kausap. Iba ang awra niya kapag gusto niya ang kausap niya. Pero pagdating sakin ay masama ang mukha nito. Para bang may ketong ako. Pagdating ng tanghali ay nagluto na ako ng tanghalian namin para makakain na ang amo kung babae. Mahi