PINAIKUTAN si Mars ng mga Litlo, at nang oras na iyon ay nasa malawak na kalupaan sila sa labas ng mismong kaharian ng lahi ng mga munting iyon. Kasalukuyang kaharap ng Sero si Haring Meynard at mula sa maliit na lalagyanan nito sa tagiliran ay naglabas ito ng isang malaking baul na gawa sa lumang kahoy. Selyado iyon at nagulat pa nga ang mga panauhin nila sapagkat ang haba ng lalagyanang iyon ay kagaya ng sa normal na espadang ginagamit ng mga tulad nila. “A-anong klaseng lalagyanan iyan? P-paano nagkasya ang ganyang kalaking bagay riyan?” namanghang tanong ni Mars habang nakatingin sa may kalumaang baul na sinasabing naglalaman ng espadang ipapahiram sa kanya ng Hari. Mula nga sa ulo ng binata ay naroon si Prinsesa Lylia na kasalukuyang nakaupo sa kanyang buhok. “Espesyal ang