Apoy 29

2603 Words

IMINULAT ng prinsesa ng mga Aquanian ang kanyang mga mata nang ang kanyang sikmura ay biglang humilab. Ang araw ng kanyang kapanganakan ay tila magaganap na nga. Gabi noon sa Elementalika at kasabay ng pagtawag niya sa kanyang mga magulang ay ang paglabas din ng lahat ng kanilang mamamayan mula sa loob ng kani-kanilang mga bahay kahit nga dis-oras na iyon ng gabi. Napakabilis kasing kumalat ng balita na ang kanilang prinsesang si Venus ay magluluwal na ng sanggol.   Makikita rin sa kalangitan ang bilog na bilog na buwan at ang karagatan naman kung nasaan ang Atlantis ay tila ba umaalon ng paiba-iba ang direksyon sa hindi malamang dahilan. Ang mga lamang-dagat ay nagsisitalunan sa ibabaw nito at makikitang ang tubig ay panay ang paggalaw dahil sa kung ano’ng nagaganap sa kailaliman nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD