MADALAS na sa sentro ng Cleyanero naglalagi ang binatang si Mars. Nakamasid lang siya palagi sa iba’t ibang lahi na nakikita niya rito. Inoobserbahan niya ang mga ito at ang kanilang kakayahan. May gumagamit ng apoy, ng tubig, ng hangin at ng lupa... mga kakayahang ang tulad niya ay wala. Itinaas nga niya ang kanyang kamay sa harapan niya at sinubukang magpalabas ng kapangyarihang elemental, ngunit malakas na tawanan mula sa isang grupo ang kanyang nakuha dahil doon. “Umaasa ka pa rin ba Sero na magkakaroon ka ng kapangyarihan?” tanong ng isang matipunong lalaki na may kulay pula at mahabang buhok. Kasama pa nito ang ilang mga kagrupo na kanyang mga tauhan. Isa itong samahan ng mga Flammanian na naglalagi sa Cleyanero para makipagkalakalan. Sinasabing ang grupo ring ito ay inaatasan ng