IBINALIK ni Mars sa lalagyanan ang kanyang ginamit na espada at nakaramdam siya ng kaunting panghihina matapos iyon. Hindi nga niya iyon ipinahalata sa kanyang mga kasamahan at matapos nilang ibaon sa lupa’t tabunan ang ilang mga katawan ng boro na natitira sa paligid ay nagsimula na muli sila sa kanilang paglalakad. Ilang oras pa silang naglakad at may mangilan-ngilan pang mga mababangis na hayop ang kanilang nakasalubong at hinarap. Katulad ng nangyari sa laban nila sa mga boro ay nagawa rin nilang pabagsakin ang mga sunod nilang nakalaban. Inilagay na ni Mars ang espada sa lalagyanan nito at matapos iyon ay nakaramdam siya ng bahagyang pagkawala ng kanyang balanse. Napansin naman kaagad ito ni Aru at mabilis na inalalayan ang kanyang pinuno. “Mukhang napagod ka yata pinuno sa at