Apoy 9

2649 Words
“BANKAI!”   Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa katawan ni Honoo mula nang sabihin niya ang salitang iyon. Ang pinakamalakas na abilidad ng isang espada! Kaya ba niya itong gawin? Nahawi nga ang makakapal at itim na ulap na nasa langit. Kasabay rin noon ay ang pagbulusok paitaas ng gintong apoy ng binata.   "Kumpara sa lakas ni Lucifer, masasabi kong wala pa kayo sa lebel niya. Kayong mga Duragon, ihanda na ninyo ang inyong mga sarili para sa inyong... kamatayan!" seryosong sabi ni Honoo at isang dambuhalang apoy na ibon ang lumabas mula sa langit, ang Phoenix. Mabilis din iyong pumasok sa apoy niya.   "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo!" galit na sabi ng mga Duragon at sabay-sabay nilang inatake si Honoo gamit ang malalaki nilang espadang elemental.   Isang malakas na pagsabog muli ang yumanig sa buong Ken matapos iyon. Ngunit, natigilan ang mga Duragon nang mawala ang usok dahil biglang nabasag ang mga espada nila. Lumitaw sa gitna nila ang isang lalaking may tila apoy at kulay ginto ang buhok nito. Nakasuot ito ng gintong baluting nakahugis apoy. Nakaitim na pantalon at may lumiliyab na paa at mga kamay. May lumiliyab din itong gintong pakpak. Hawak-hawak nga rin nito ang isang espadang may gintong talim at nagsilbi siyang liwanag sa buong paligid.   "Ako naman! Tapusin na natin sila... Hikin!" Nagliyab ang talim ng espada ni Honoo matapos sambitin iyon. Mabilis niya iyong iniwasiwas paikot at isang malakas na shockwave kaagad ang kumawala mula roon. Isang malakas na hangin din ang umihip papunta sa mga higanteng Duragon na hindi na makakilos dahil sa tindi ng kapangyarihan na ipinamalas ni Honoo.   "Golden Judgement!" pagkasabi ni Honoo noon ay isang pabilog na gintong apoy ang mabilis na kumawala mula sa kanyang espada. Dire-diretso iyon papunta sa mga Duragon.   "H-hindihhh!" Napahiyaw nga sa sobrang init ang mga Duragon. Sabay-sabay silang bumagsak habang nasusunog dahil sa atake ni Honoo. Sumisigaw sila nang sandaling iyon, subalit walang nakakarinig. Tumatagos hanggang laman ang init na nararamdaman nila na dinaig pa ang apoy ng impyerno, subalit ang sakit na iyon ay kulang pa kumpara sa sakit na itinanim nila sa mga totoong taga-Ken.   Ilang libong taong naniwala ang mga taga-Gomi na sila'y ipinanganak bilang mga alipin. Ilang libong taon din silang naniwala na wala nang pag-asa. Ilang libong taong sumunod sa lahat ng gusto ng mga Duragon. Paghihirap, pasakit at pagdadalamhati. Ilan lang sa mga sinapit ng bawat nabubuhay na taga-Gomi. Pero sino’ng makakapagsabi na may wawasak pala ng paniniwalang ito?   Sisira ng sumpa.   ... at sisira sa kapangyarihan ng mga Duragon.   Napaluha na lamang ang lahat sa kanilang mga nasaksihan. Kitang-kita nila ang pagkasunog ng mga Duragon hanggang sa maging abo ang mga huwad na pinunong ito.   Isang tila musika ng tagumpay at pag-asa ang bumalot sa buong Ken. Napangiti naman si Honoo dahil tapos na ang laban. Napatingin din siya sa mga taga-Gomi, sa mga tunay na taga-Ken. Huminga siya nang malalim at nagsalita nang malakas habang bumababa mula sa itaas na kasama ang ginto niyang apoy.   "Malaya na kayo! Maniwala kayo na may pag-asa habang tayo ay buhay! Maniwala kayong kaya ninyo!"   Napasigaw sa tuwa ang lahat nang marinig nila iyon. Umagos ang luha ng saya mula sa marami. Isa ba itong panaginip? Isa ba itong himala? Hindi! Lahat ito ay totoo at ang kadenang kumakapit sa kanilang mga leeg ay naglaho mula nang ipakita sa kanila ng binatang may gintong apoy ang lakas na mayroon ito.   "S-salamat... H-honoo!" Umiiyak sa sobrang tuwa si Erza habang mahinang binibigkas iyon. Napangiti siya dahil sa mga nangyari. Maging ang mga natitirang Zodiac ay hindi na rin napigilang mapaiyak. Sa oras na iyon, ramdam na ng lahat ang tunay na kalayaan. Samantala, pagkalapag naman ni Honoo sa lupa ay bigla itong nawalan ng malay. Nawalan siya ng malay dahil sa pagod, at lalo na nga sa gutom.   Natalo ng binatang ito ang mga Duragon nang hindi man lang natamaan kahit ni isang atake mula sa mga iyon.     ISANG linggong nakatulog si Honoo. Hindi siya basta magising kaya dinala muna nina Argus ang binata sa palasyo ng Ken. Wala na rin ni isang kawal ng Duragon noon dahil lahat ang mga ito ay tinupok ni Duragong Apoy. Nang matapos ang laban ng binata, doon na rin isa-isang naglabasan ang lahat ng mga alipin. Ang mga taga-Gomi naman ay agad na pumasok sa loob ng Ken. Lahat nga ng alipin ay pinakawalan ng mga Zodiacs. Sinabi nga rin ng mga ito na sila'y aalis na sa Ken. Hindi raw sila nabibilang sa kaharian... Pero pinigilan sila ni Argus. Sinabi niyang may magagawa pa ang mga ito para makabawi sa mga mamamayan dito.   "Turuan natin ang mga taga-Gomi sa paggamit ng espada. Tulungan natin silang ibangon ang Ken."   Akala nga ng mga Zodiac ay hindi papayag ang mga taga-Gomi, pero nagkamali sila. Tinanggap pa rin sila ng mga iyon. Tinanggap sila ng mga ito sa kabila ng mga nangyari.   Nang mga sandaling iyon naman, inihiga ni Erza si Honoo sa kanyang kandungan. Napuno ng luha ang mukha ng binata dahil sa pag-iyak ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na makakaalis sila mula sa impyernong kinalalagyan nila. Basang-basa ang mukha ng binata habang ito'y natutulog na nakangiti.   "A-ate... Ang galing ni Kuya..." sabi naman ni Ezel na pinagmamasdan ang buong Ken. Iyon din kasi ang kauna-unahan niyang pagkakataong makarating sa kaharian.   "O-o...oo nga E-ezz-zel. I-in-iliggg...tas niya t-tay...yong l-lahattt..."   Napangiti pa nga si Erza habang pinipilit pigilan ang pag-iyak na hindi niya malabanan.   *****   SA IKAPITONG ARAW matapos ang pagkatalo ng mga Duragon ay maraming taga-Gomi ang nagtipon-tipon sa plaza ng Ken. Isang malaking salo-salo kasi ang kanilang gagawin. Isang malaking pagdiriwang ito na puno ng kasiyahan dahil sa nangyari sa kanila. Kahit na wasak ang halos kalahati ng Ken ay itutuloy pa rin nila iyon... Samantala, sa loob ng palasyo, sa silid kung saan nandoon si Honoo ay kasalukuyang pinupunasan ni Erza ng basang bimpo ang pisngi ng binata. Siya nga ang nagbantay kay Honoo habang natutulog ito.   Saglit ngang napatitig ang dalaga sa labi ng binata. Parang kinabahan naman si Erza nang mga oras na iyon. Parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkatuyo ng laway. Sandali siyang lumingon sa pintuan, at nakitang sarado iyon. Napalunok na nga siya ng laway. Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa labi ni Honoo na walang kamalay-malay.   "Paano ako nabuhay? Akala ko ba, buhay ko ang bayad sa mga hiniling ko?" tanong naman ni Honoo kay Hikin at kasalukuyan itong nanaginip.   "Hiniling mong mabuhay ang lahat ng namatay dahil kay Lucifer, kaya nabuhay ka rin... Gano'n lang iyon ka-simple bata," sagot ni Hikin na nababalot ng gintong apoy ang katawan.   "E-eh, ang kapangyarihan ko? Akala ko ba, mawawala?"   "Ikaw ang tagapangalaga ko, kaya hindi ko magagawa iyon bata..." Bigla na nga lang hinawakan ni Hikin sa mukha ang binata.   "A-ano'ng gagawin mo?" pagtatakang tanong kaagad ni Honoo.   "Gumising ka na bata kung ayaw mong magalit ang kasintahan mo?" nakangising sabi ni Hikin, at napahiyaw sa sakit at init si Honoo dahil sa apoy ng kanyang alab na kinakausap niya sa kanyang panaginip.   NAPAMULAT bigla si Honoo at nagulat siya sa nakita. Mukha kasi ni Erza, ang tumambad sa kanya. Nakapikit ito at mukhang alam na niya ang gagawin sa kanya nito.   "L-lagot ako kay Venus..." Iyon agad ang pumasok sa isip ni Honoo. Wala siyang nagawa kundi ang umiwas. Mabilis siyang bumangon at tumayo na parang walang nangyari. Napamulat naman si Erza nang maramdaman niya na malambot ang nahalikan niya, ang unan ng binata.   "M-muntik na," sabi ni Honoo sa sarili. Napahawak na lang siya sa noo habang nakatingin sa natigilan si Erza.   “Erza.”   Pinamulahan naman ang dalaga nang marinig na nagsalita si Honoo mula sa likuran niya. Para siyang naging estatwa. Hindi niya maigalaw ang katawan niya. Pinagpawisan siya nang malapot at hindi niya malaman kung paano magpapalusot sa kahihiyan na kanyang ginawa.   "Paumanhin Honoo! Paumanhin! Natukso ako! Huwag kang magalit!" Pero sa huli, humarap din ang dalaga at lakas loob itong sinabi nang nakayuko.   "A-ayos lang. Huwag mo nang uulitin 'yon!" kamot-ulong sagot ni Honoo at pagkatapos ay nag-inat-inat siya ng kanyang mga bisig.   "Alam kong wala rito ang babaeng iyon, pero loyal ako sa kanya kahit isip-bata minsan..." Napangiti na lang si Honoo nang maalala si Venus. Nagbalik na ang kanyang alaala, kasama na rin ang kanyang apoy na kapangyarihan.   "Oo! Pangako! Hindi na talaga!" Namumula pa rin si Erza habang nagsasalita.   "Oo nga pala, ako si Marcelo!"   "N-na...naaalala mo na kung sino ka at kung saan ka galing?"   "Oo, at siguro'y kailangan ko na ring makauwi... Sa lalong madaling panahon."   Biglang pumatak ang luha ni Erza nang marinig niya iyon mula sa binata. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot dahil ayaw pa niyang umalis ang binata. Marami pa siyang gustong sabihin dito. Ipakita. Ik'wento at ipaturo. Gusto pa sana niya ito makasama nang matagal...   "G-gano'n ba?" Pinunasan ng dalaga ang luha niya at ngumiti. Huminga siya nang malalim ang tinanggap ang katotohanang hindi taga-rito ang binata.   "Sana, bumalik ka rin dito paminsan-minsan... Marcelo." Isang napakaganda at napakaaliwalas na ngiti ang binitawan ni Erza. Tinakpan noon ang lungkot na bumabalot sa kanyang puso.   Napangiti naman si Honoo, si Mars dahil doon. Napagdesisyunan na rin nga ng binata na yakapin ang dalaga. Bigla tuloy pinamulahan uli si Erza dahil doon.   "Oo naman... Nga pala, wala ba kayong makakain dito?" mahinang tanong ni Mars na nakaramdam ng pagkalam ng kanyang sikmura. Napatawa tuloy ang dalawa dahil doon.   "May malaking salo-salo ngayon ang inihahanda sa plaza. Sigurado rin ako na gusto ka nilang makita roon... Dahil ikaw ang kanilang bayani."   Bumitaw si Mars mula sa pagkakayakap sa dalaga at sumeryoso.   "Hindi ko ginawa iyon para maging bayani. Basta, hindi ako bayani! Ang gusto ko lang ngayon ay ang kumain." Kumalam muli ang sikmura ni Mars at napatawa rin muli si Erza.   *****   NAGKAROON ng kantahan at sayawan sa plaza ng Ken. Isang malaking apoy rin sa gitna ang nagsilbi nilang liwanag nang gabing iyon. May mga nag-iinuman at mayroon ding isang napakahabang mesa kung saan ay nakalagay ang napakarami at napakasasarap na pagkain.   Kasalukuyan ngang kumakain si Mars sa gitna ng mesa. Halos isang linggo rin kasi siyang hindi nakakain kaya 'eto at napakaraming plato na ang napataob niya.   "Maraming salamat iho," sabi naman ni Argus na katabi ni Mars. Kumakain din ito pero sakto lang ang pagkaing kinukonsumo nito.   Agad uminom si Mars ng tubig pagkarinig noon. "Wala po iyon 'Lo," nakangiting sagot ng binata.   Sa kalagitnaan ng pagdiriwang ay pinasalamatan ng lahat si Mars dahil sa ginawa nito. Kung ano-ano ang ibinigay nila sa binata pero lahat ng iyon ay hindi niya tinanggap.   "Masaya na ako sa kinain ko, isa pa... Aalis na rin agad ako." Napatingala nga sa langit si Mars. Naalala niya ang sinabi ni Hikin sa panaginip niya... Ang paraan kung paano makabalik sa Elementalika o ang makapunta sa kahit saang lugar.   "Noon pa man bata ay may mataas ka nang kakayahan para makapaglakbay sa ibang lugar. Hindi mo na kinakailangang lumikha ng bilog na lagusan para gawin iyon. Sa pamamagitan lang ng iyong isip ay magagawa mo ang teleportasyon sa kahit saan," sabi ni Hikin sa kanyang panaginip.   Inilagay ni Mars ang isang daliri niya sa noo. Napatingin din siya sa lahat at kumaway gamit ang kabilang kamay para magpaalam. Napatingin din siya kay Erza at Ezel. Bago nga siya pumunta sa plaza ay nagpaalam na siya sa dalawa. Nangako rin ang magkapatid na mas magpapalakas pa sila. Si Argus naman ay nangakong babantayan at poprotektahan ang Ken, kasama na rin ang mga natitirang Zodiacs.   "Paalam, mga taga-Gomi... Hanggang sa muli at salamat..."   "Sa pagkain," nakangiting sabi ni Mars at bigla siyang naglaho sa harapan ng mga taga-Gomi.   Inisip lang ni Mars ang lugar na gusto niyang marating at sa isang iglap ay napunta siya roon. Tumambad sa kanya ang gate ng mansyon ni Lolo Mera.   "Nandito na uli ako," sabi ni Mars. Nakasakbit din nga sa likod niya ang kanyang espada mula sa Gomi. Sandali siyang natahimik at isang mahinang aura mula sa katawan niya ang kumalat sa paligid. Umabot din iyon hanggang sa bundok na nasa likuran ng malaking bahay.   "Nasa burol siya..." Naramdaman nga niya ang aura ng babaeng gusto niyang unang makita. Sa burol kung saan sila nag-date dati.   "Siguradong umiyak siya nang sobra nang matalo ko si Lucifer. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya. Iyakin pa naman ang isang iyon." Napabuntong-hininga si Mars at kasabay noon ay bigla siyang naglaho. Kasunod din noon ay ang biglang pagbukas ng gate. Si Lolo Mera iyon at nagmamadaling lumabas dahil may naramdaman siyang tila pamilyar kani-kanina lang.   "Iho?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ng matanda. Sigurado siyang naramdaman niya ang aura ni Mars pero nadismaya siya, dahil mukhang mali lang siya ng akala.   Samantala, sa burol. Nabigla naman si Mars nang isang nakatalikod na dalaga ang nakita niyang nakatayo sa ilalim ng puno sa dulo ng bangin. Matangkad ito, mahaba rin ang buhok at lampas sa baywang iyon. Nakasalapid iyon nang maayos. Sexy nga rin ito at nakasuot ng pulang fitted tshirt at naka-black jeans. Nakasuot din ito ng black boots at may nakaikot na balabal sa baywang.   "V-venus?" biglang nasabi ni Mars sa dalaga. Hindi rin siya sigurado dahil sa pagkakaalala niya ay medyo maliit si Venus. Subalit sa pagharap ng dalaga ay napanganga ang binata.   "S-si Venus nga..."   Natulala naman si Venus nang makita ang isang lalaking nakasuot ng may kalumaang damit at may espada sa likod. Tila huminto ang oras nang mga sandaling iyon. Naipon agad ang luha niya sa kanyang mga mata. Nanlabo nga ang paningin niya at napahikbi. Tuluyan na ngang umagos ang luha niya pababa dahil sa binatang nakikita niya ngayon.   "M-m...m-mars?"   "I... I hate you! Hindi ka man lang nagpaalam!" sigaw ni Venus at nabalot ng yelo ang kamao niya. Kahit hindi pa sinasabi ng lalaki kung ito nga ba si Mars ay napakalakas na ng kutob niyang ito iyon.   Bigla na lang tumalsik palayo si Mars nang suntukin siya sa mukha nang malakas ng dalaga. Sunod-sunod iyon at malalakas na naging dahilan para bumagsak ang bagong dating na binata.   "L-lumakas ka yata!" sabi ni Mars na nakalupaypay habang nakaupo sa damuhan. Duguan ang mukha nito at puro pasa.   "G-galit ako sa 'yo! I-iniwanan mo na lang ako nang ga-gano'n..." umiiyak pang sabi ni Venus at pinagsasampal pa niya si Mars.   "Tsigi, bugbhughin mho pah ako..." Halos iba na nga ang tono ng boses ni Mars dahil sa ginawa ng dalaga. Kahit binubugbog siya nito ay hindi naman maalis sa labi niya ang saya. Nang huminto nga ang dalaga ay agad niya itong niyakap bilang sagot. Mahigpit iyon at puno ng pagkasabik na muli itong masilayan.   "S-sorry... Hindi ko na iyon uulitin..." seryosong sabi ni Mars. Seryoso rin niyang tiningnan sa mukha si Venus. Alam na niya kung bakit nag-matured ang itsura nito. Nalaman niya kaagad iyon dahil sa lakas ng dalaga.   "N-nakakaa--- uhmmm!" Magsasalita pa sana si Venus kaso, bigla siyang hinalikan sa labi ni Mars. Umagos lalo ang luha niya nang mga sandaling iyon. Ramdam na ramdam niya ang saya. Sa wakas, bumalik na ang lalaking pinakamamahal niya sa kanyang tabi.   Nakangiting bumitaw si Mars pagkatapos noon. Napangiti rin nga si Venus at pinamulahan. Nagkatinginan pa ang dalawa at muling nagyakapan dahil muli na nga silang magkasama.   "Nandito na uli ako. Bumalik na ang partner mo," sabi ni Mars.   "Napakasaya ko Mars..." sambit naman ni Venus. Tiningnan niya nga sa mata ang binata at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa labi nang puno ng pagmamahal.   Samantala, nang magkita sina Venus at Mars nang oras na iyon, isang malaking pagsabog naman ang yumanig sa Kamaynilaan. Isang higanteng robot ang sumira at nagpasabog sa buong Malacañan Palace. Marami ang namatay roon, kabilang na nga ang Presidente ng Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD