Apoy 7

1978 Words
NAGLIWANAG ang buong plaza nang sabay-sabay na atakehin ng Zodiacs sina Honoo. Nagtalsikan sa hangin ang napakaraming aura dahil doon at bumagsak kaagad sina Erza at Ezel dahil sa lakas noon. Tumambad nga sa harapan ng magkapatid ang apat na Zodiac. Sila ay sina Gemini, Aquarius, Scorpio at Pisces.   Si Gemini, isang babae at nakasuot ng maikling pantalon. Nababalot ng munting puting baluti ang dibdib at balikat nito. Kulay lila naman ang buhok at puro tattoo ang katawan. Si Aquarius naman ay may bughaw na baluti. Matanda na ito, at kakaiba ang espada nito dahil yari ito sa tubig. Samantalang si Scorpio naman ay isang binatang nakahubad. Nakasuot ito ng maluwag na itim na pantalon. May tattoo naman ng alakdan sa dibdib. Mahaba rin ang buhok at hugis buntot ng scorpion ang dulo dahil sa pagkakapuyod noon. Kulay itim ang talim ng espada nito at nangingintab dahil sa lason na nakakapit dito. Si Pisces naman ay isang matandang babae. Nakasuot ito ng makapal na baluti. Nangingintab din ang asul na talim ng espada nito na tila kaliskis ng isda.   Habang, isang matinding palitan ng atake naman ang ginawa ni Argus laban kina Capricorn, Virgo, Aries at Libra. Nagdidiklapan sa hangin ang bawat banggaan ng mga espada nila. Mapapansing may pambihirang bilis si Argus na ikinagulat ng mga Zodiac na lumalaban dito, at tila alam na alam ng matanda ang kilos nila.   Si Capricorn, isang matipunong lalaki na may baluti na tila balahibo. Puti ang mata nito at tila sungay naman ng unicorn ang espada nito. Si Virgo naman ay may suot na nagliliwanag na baluti. Isa siyang babaeng may mahabang buhok at isang maigsing espada naman ang gamit nito. Si Aries naman ay isang matanda na may suot na makapal na kasuotang pangdigma. May makapal na balahibong puti rin ang nakatakip sa batok nito at may sungay rin ito na parang sa kambing. Nakapaikot iyon sa kanya at isang may kahabaang espada rin ang gamit niya. Si Libra naman ang natatangi sa lahat ng Zodiac dahil gumagamit ito ng dalawang espada. Matipuno rin ito at may suot na baluti ang buong katawan.   Samantala, tatlong Zodiac naman ang sumugod kay Honoo. Pero nagulat ang mga Duragon sa kanilang nasaksihan. Biglang tumalsik na lang sina Leo, Taurus at Sagittarius. Ang tatlong ito ang pinakamalakas sa mga Zodiac pero tila wala itong binatbat sa lalaking may kakaibang aura.   Maging si Honoo nga ay nabigla rin nang isang hindi maipaliwanag na shockwave ang napalabas niya. Iniisip lang niya na hindi siya matatalo ay iyon na sumunod na nangyari. Kaso, mabilis din namang nakatayo ang tatlong Zodiac na humarap sa kanya. Hindi nga lang sila makapaniwala sa mga nangyari. Nakaramdam tuloy sila ng insulto kaya mabilis nilang sinugod muli si Honoo.   Napangisi naman ang binata. Nagulat na nga rin lang siya nang makita niyang parang ang bagal ng paggalaw ng tatlo. Hindi niya maipaliwanag kung paano iyon nangyari, pero ginamit na rin niya ang pagkakataong iyon. Isang hakbang pauna ang ipinamalas niya. Niluwagan niya rin ang kapit sa kanyang espada at pagkatapos noon ay inilagay niya ang p'wersa sa kanyang dalawang binti.   "Hikin! Gawin na natin." Biglang lumitaw si Honoo sa likuran ng tatlong Zodiac. Napakabilis niya at hindi na nakita ng mga ito ang kanyang ginawa. Kasunod na lang nga noon ay ang paghiyaw ng tatlo. Sumirit ang maraming dugo mula sa dibdib ng mga ito. Nahati rin sa dalawa ang baluti sa dibdib ng tatlong Zodiac. Ang mga Duragon ay nabigla na lamang sa kanilang nakita. Napatayo sila dahil doon.   "I-imposible! Kailanman ay wala pang nakakagawa nito sa mga Zodiac! Sino ba ang lalaking ito?" nasambit na lang ng Duragon na gumagamit ng apoy.   Nakangisi namang pinagmasdan ni Honoo ang apat na Duragon. Itinuro niya ang dulo ng kanyang espada sa mga ito na parang hinahamon na ikinagulat ng apat.   "Labanan n'yo ako!" sigaw ni Honoo sa mga Duragon na umalingawngaw sa buong lugar. Nabigla naman ang ibang Zodiac sa narinig nila. Napabaling tuloy ang atensyon nila sa binata. Nakaramdam sila ng insulto mula rito, kaya napagdesisyunan nilang si Honoo na unahing atakehin ang atakehin.   "Hindi n'yo siya kaya..." nakangising sabi naman ni Argus habang pinagmamasdan ang mga Zodiac na aatakehin ang binata.   Natulala naman sina Erza at Ezel sa mga mangyayari. Duguan na ang dalawa pero nakakatayo pa rin sila dahil sa hindi nila pagsuko. Kinabahan nga sila nang makitang pagtutulungan si Honoo ng mga Zodiac.   "Humanda ka pangahas!" sigaw ni Aquarius na nakahanda ang sandata para sa pag-atake. Nagliwanag na nga ang espada ng walong Zodiac. Sabay-sabay rin nilang binanggit ang pangalan ng kanilang sandata.   Huminga naman ng malalim si Honoo. Nakikita pa rin niya na ang bagal ng pagkilos ng mga Zodiac. Nararamdaman din niyang hindi siya matatalo ng mga ito.   "Hikin! Pabagsakin natin sila.!" Nagliwanag ang talim ng espada ni Honoo. Seryoso niyang tiningnan ang mga kalaban na papalapit na sa kanya at kasunod noon ay ibinaon niya sa lupa ang kanyang espada. Isang malakas na shockwave ang kumawala mula roon at nagtalsikan palayo ang walong Zodiac dahil doon. Nawasak ang mga baluti nila at nagtamo rin ang mga iyon ng mga sugat.   Nahawan ang plaza dahil sa ginawang iyon ni Honoo at nasa gitna na siya dahil sa kanyang ginawa. Gulat na gulat naman ang magkapatid na Ezel at Erza habang natigilan naman nang hindi inaasahan si Argus.   "Bankai na lang ang makakasabay sa lakas ng binatang ito," mahinang sabi ni Argus na napangisi na lang sa mga nangyayari.   Samantala, nanggagalaiti naman sa inis ang mga Duragon sa kanilang nasaksihan. Dahil doon kaya unti-unting tumataas ang aura nila at nararamdaman na iyon sa paligid dahil sa mahinang pagyanig ng lugar.   "Mga Zodiac! Mga wala kayong k'wenta! Patayin n'yo ang lalaking iyan, dahil kung hindi... Kayo ang papatayin namin!" galit na sigaw ng Duragong Tubig na unti-unti nang tumataas ang lebel ng aura na bumabalot sa kanyang katawan. Sing-bilis naman nga ng kidlat na nagsitayuan ang mga Zodiacs pagkarinig noon. Nagliliwanag ang mata ng bawat isa at tumataas din ang aura ng mga ito. Yumanig nga ang paligid dahil dito at pinakawalan na nila ang buong lebel ng kanilang kapangyarihan.   Napangisi naman si Honoo nang magsitayuan ang labing-isang Zodiac. Pinaikutan na siya ng mga ito at may kalayuan din ang distansya mula sa kanya. Mukhang aatekihin siya ng mga ito mula sa malayo.   Isang malalim naman na paghinga ang ginawa ni Honoo. Kahit na napapaikutan na siya ay hindi naman siya nakakaramdam ng takot sa mga ito. Bigla ngang nagliwanag na rin ang aura niya. Sumeryoso na nga rin ang mga mata niya habang inihahanda ang sarili sa mga posibleng mangyari.   "Hindi ko na ito papatagalin..."   Marahang iniwasiwas ni Honoo ang espada niya paikot. Bumuo nga iyon ng pabilog na liwanag. Bigla ring lumalim ang lupang kinatatayuan niya. Nagkabitak ang matibay na pundasyon ng plaza. Bumulwak din nga mula sa kinatatayuan niya ang malakas na hanging nagpataas ng buhok niya. Samantala, bigla namang nagpakawala ang labing-isang Zodiac ng malayuang atake. Lumikha sila ng labing-isang matatalas na hangin at mabilis iyong bumulusok papunta sa kinatatayuan ng binata. "Tapos ka na... Pangahas!" sigaw ng mga Zodiac. Pero nabigla sila nang nawasak ang mga tira nila. Binasag lang iyon ng atake ni Honoo.   "Hikin! Tayo naman!"   Isang malakas na hampas sa espada ni Honoo sa lupa ang ginawa niya at nagkaroon ng labing-isang bitak ang lupa. Dumiretso iyon nang mabilis papunta sa kinatatayuan ng mga Zodiac. Mula sa lupa, ay isang pambihirang atake ang ginawa ng binata. Mabilis ngang tinamaan ang mga kalaban ng matalas at mainit na hanging kumawala mula sa espadang Hikin. Dahil doon kaya nagsibagsakang muli ang mga Zodiac na ikinagalit na lalo ng mga Duragon.   "M-mga... Mga mahihina!" galit ngang sigaw ng Duragon ng Lupa. Inihampas niya sa lupa ang espada niya at bumulwak bigla ang maraming dugo mula sa dibdib nina Gemini, Libra at Aquarius. Isa kasing humulma at matalas na lupa ang biglang lumabas mula sa kinatatayuan ng tatlong Zodiac na iyon. Dumiretso rin kaagad iyon papunta sa katawan ng tatlo at ang dugo ng mga ito ay bumulwak din nang mabilis.   "Tapusin ninyo ang lalaking iyan, kung ayaw ninyong itulad ko kayo sa tatlo ninyong kasama!" Umusli ang ugat sa sintido ng mga Duragon dahil sa kanilang nasaksihan kaya, ipinataw nila nang mabilis ang kamatayan ng tatlo sa mga alagad nila na miyembro ng Zodiacs.   Napakuyom naman ang kamao ni Honoo dahil sa mga nangyari. "P-pati ba naman mga alagad ninyo..." garalgal na sabi ni Honoo at biglang umusok ang talim ng espada niya dahil doon. Ang emosyon niya ay tila nagpabago lalo ng lakas na pumapalibot sa kanyang katawan.   "Humanda kayong apat! Kayo na ang lalabanan ko!" sigaw ni Honoo na dumagundong sa buong Ken. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nilalang na lumaban sa mga Duragon. Nang mga sandaling iyon... Mula sa mga gumuhong bahay sa paligid, ang mga mula sa Gomi na alipin ay biglang nagsilabasan. Nagulat sila nang marinig gagawin ng binatang si Honoo. Ngayon lang kasi sila nakakita ng may isang indibidwal na lalaban sa apat na Duragon.   Bigla na nga lang naglaho si Honoo na ikinagulat ng mga Duragon. Napatayo nga nang mabilis si Duragong Lupa mula sa pagkakaupo niya sa kanyang aliping tila ginawang kabayo.   "Lapastangan ang lalaking ito!" Mabilis nga niyang inihanda ang kanyang espada. Nakita niya nga ang mabilis na pagtakbo ng binata palapit sa kanila.   "Yahhh!" bulalas naman ni Honoo. Isang malakas na hampas ng espada nga ang binitawan niya. Yumanig ang buong paligid at isang nakakabinging salpukan din ng espada ang narinig sa buong paligid.   "S-sino ka ba talaga!?" gigil na tanong ng Duragon ng Lupa habang nakikipagtulakan gamit ang espada laban kay Honoo.   Napangisi ang binata naman ang binata at may isang pangalan ang bigla na lamang lumabas mula sa kanyang mga labi nang hindi niya inaasahan.   "Ako... Ako si Marcelo Falcon!" Biglang nagliyab ang espada ng binata matapos sabihin iyon. Nagulat siya nang bahagya dahil doon. Tila kidlat din nga na nagsibalikan ang lahat ng ala-ala niya. Nabalot bigla ng apoy ang kinatatayuan niya.   Isang malaki at gintong apoy ang nagpaliwanag sa paligid. Ang apoy ng binatang walang-takot na nilabanan ang mga Duragon!   Nagulat ang lahat ng mga nakakita sa binata. Ang mga Zodiac, biglang kumabog ang dibdib. Balak na sana nilang gumamit ng Bankai pero hindi na nila naituloy iyon. Si Argus naman ay napatanggal sa suot na maskara at pinagmasdan ang napakagandang kulay ng apoy na nagmumula sa binatang si Honoo.   "Isang gintong apoy..." bulalas ng matanda habang pinagmamasdan ang apoy na nakapalibot sa binata.   Napaiyak naman si Erza sa nakita. "A-ang galing mo Honoo... S-salamat... Salamat kasi dumating ka para iligtas kami."   "Naaalala ko na! Ako si Mars!" nasambit ng binata na lalong nagpaliyab ng ginto niyang apoy.   "I-imposible! Imposibleng magkaroon ka ng apoy na espada!" sabi naman ng Duragon ng Apoy. Agad nga nitong hinugot ang espada ang sariling espada at nagliyab din iyon.   "Patayin natin ang lalaking iyan! Pagkatapos, isunod natin lahat ng buhay rito!" sabi naman ng Duragon ng Tubig. Ang apat na Duragon ay nagpakawala na nga nang tuluyan ng kanilang napakalakas na kapangyarihan.   Napaatras si Honoo dahil doon. May naramdaman siyang napakalakas na pwersa mula sa apat at delikado iyon.   "Bankai!" sabay-sabay na sabi ng apat na Duragon at biglang nagliwanag ang buong plaza matapos iyon. Sinundan din iyon ng malakas na pagsabog. Mula sa mga ulap, apat na dambuhalang dragon ang lumitaw at pumunta sa ibaba. May malalapad na pakpak ang mga dragon at hinubog ang katawan nila mula sa Lupa, Tubig, Hangin at Apoy.   "Mga dragon pala huh..." nakangising sabi ni Honoo. Napatingin na nga siya sa kanyang kanang palad. Napangiti siya, dahil bumalik na uli ang marka ng apoy roon.   "Hinding-hindi ninyo matatalo ang isang Maharlika!" Nagliyab ang kanang kamay niya pagkasabi ni Honoo noon, ay ang paglawak ng sakop ng ginto niyang aura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD