Apoy 34

2545 Words

ISANG pamilyar na pakiramdam ang dumaloy kay Mars nang ang suntok ni Rhock ay bumulusok na papunta sa kanya. Hindi pa niya gustong mamatay at nang ikinuyom niya ang kanyang kamao ay biglang isang apoy ang kusang sumibol mula roon. Isang mabilis na pagsalag din sa suntok ng kalabang Terranian ang kanyang ginawa na naging dahilan upang ang apoy na bumalot sa kanya ay sumabog sa harapan niya. Ang hangin ay bahagyang umihip at nabigla naman si Rhock dahil sa nangyaring iyon.   Sabay na umatras ang dalawa at nagkatinginan.   “Ang apoy na ito...” wika ni Mars at may naalala siyang isang kwento tungkol sa abilidad na pagsasalin pansamantala ng kapangyarihan sa isang nilalang kapag ang gumagamit ay mamamatay na.   Mabilis niyang nilingon si Lava at napakuyom kaagad siya ng kamao dahil nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD