Episode 1

1223 Words
"Nay, baka po nagpadala na ng pera sa inyo si Billy? Hihingi lang po sana ako ng kahit pambili lang ng gatas ni Arthur." Tanong at paghingi ko ng konting halaga ng pera sa aking biyenang hilaw dahil hindi pa naman kami kasal ng anak niyang si Billy na siyang tatay ng kaisa-isa kong anak na lalaki. Kasalukuyang nasa bansang Japan ang kalive-in partner ko at nagtatrabaho bilang welder. Dalawang buwan pa lamang akong buntis sa aming anak ng iwan niya ako sa pangangalaga ng kanyang pamilya. Wala kasi akong sariling cellphone na gamit kaya hindi ko man lang makausap ng matagal ang tatay ng anak ko. Sa tuwing magvi-video call lang sila ng kanyang nanay Lumen ay doon ko lang nakakausap ang live in partner ko. Ngunit napaka bilis pa dahil nagmamadali lagi ang biyenan kong hilaw na para bang may iba pang gagawin o pupuntahan. Pwede naman niyang ipahiram muna sa akin ang cellphone para makausap ko ang anak niya ng matagal ngunit hindi niya kailanman ginawa. Noong nanganak ako, dito lang din ako sa bahay at tumawag lang ng midwife ang biyenan ko. Sa totoo lang, awang-awa ako sa sarili ko lalo na sa anak ko dahil para kaming hayop na nilagay lamang sa sulok nitong bahay. Walang sinuman na umaasikaso sa amin ng anak ko kahit man lang ang biyenan kong hilaw. Katwiran niya, noong panahon na nanganganak siya ay hindi raw siya humingi ng tulong sa mga magulang niya o kahit pa sa mga biyenan niya. Kaya raw kayang-kaya kong asikasuhin ang sarili ko at ang anak ko. Kahit wala pa akong alam sa pag-aalaga ng isang sanggol ay nagtanong-tanong na lang ako sa mga tao sa center kung saan ko buwan-buwan na pinapa check-up ang anak kong si Arthur. Salamat naman at may mga taong handang tumulong sa gaya ko na gustong matuto sa pag-aalaga ng sarili kong anak. Ang mga gamit ko sa panganganak gaya ng mga lampin, baru-baruan ay bigay lang sa akin ng mga mabait na kakilala. Samantalang ang mga alcohol, bulak, sabon, langis at kung ano pang mga gamit pang baby ay maswerte akong nabunot sa raffle para sa mga buntis. Kasi kung hindi nabunot ang pangalan ko ay baka kahit isang bulak ay wala akong kahit na anong gamit sa panganganak. Sa ilang buwan kasi na pagtatrabaho ni Billy sa Japan ay kahit piso ay hindi pa ako nakakahawak sa sahod niya. Lahat ng pera ay sa nanay niya bumabagsak. Wala namang kaso sa akin dahil hindi pa naman kami tunay na mag-asawa. Panganay ang live in partner ko sa apat na magkakapatid at puro babae na ang mga sumunod sa kanya. Wala na akong lalaking biyenan dahil kailan lang ay namatay dahil sa atake sa puso. Kaso lang, parang hindi kami tinuturing na tao ng pamilya ng asawa ko. Tingin nila sa akin ay alila nilang lahat. Utusan at katulong. Ako ang kumikilos sa loob at labas ng bahay sa araw-araw kahit alam nilang may sanggol akong inaalagaan. Minsan lang bilhan ng gatas ng biyenan kong babae ang anak ko na apo niya pero kung anu-anong mga sumbat ang naririnig ko. Pasalamat daw ako na meron siyang anak na tinanggap ako kahit wala raw akong pinag-aralan. At kahit saan ko raw anggulo na tingnan ay hindi kami bagay ng anak niya. Pinagkakalat niya sa lahat na hindi anak ni Billy ang anak namin dahil kahit konting lukso ng dugo ay wala raw silang nararamdaman sa kaawa-awa kong anak. Tinitiis kong lahat ng mga yon dahil mahal ko ang anak ko at ang tatay niya. May mga magulang pa ako at mga kapatid ngunit ayoko ng umuwi sa malayo naming probinsya dahil ayokong maging pasanin sa mga magulang ko at mga kapatid ko na salat din sa buhay. Kaya nga ko nakipagsapalaran sa pagtatrabaho sa ibang bayan ay para makatulong sa pamilya ko. Naging tindera ako ng isang bakery at doon ko nakilala si Billy na nagtatrabaho sa malapit na construction site. Niligawan ako ng live in partner ko at naging kami. At pagkatapos din ng ilang buwan ay nalaman ko na lang na buntis na pala ako. Tuwang-tuwa si Billy dahil blessing daw ang anak namin dahil naka apply na raw siya papuntang Japan. At iyon nga, inuwi niya ako dito sa bahay nila kung saan iiwan niya rin pala ako agad kasama ang buong pamilya niya na hindi itinatago na hindi nila ako gusto para kay Billy. "Aba! Hindi ba at kabibili ko lang noong isang linggo? Anong ginagawa mong pagpapadede diyan sa anak mo at ang bilis maubos ng gatas niya? Kung bakit naman kasi ang arte mong babae ka? Sa halip na sayo dede ang anak mo ay pilit mong pinagbote tapos ngayon ako ang peperwisyuhin mo?!" singhal sa akin ni Nanay Lumen. Bumili naman talaga siya ng gatas pero gaya ng sinabi niya ay noong isang linggo pa. Kung tutuusin ay pang dalawang araw lang ng anak ko ang gatas na binili niya na naka pack lang ng maliit. "Hindi na po kasi talaga kasya ang ganung kalaki na gatas kay Arthur. Iyong binili niyo ay pang dalawang araw niya lang." Pangangatwiran ko. Kanina pa umiiyak ang anim na buwan kong sanggol na anak dahil sa gutom. Wala naman kasi akong mautangan dahil halos ng kapitbahay ay nautangan ko na at hindi ko pa nababayaran. Nakikipaglabada ako pero na advance ko ng kunin ang sahod ko noong hindi nawawalan ng ubo at sipon si Arthur. "Hindi ko na problema kung walang gatas o hindi na kasya sa anak mo ang binibili ko. At saka anong karapatan mong magtanong kung nagpadala na ang anak ko? Hindi ka niya asawa kaya wala kang karapatan na magtanong. Hindi pa nga kami nakakasiguro na anak niya yang anak mo!" patuloy na singhal sa akin ni Nanay Lumen. Sa lakas ng boses niya ay naririnig na ng halos buong barangay. Nakayuko lamang ako at kuyom ang mga kamay. "Bakit niyo naman po nasabi ang bagay na yan? Anak po ni Billy si Arthur." Mangiyak-ngiyak kong sambit. Nanghihingi lang naman ako ng konting pera dahil gutom na gutom na ang anak ko. Hindi ko kasi napa breastfeed si Arthur dahil kahit anong gawin ko ay walang gatas na lumalabas sa akin. At puro hangin lang ang makukuha niya dahil madalang lang na nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Kung hindi pa nga ako magpa alila sa ibang tao ay hindi ako magkakaroon ng sariling pera at magkakaroon ng almusal, tanghalian at meryenda. "Huwag mo nga akong dramahan, Irene! At lumayas ka sa harap ko at mainit ang ulo ko! Dapat nga matagal na kayong umalis na mag-ina dito sa bahay namin dahil hindi namin kayo tanggap!" asik pa ulit sa akin ng aking biyenang hilaw at saka pa ako malakas na tinabig na dahilan ng muntikan kong pagkadulas buhat-buhat pa ang anak kong umiiyak. Napatingala na lang ako sa langit sa pagkaawa ko sa aking sarili at sa anak kong umiiyak dahil nagugutom. "Billy, kailan ka ba uuwi? Kailan ba namin titiisin ni Arthur ang pagmamalupit ng nanay at mga kapatid mo?" tanong ko sa sarili ko habang pinapatahan ang anak ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako magtitiis na maghintay kay Billy. Hindi ko alam kung aabutan pa niya kaming buhay ng anak namin sa nararanasan naming gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD