Chapter 10 Matapos kaming kumain ni Paul ng brunch sa bayan ay gumala na kami na magkahawak kamay. Ako mismo ang ayaw bumitaw at ang tanging oras na pumayag ako na magkahiwalay kami ng kamay ay nung nagpaalam siyang magbabanyo. Maliit lang ang Sitio Paraiso pero may isang malaking simbahan sila at dinadayo ng mga tao. Mukhang eto na rin ang nagsilbing bayan nila dahil makikita ang plaza at mga tindahan dito. May mga bench na rin sa paligid at makikita ang tao na umiikot, nagbebenta, at pumapasok ng simbahan. Payak na pamumuhay, hindi gaano makikita ang mga taong bumibitbit ng cellphone o naka earphones hinid kagaya sa amin. Ang mga bata ay naghahabulan at naglalaro. Napaka payak na pamumuhay. Napalingon ako sa isang ladlad na tindahan at napalapit ako doon at may nakita ako isang