Chapter 13 Kahit hindi ko masikmura ang tingin ng mga lalake sa akin sa tuwing sasayaw ako sa itaas ng entablado ay kailangan kong gawin iyon. Lalo na nang isugod ang Tatay sa hospital dahil sa kumplikasyon niya sa sakit. Nasa waiting room ako sa labas ng emergency room ng biglang lumabas ang doctor kaya agad naman akong napatayo at nilapitan eto. “Doc? Kumusta po ang Tatay?” Nakita ko kung paano yumuko at napailing ang doctor. “Mas lalong lumala ang sakit ng Tatay mo, Hija. Masyado nang mahina ang kaliwang baga niya at sinalo ito ng stroke dahilan na hindi na siya halos makapagsalita at makagalaw. May option ka naman na ipaopera siya pero ako na mismo ang nagsasabi sa iyo na hindi na niya kakayanin ang proseso. Bilang na lang ang oras ng Tatay mo, hija. Pasensya na.” Nanghina ang