Chapter 12 Namatay ang cellphone ko kaka-ring sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Nakaharap lang ako sa sa salamin habang ang bakla ay nilalagyan ng kolorete ang mukha ko. Bigla ay nagring nanaman ang cellphone ko pero hindi ko lang iyon pinansin dahil alam ko naman kung sino lang naman ang tatawag sa akin. Si Paul. Mahigit isang araw na simula nang umalis ako sa Sitio Paraiso mag-isa. Pagbalik ko ng subdivision namin ay nakita ko si Tatay na nakatali at umiiyak dahil sa lamig. Wala na akong nagawa kundi ang kalagan siya at ibalik sa kwarto habang ang Nanay ay nakatingin at nanonood lang sa amin na may ngiting tagumpay. Dahil eto naman ang gusto niya, gusto niya ang maging puta ako. “ihanda mo ang sarili mo—amerikano ang nagbook sa’yo. Tiyak na mahihirapan ka sa unang pagk