CHAPTER 10: Agents

1246 Words
Pagkatapos kong maglinis at mag-ayos ng aking silid ay lumabas na muna ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Anong oras na ba? Tumingin ako sa relo na nasa aking bedside table at nagulat akong eleven na pala! Magtatanghali na at hindi pa ako kumakain! Madali akong nagtungo sa kitchen at nagbungkal sa mga kaserola. Mas lalo akong nagutom nang adobong piggy ang aking nakita with full of patatas. Hmnn, bango! Nilanghap-langhap ko muna ito bago ako sumandok ng marami at inilagay sa plato. Tapos ay kaning marami din. Pumunta na ako sa mesa at nag-sign of the cross muna bago sinimulang kumain. Ang sarap!!! Bakit parang ang perfect naman 'atang magluto ngayon ni Mia ah? Hindi naman siya ganito kasarap magluto ah, kalimitan pa nga ay palpak. Habang kumakain ako ay may naririnig akong nagwi-wistle mula sa labas. Sa tonong kumakanta ang kanyang pag-wistle. Naka-open kasi ang pinto namin at screendoor lang ang nakasara kaya naman rinig na rinig ko ang ingay sa labas. Sumilip naman ako sa labas dahil malapit sa pinto ang table namin. Napanganga naman ako kay Ghian na busy sa pagsasampay ng kanyang mga nilabhan. Nakahubad-baro pa at mabuti naman dahil naka-cotton short na siya! Ang akala ko eh naka-boxer pa rin siya d'yan sa labas! Naka-upo pa rin ako dito sa mesa habang sumusubo ng kanin at nakatitig naman sa labas. Sarap talaga ng ulam, hmnn.. Namumutok sa masel ang kanyang mga braso, balikat, dibdib at, oh my God! Ang adobong pandesal! Parang ang sarap naman niyan lamutakin. Patuloy siya sa pag-wistle habang nagsasampay ng kanyang mga damit. Ngayon ko lang din napansin na may tattoo pala siya sa kaliwang parte ng kaniyang likod. Ganoon din sa kaliwang bisig. Di ko alam kung anong tawag sa gan'yang style ng tattoo. Pakurba-kurba siya. Natapos ako sa aking pagkain na tanging kanin lang ang aking nakain. Hindi ko nakain ang masarap na adobo! Mas masarap kasi 'yong nasa labas! Huh? Napamulagat ako nang may biglang kumatok sa screendoor. 'Yong ulam ko! "B-Bakit?" nautal kong tanong sa kaniya na hindi ko namalayang nasa labas na pala siya ng screendoor. Nakatitig pa rin kasi ako sa kanyang katawan. "Kukunin ko 'yong ulam ko," seryoso niyang sabi. Seryoso? Anong ulam? "H-Ha? A-Anong ulam?" Natutulala pa rin ako sa kaniya hanggang sa binuksan na niya ang screendoor at pumasok siya dito sa loob. Lumapit siya sa gastove at kinuha ang kaserola. Binuksan niya ito at saka lumapit sa akin. Hindi maalis ang aking paningin sa kanyang bato-batong tiyan lalo na noong makalapit siya sa akin at nasa harapan ko na ang aking mga ulam. Tumutulo ang pawis sa kanyang katawan. "Nasaan na?" rinig kong tanong niya. Biglang nawala sa aking paningin ang mga pandesal at humarang ang kaserolang wala ng laman. Napatingala na tuloy ako sa kaniya. Nakataas ang sulok ng kanyang labi at makakapal niyang kilay. "Ahh, u-ulam? I-Ito ba?" turo ko sa mga ulam na nasa aking plato na hindi ko nga nakain. "Tss. Huwag mo ngang kinakain 'yong hindi sa 'yo," sabi niya sabay kuha ng aking plato. "Ha? Eh, hindi ko naman nakain ah! At saka paano naging sa 'yo 'yan eh narito sa bahay namin?" Bigla na naman akong nainis. Yabang ng kumag na ito ah. "Si Mia ang kumuha nito sa room ko at dinala dito." Huh? Nagulat naman ako doon. Ibig sabihin ay nakapasok na si Mia sa kanyang apartment?! Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib. Mas nainis pa akong bigla! Tumayo ako at itinulak siyang palabas. "Lumabas ka na! Hindi ko naman nakain 'yang ulam mo dahil hindi naman masarap!" Itinulak ko siya hanggang sa makalabas. Nakakainis! "Talaga ba, hindi masarap? Kase mas masarap ako?" Nakangisi niya pang sabi sa labas ng screendoor. "Tse!" Ibinagsak ko pasara ang pinto. Nanggigigil ako sa inis! *** GHIAN's POV I just smirked when i saw her face red because of anger to me. Iyon pa rin ang suot niyang sando at nakabakas pa rin ang magkabila niyang n****e. s**t. Agad kong ipinilig ang aking ulo. I actually cooked it and gave it to Mia for her but i noticed she didn't eat this because she was busy looking at me habang kunyari ay busy- busyhan din ako sa pagsasampay ng aking mga binasa ko lang naman na mga damit. Hindi naman talaga ako ang naglalaba ng aking mga damit. Nagpapa-laundry lang ako dahil hindi na kaya ng oras ko. But my world seems to be changing from now on. Araw-araw na lang akong maglalaba. Tsk. I went into my room and ate lunch. Nagmadali na ako dahil marami kaming operation today. I made sure she couldn't get to work now and couldn't get out of her room. I need to get back early. *** SAFEHOUSE "Ghian," salubong sa akin ni Lyka pagdating ko ng safehouse. "Here's the cctv footage sa labas ng hospital hanggang sa emergency room. At ito namang isa ay sa labas ng ward ni Nick and Rick." She showed me some cctv footage outside the hospital kung saan ibinaba ng isang black car at sinalubong naman ng mga nurse with stretcher si Nick. A woman in a simple t-shirt and pants wearing also got out of the car. "Stop." She quickly pressed the pause button. Ako na ang nagkalikot ng computer at ni-zoom sa mukha ng babae. Lumipat ako sa katabing computer and i opened the cctv footage on the ship. Ni-play ko din ito and pause it sa mukha ng babaeng nakasuot ng facemask. Half of her face lang ang makikita but i'm 100 percent sure it's her. "I think I saw her somewhere." "Yeah, me too." "If I am not mistaken, I think she looks like one of the women na nakasama natin sa training in Baguio back then." "What the hell? I think you need to see this one more." May ipinakita pang isa pang kuha ng cctv si Lyka sa kabila pang computer. Kuha ng babae habang nakaupo sa labas ng room nila Nick and Rick. Ni-zoom niya ito sa kanang braso. "What the hell? What's that?" Napapanganga kong tanong habang nakikita ko ang medyo wakwak na braso ng babaeng ito at may ilang sinulid na sa tingin ko ay napigtas. "What do you think?" Nagkatinginan kaming dalawa. Ni-play niyang muli ang video at may ilang kuha doon na naroroon si Nikay at Liam. Liam is a Leader of a second organisation named Betha. And we are members of the first organisation named Alpha. Cedric is our Leader who is Liam's brother. And now we have a suspicion that there is a third organization founded by General Parker and this woman is probably in that group based on some of our intense operations that we notice na mayroon pa kaming nakakasamang tumutulong na hindi namin kilala. "By the way. Nakalipat na ba siya?" biglang tanong ni Lyka. "Yeah," sagot ko habang nasa computer pa rin ang aking paningin. "Oh, eh di celebration na?" "Tsk." "Bar?" tanong ng biglang dumating na grupo. Jett, Yuan, Honey, Erhwin and Cedric. Si Cail ay nasa hospital na isa sa pinakamagaling naming agent kung lumaban. Kami ni Lyka at Jett ang nakatoka sa mga system, pag-locate gamit ang gprs, devices, pagha-hack ng mga cctvs, lines ng kuryente, paggawa ng bombs and ofcourse kasama pa rin kami sa mga operations. As agents, we are trained to act quickly and efficiently in combat. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ako nasali dito... ...ay SIYA..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD