Chapter 35

1517 Words
Suot ni Alejandro ang simpleng business attire suit habang nakasuot ng shades. Kalalapag lang ng elevator sa eksaktong floor number ng condo unit na iyon. Mataas ang gusaling iyon na 'sing taas ng Manila Hotel. Doon umano matatagpuan ang unit ni Travis. Nang makarating sa may pintuan ay agad siyang nagdoor-bell. He waited a respond, but he guess it's no one responding. Tiningnan pa niya ang calling card na nandoon, nakita niya ang eskaktong address ni Travis. He seemed stress out so he manage to dial that number, pero hindi pa man iyon napipindot ay biglang bumukas ang pintuan sa harapan niya. "Alejandro?" gulat na saad ni Travis na inabot siya ng yakap. "What brought you here?" casual na tanong nito. Tipid siyang ngumiti at nagsalita. "I need something from you," seryosong sabi niya habang ginagayak siya papasok sa loob ng kwarto nito. "Wine?" paanyaya pa ni Travis na sumilid sa counter top table sa bandang kaliwa, may mini bar set up ang kwarto niya. Tumango lang si Alejandro at umupo sa stool na nasa harap nito. Agad naman siyang pinagsalin ni Travis sa isang wine glass at nilapag sa harap niya. "So, what's the matter? Anong maitutulong ko?" slang pa na boses ni Travis. Agad na kinuha ni Alejandro ang baso at sumimsim. "I want to save my marriage proposal," tipid na sabi ni Alejandro na ikinangisi ni Travis. "Damn! Are you saying that you're getting married?" "Not yet, may problema kasi." "O, anong problema?" "My ninong Ejercito won't allow me to the will of testament of his dead son, he wants to null the testament so he can save his lost in his business." "It's quiet complicated, bro." Ani ni Travis na sumimsim ng wine. "So, I'm here to ask a favor...can you be my associate in my profits...abroad? You'll gonna cover me to claim my profit, para walang makaalam sa totoong net-worth ng negosyo namin. "Covering you up?" sabi pa ni Travis. Tumango si Alejandro. "Yes. Buy my profit from abroad and transfer it in my account here, kailangang makuha ko ang minana ko from that syndicate, but I won't let them know that I am the one who is buying out." "A syndicate?" napaupo si Travis bago pa nilapat ang dalawang siko sa table. "Oo, malaki ang naging parte ko sa Vegas Casino, I won their price, but it is still in that syndicate who buy and sell some player shares, they won't allow me claim my part until someone buys it." Tumango-tango si Travis. "A trade?" Paglilinaw pa ni Travis. "Yes." Sabi pa ni Alejandro na inisang-lagok ang baso ng wine. "Okey," casual na response ni Travis sa kaniya. Ngumiti pa ito saka ulit nagtanong. "How much do you want to owe me?" diretsong saad ni Travis kay Alejandro. "A hundred grand." "Peso?" Umiling si Alejandro. "Dollar." Tumango-tango si Travis. "So it's about 4 to 5 million peso?" Tumango si Alejandro. "And how much does your price in that casino, my friend?" Pumagitna ang katahimikan bago pa kinuha ni Alejandro ang isang papel. Inabot niya ito kay Travis na agad napamura sa pagkakabigla. "Damn it, Alejandro! You god-damn serious about this?" hindi makapaniwala si Travis. Nakasulat kasi doon na ang makukuhang profit ni Alejandro ay kulang kulang ninety to ninety-five billion, not in peso but in dollar sign. "How did you gain this?" walang muwang na saad ni Travis. "It's the logic of algo, Travis. The algorithm has the nature to crawl from the bottom—going to the sky," tipid na ngiti nito sa kaibigan. "Hmm..and what is my price, then?" nakangiting saad pa ni Travis kay Alejandro. "Maybe an airline will do?" Alejandro casually hint the right things, what should a Travis Del Rio wanted. Agad na ngumiti si Travis at nag-abot ng kamay. "Deal." "Okey, then." Sabi pa ni Alejandro na kinuha at nilamano ang kamay ng binata. Sa mga oras na iyon ay ihinanda ni Alejandro ang mga papeles na dapat ibigay kay Travis, nagpirma sila ng mga kontrata, at mga kasunduan sa gagawing pagmanipula sa perang nandoon sa Vegas. Ginawa rin ni Travis na maging legal attorney si Alejandro in that case, they will not spill any details to anyone except on them. Sa pagkakataong iyon, nakasalalay na kay Travis ang plano ni Alejandro, ang kailangan na lang niyang gawin ay ang maghintay na makuha ito, bago pa man siya makabalik sa San Luisita. *** Nasa harapan sila ng may kahabaang mesa, Cassandra and Don Ejercito is just silent while eating their meals. Kaharap nila ang seryosong pagmumukha ni Jerick na may pasa sa kaliwang mata. Katabi nito si Erickson at ang fiancee nito, gayong nasa gitna naman ang papa ni Jerick na si Don Raymundo. "So, kumpadre, nakasisiguro ka na ba'ng hindi na mauulit ang nangyari sa anak ko?" walang emosyon na saad ni Don Raymundo kay Don Ejercito. "I am the one to blame this, kumpadre, I am really sorry for what happened." Sabi pa ni Don Ejercito na matamang sinipat ang mukha ni Cassandra na tila walang narinig. Tuloy-tuloy lang ito sa pagsubo ng kinakain, of course, halos dalawang araw siyang gutom. "Hija?" tawag pa ni Don Raymundo kay Cassandra. Agad naman itong tumingin sa gawi ni Don Raymundo at nagtrapo ng kaniyang gilid sa labi. "Po?" animo'y relax na relax lang ito. "Hija, we're trying to save your company, alam mo naman siguro na kami ang may pinakamalaking shares sa Monteverde Corporation, so we don't want to spill out our investments there, kaya ang naiisip naming plano ay ang ipakasal kayo ni Jerick, hindi ka na iba sa amin, hija. Alam kong mahal ka ng anak ko, at alam ko rin na mahal mo siya, kaya..." tumingin pa ito kay Jerick na tila gustong punan ang sinasabi nito. "We decided to get married as soon as possible, siguro'y sa susunod na buwan? Ano sa palagay mo?" sabi pa ni Jerick kay Cassandra. Simpleng tumingin lang si Cassandra saka nag-flip lang ng buhok. Sumimsim pa ito ng baso na may lamang red wine saka pa dumighay at nagsalita. "Okey, kung 'yan ang gusto n'yo eh," sabi pa niya saka pa ngumiti ng napaka-sweet. Pati ang nasa hapag ay nalilito sa inaasal nito, daig pa nito ang sabog sa droga kung maka-asta ngayon. "You're not in a good shape, hija, may sakit ka ba?" Ngumiti pa si Cassandra saka itinukod ang dalawang siko sa lamesa. Pumangalumbaba pa ito habang hindi mawaglit ang ngiti. "I'm in the best shape ho, Tito...actually I feel great. Katunayan nga, ready na po akong simulan kung ano man 'yang pinaplano ninyo, para maramdaman ko na kasali pala ako, I guess you're making such a decision without thinking about how am I suppose to feel, eh, pero carry lang. Jerick and I is mutual...before, hindi ko lang po 'sure' if hanggang ngayon din ba." Simpleng sinipat ni Cassandra ang kaniyang mata sa mukha ni Jerick na noo'y napaawang ang bibig. Ibang-iba kasi kung magsalita si Cassandra ngayon, diretsahan at bulgar kumbaga, parang hindi edukada. Naibagsak ni Don Ejercito ang kaniyang kubyertos tanda na naiinis na ito sa inaasal ni Cassandra. Binalingan ni Cassandra ang mukha ng kaniyang lolo saka pa niya ito nginitian. "Cassandra.." mariing sambit pa ni Don Ejercito na tila napahiya sa ginagawa at pinagsasasabi ni Cassandra. "Yes, lolo?" irap ni Cassandra na nakangiti pa rin. "Excuse us, kumpadre." Sabi pa ni Don Ejercito na agad kinaladkad si Cassandra sa kung saan. "Look at me!" makapangyarihang boses ni Don Ejercito sa kaniya. Wala siyang emosyon na napatingin sa mukha ng kaniyang lolo. "What?" sabi pa ni Cassandra sa matanda. Naka-kibit-balikat lang ito. "Ano ba ang gustong ipalabas mo, Cassandra? Bakit nagiging walang modo ka sa harapan nila?" asik pa ni Don Ejercito na hawak-hawak ang kaniyang braso. Medyo nasasaktan si Cassandra dahil may mga mumunting pasa siya roon. Agad niyang kinuha ang braso niya at matalim na tinitigan ang matanda. "How I wish that my dad and mom is alive, they will insult you as what I'm trying to do. Mali man po na makaramdam ako ng ganito, pero...hindi po kayo karespe-respeto." Isang mabigat na sampal ang pinakawalan ni Don Ejercito kay Cassandra. Natigilan si Don Ejercito sa pangyayaring iyon, halatang nabigla sa sampal. Maging si Cassandra ay natigilan sa ginawa ng matanda. Sapo pa niya ang kaniyang pisngi habang pinipigilang hindi maiyak. "I hate you!" Sambit pa ni Cassandra sa matanda. Agad siyang lumayo sa kinatatayuan ng kaniyang lolo at tumakbo sa kung saan. "Cassandra! Cassandra! Bumalik ka!" sigaw pa ni Don Ejercito na naglikha ng ingay sa labasan. Agad na nagsilabasan sina Erikcson at si Jerick. Napatakbo agad ang mga ito sa matanda. "Bakit po, ano pong nangyari?" tanong pa ni Erickson. "Si Cassandra, umalis!" Ani ni Don Ejercito na tinuro ang kakahoyan kung saan sumuot si Cassandra. Malalim pa naman ang gabi. "Hahanapin po namin siya!" sambit pa ni Jerick na agad bumalik sa loob para kunin ang susi sa kaniyang motorsiklo. Mayamaya pa ay angkas-angkas sina Jerick at si Erickson sa motorsiklong iyon, gusto nilang maabutan si Cassandra sa kung saan man ito nagpunta. ...itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD