Chapter 34

1532 Words
Pinaharurot ni Alejandro ang kaniyang sasakyan sa oras na iyon. Halos hindi na niya makontrol ang manibela habang binabagtas ang daan. He's clinching his jaw while holding the wheel, halos ibangga niya ang sasakyan sa mga talahiban na nasa daan. He is nowhere to go, gusto lang niyang mawala sa paningin ni Cassandra at ng ninong Ejercito niya. He is totally shattered this time. "F*ck this feeling!" litanya pa niya habang tulirong sinasabunutan ang sariling buhok, gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Mayamaya pa ay hindi niya napansin ang punong mangga sa daan. Agad siyang sumalpok doon. Malakas ang pagkakasalpok niya dahilan upang tumilapon siya sa may dashboard, mabuti na lang at gasgas lang at kaunting sugat ang natamo niya. Hindi kasi niya naisuot ang kaniyang seatbelt kanina. Nang makausad ay dahan-dahan siyang naupo ng maayos sa driver's seat. Tagaktak ang dugo sa kaniyang noo, but he couldn't feel it, namamanhid ang katawan niya. Manhid dahil sa pangyayaring mas nasaktan siya, kaysa sa pangyayari ngayon. "Aaargghhh!" sigaw pa niya habang pinaghahampas ang manibela ng kaniyang sasakyan. Nasa loob pa rin siya nito kahit pa wasak na ang bumper sa harap. Mahina siyang humalukipkip at napaluha. He felt drained. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya, ramdam niyang mahina siya sa pagkakataong iyon. Kuyom ang dalawang kamay ay ipinangako niyang gagawin ang lahat para maipakita niya sa mga Monteverde na mali ang maliitin siya ng mga ito. Na karapat-dapat siya kay Cassandra, na mayroon siyang ibubuga kaysa kay Jerick Nunez na iyon. He immediately help himself to start the engine again, gusto niyang pumunta muna kina Juan, kailangan niyang humingi ng pabor dito. He immediately went to the Buenavista ranch. Nang makapasok siya sa malawak na hacienda ay nakita niya si Vince, ang pamangkin ni Juan na anak ni Annaliz, nakatayo ito na tila naglalaro ng bola. Agad siyang lumabas at nagtrapo ng noo, upang hindi mapansing nagdurugo iyon. Matapos n'on ay dahan-dahan siyang lumapit. Agad namang napansin siya ng bata. "Uncle Alejandro!" bungad pa ni Vince na agad na lumapit sa kaniya. Suot nito ang nagtatakang mukha. "Vince, nandyan ba si kuya Juan mo?" "Umalis po siya kuya, pumunta po sa bukirin, papunta nga rin po mayamaya sina ate Venus, para magdala ng pagkain," saad pa ng paslit. Tumango siya. "Sige, pupuntahan ko siya." "Sige po, napano po pala 'yang noo n'yo?" sabi pa ng paslit na halatang curious sa pagdurugo n'on. "I'm just checking my car, mabilis pala ang takbo...nabangga ako." Agad na napalitan ang mukha nito ng pagkakagulat. "Naku po, mag-ingat po kayo, uncle Alejandro!" habol na saad nito nang patalikod na si Alejandro para umalis. "Sige, Vince." Kaway pa ni Alejandro sa paslit. Agad siyang sumilid sa sasakyan at pumunta sa sinasabi nitong bukirin, alam niya kung nasaan iyon. So he immediately fasten his seatbelt then start the engine. Agad siyang nagpatakbo at tinungo ang lugar na iyon. Hindi pa nagtagal ay nandoon na siya sa bukirin, agad siyang lumabas sa kaniyang kotse, na siyang rason upang mapansin siya sa mga magsasakang nandoon. "Magandang hapon ho, sir Alejandro!" "Magandang hapon, attorney.." Iyon ang narinig niyang bati sa mga nandoon. "Nasaan si Juan?" He asked them. "Ay nandoon po sa may kubo, sir. Nagpapasilong muna." "Sige, salamat po." Sabi pa niya saka tinungo ang sinasabi nitong kubo. Mayamaya pa ay nakita niya ito. "Juan." Tawag pa niya mula sa likod. Agad siya nitong nilingon suot ang nagtataka at nagulat na mukha. "O? The hell happened to your face?" sabi pa nito na medyo lumapit sa kaniya. Hinawakan pa siya nito sa magkabilang balikat. Sinisiguradong okey lang siya. "I need a contact." "For what? For who?" Juan responded. "I need to see Travis Del Rio, hindi ba't kaklase mo 'yon?" tanong pa ni Alejandro sa kaibigan. Tumango lang naman si Juan. "Bakit?" takang tanong ni Juan. "It's about, ninong. Mayroon akong gagawin to save my marriage." "The heck you're saying? Kasal? Sino naman ang pakakasalan mo?" "No. Siya ang magpapakasal sa akin." Pagkaklaro pa ni Alejandro. Umiling si Juan. "Ang labo, I don't get it." Aniya saka pa namaywang sa harap ni Alejandro. "I need to see Del Rio, to transfer my account abroad, I need my profits." Sabi pa ni Alejandro sa seryosong boses. Sumeryoso ang mukha ni Juan at halatang ngayon lang niya nakita na nagkakaganito ang kaibigan niya. "Okey, I'll give you." Sabi pa ni Juan na may kinuha sa kaniyang bulsa, isang wallet, at doo'y may nilabas itong calling card. Iniabot niya ito kay Alejandro. "You owe me this one, okey?" sabi pa ni Juan sa kaniya. Tipid na ngumiti si Alejandro saka nagsalita. "You know you can count on me, Juan. Salamat." Baritonong boses pa ni Alejandro na agad na inabot ng tapik ang balikat ng kaibigan. "Goodluck." Habol pang sabi ni Juan nang makalayo-layo na siya sa kinatatayuan nito. Tumango lang siya bilang respeto. Agad siyang sumilid sa kotse niya at binuhay ang makina. Agad siyang umalis at doo'y sisimulan ang kaniyang plano. Ang planong magpapabalik sa kaniyang apiliyido na Guerrero. *** Halos dalawang araw nang hindi lumalabas si Cassandra sa kwarto niya, simula nang insendenteng iyon, ayaw na siyang lumabas at kausapin ang kahit na sino sa mansyon. Nakasalampak si Cassandra sa sahig habang yakap-yakap ang unan. Hilam ng mga luha ang kaniyang mata. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa labas ng kaniyang silid. Oras-oras niya itong naririnig na kumakatok pero ayaw niya itong pagbuksan. "Bes! Bes! Cassandra! please buksan mo naman ang pinto oh..." narinig niya ang boses ni Kata sa labas. Ngayon lang ito nagpunta kaya agad siyang nagtrapo ng mukha. Dahan-dahan siyang tumayo, dahan-dahan niyang tinatahak ang daan papunta sa pintuan. Mayamaya pa ay narinig pa niya ito. "Bes! Sumagot ka! Papasukin mo 'ko, please naman oh!" dinig pa niya. Dahan-dahan niyang in-unhook ang tatlong padlock na nandoon, nang mabuksan niya'y agad siyang niyakap ni Kata. Nandoon din ang mga kasambahay na nakatingin sa kaniyang sitwasyon. Tanaw niyang nag-aalala sila lalo pa't alam nila ang pangyayari. "Iwan n'yo muna kami, please." Sabi pa ni Kata sa mga kasambahay. Agad na pumaloob si Kata sa kwarto ni Cassandra at doo'y nakita ang sitwasyon nito. Basag-basag ang mga gamit nito sa sahig. Nagkalat ang mga gamit sa kung saan, na nangangahulugang nagwala ito. "Cassandra.." sabi pa ni Kata sa kaibigan na walang emosyon ang mukha. Nakaupo lang ito sa kaniyang kama. "Bes...magsalita ka naman oh." Sumamo pa ni Kata sa kaibigan. Hinawakan pa ni Kata ang mukha nito at pinahiran ang mga luhang dumadaloy doon. "Magsabi ka, Cassandra...kakampi mo ako." Ani nito na naiiyak na rin. Agad siyang niyakap ni Cassandra at doo'y humagulhol. "Kata...mahal ko siya! Mahal ko si Alejandro! I want him! I need him!" sabi pa ni Cassandra sa kaibigan habang nakayakap dito. Agad namang inalo siya ni Kata habang hinahaplos ang kaniyang likod. "Shhh....I know, don't worry...huwag ka nang umiyak, please. Isipin mo ang sarili mo, Cassandra. If I we're Alejandro, I don't want to see you like this, kung gusto mong ipaglaban ang pagmamahalan n'yo, dapat maging malakas ka! Hindi gaya nito," sabi pa ni Kata na binibigyan ng payo si Cassandra. Agad namang umayos si Cassandra at tiningnan ang kabigan, humingos pa ito at nagtrapo ng luha. "Do I look, weak?" Mahinang tumango si Kata at inayos ang mga grano ng buhok sa kaniyang pisngi. "Iba ang kilala kong Cassandra, matapang 'yon, maldita, hindi nagpapatalo, at hindi umuurong...iyon ang nakilalang kaibigan ko. Si Cassandra...Cassandra Monteverde." Sabi pa ni Kata na mapait na ngumiti. Dahan-dahan namang ngumiti si Cassandra at muling yumakap sa kaibigan. Sa oras na iyon ay nahimasmasan si Cassandra, tama nga ang sabi ni Kata. She must be strong for now, dapat ay maging matatag siya. Dapat ay lumaban siya. *** Ilang oras ang ginugol nina Kata at Cassandra sa oras na iyon, nasa kwarto sila na tila may pinaghahandaan. Ayon kasi kay Don Ejercito, ngayon ang araw kung saan pupunta sila sa mansyon ng mga Nunez, kaya kailangan niyang magpaganda. With the help of Kata, Cassandra is now ready to face the real challenge, hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Naunang lumabas si Kata sa kwarto ni Cassandra at doo'y hinintay siya sa may ibaba. Nang magbukas ang pintuan mula sa kwarto ni Cassandra ay tanaw nila ang bagong awra nito. Nakasuot ito ng long dress na kulay pula. Alon-alon ang buhok niya pati na rin ang nagkikislapang alahas sa kaniyang leeg at kamay. Dahan-dahan siyang pumanhik pababa sa hagdan. Nilinga-linga niya ang kaniyang paningin sa mga taong nandoon na halos sumayad sa sahig ang pagkakabigla nang makita siya. Maging ang kaniyang lolo Ejercito ay nagtaka sa kaniyang pagbabagong anyo. Nang makababa siya'y inalalayan siya ni Kata na tahimik lang na nakasunod sa kaniya. Medyo lumapit pa siya sa kaniyang lolo at pasimpleng bumati. "Oh, shall we go, lolo? Let's not make the Nunez wait, baka ma-offend pa 'yon...sa'yo," sabi pa ni Cassandra na agad naglakad sa tarangkahan ng pintuan papalabas. Naiwang nakatulala si Don Ejercito sa sinabi niya, halatang mayroong palaisipan sa bawat kataga n'on. Nang makapasok na sila sa kotse'y agad na nagmando si Cassandra. "Let's go, I have some wedding to save for," pilosopang saad niya na pinaparinggan ang lolo niya. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD