Government is a Mess.

581 Words
03 Government has two sides, either you're on the good side or the bad side. It depends on which will benefit your position. Kaya marami pa ring manloloko at nagpapaloko. Si Claire at kanyang ama ay may galit sa pamamahala ng kanilang gobyerno. Hindi siya sang-ayon sa ibang bagay na pilit ginagawa nang namamahala sa kanyang mga nasasakupan. Kung kaya't sumali sila sa isang samahan na palihim na nakikipaglaban sa mga taong sakop ng gobyerno. Tinanggal nila ang mga chip na nakabaon sa kanilang leeg kaya't hirap silang matunton ng mga taong nasa mataas na posisyon. "Ang mga taong ito ang gumagawa nang gulo sa ating bayan," saad ng isang namununo sa kanilang lugar. "Dapat natin silang hulihin at patayin dahil sinisira lamang nila ang pundasyon at modernisasyon na ating pinayayabong. Huwag na tayong bumalik sa nakaraan at patuloy nating suportahan ang proyekto at pananaliksik ng ating mga matatalinong siyentipiko," dugtong pa nitong sabi na maawtoridad at may halong galit sa mga taong nakikipaglaban sa gobyerno. Patuloy naman ang hiyawan nang mga tao na nakasuporta sa pamamahala nito. Ang iba ay hindi man sang-ayon ay sumabay na lamang dahil isang maling galaw lamang ay hahandusay ka sa sahig dahil sa mga nakapalibot na makabagong kagamitan. Naroon sila Claire sa pagtitipon. Ang mga ELITE ay nasa kanang bahagi na nakaupo habang ang STRONG na mga pangkat naman ay nasa kabilang bahagi. Ang dalawang pangkat na ito ay magkaiba ang isip at pananaw sa kanilang buhay at iba pang mga bagay-bagay. Ang mga ELITE ay ang mga taong may marangyang buhay at may posisyon sa gobyerno. Mga mayayaman at namamahala ng mga kompanya, matatayog na mga gusali at kung ano-ano pang mga establishment. Kadalasan sa kanila ay sumusuporta sa gobyerno at ang iba naman ay ibig patalsikin ang namununo. Kaya ang iba ay sumasali rin sa mga samahan kontra gobyerno at nagbibigay ng suporta sa mga tauhang kasali rito. Pero iba si Brylle. Wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. Matalino siya kaya ayaw niya sumagi pa sa mga hakbang na ito. Alam niyang kahit ano pang gawin niya ay gulo pa rin ang kahihinatnan nito. Ang gusto lang niya ay mamuhay nang tahimik at payapa kasama ang babaeng nakita niya. Gusto lang niyang maranasan ang pagmamahal ng isang babaeng mamahalin niya. Bata pa lamang ay ipinagkait na sa kanya ang pagmamahal ng isang magulang dahil naulila siya at namuhay sa poder nang kanyang Tito. Minahal at inaruga naman siya nito ngunit iba pa rin ang pagmamahal nang mga magulang. Kaya nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya iiwan ang kanyang anak at bubuo nang sariling pamilya na malayo sa gulo. Dumalo rin si Brylle sa pagtitipon dahil sa ayaw at gusto ay kailangan niyang pumunta rito. Habang nakaupo with a sunglass in his face ay nasulyapan niya ang isang pamilyar na mukha ng babae. Nakatakip man ang ibabang bahagi ng mukha nito ng isang bandana pero kita pa rin ang mga mata nitong nagpabighani kay Brylle. Biglang tumayo si Brylle at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ni Claire ay agad naman itong naglakad na nakasunod sa kanyang ama. Dahil sa dami ng tao ay nawala sa paningin ni Brylle si Claire at dali-daling kinuha ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. "Cartel, are you in the office? Secure the cameras here and control it. Find the girl with a cloth covered in her face, long wavy hair and wearing black pants with a jacket. Call me when you find her."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD