I Saw Him.

378 Words
02 Claires' POV Ako si Claire at isa akong matapang na babae. Sa aming pangkat napapabilang ang mga taong may pinaglalaban dahil sa mga karanasan. Ako at aking ama na lang ang magkasama ngayon dahil nadamay ang aking ina sa isang gulo. May mga taong nagnakaw sa isang establishment at paglabas ay agad na tumakbo ang mga ito. Naihagis ng mga ito sa harap ni Mama ang isang bag na may lamang mga pera. Ngunit hindi nakaligtas ang mga ito dahil sa nakapalibot na mga AI cameras at destructive programmed guns. Pati si Mama na walang alam ay nadamay at binaril. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay Mama. Hindi ko gusto ang higpit at batas nang gobyerno. Simula nang mangyari yun ay galit at poot ang nangibabaw sa aking pagkatao at sa mga taong napabilang sa ELITE dahil sila ang gumagawa nang batas at pilit na kinokontrol ang mga tao. "Claire, Anak gising na at may pupuntahan pa tayo," sigaw ni Papa na nasa labas ng aking kwarto. "Opo, Pa babangon na po," saad ko naman nang maalimpungatan dahil sa sinag ng araw. Alas singko pa lamang ng madaling araw ay pumupunta na kami ni Papa sa siyudad upang mangalap nang kagamitan sa pakikidigma sa mga AI robots sa ibang lugar na hindi makontrol. Sikreto lamang ito ng aming samahan. Sa aming paghahanap ay biglang nagkagulo dahil may nagbabangayan at nagsisigawang mga tao. "Pa, ano iyon," saad ko nang marinig ang ingay. "Tara na anak. Lumayo na tayo rito at baka madamay pa tayo sa gulo," pagmamadaling sambit ni Papa nang marinig ang sigawan. Agad naman akong sumunod kay Papa habang tinatanaw pa rin ang nagkakagulong mga tao nang may masulyapan ako sa itaas ng gusali na nasa ikaapat na palapag. Isang lalaking sa tingin ko'y kakagising lamang at sumulyap ito sa lugar kung saan may nagkagulo. Napakaamo nang kanyang mukha kahit wala pa itong ayos. Nang bigla kong naalala ang nangyaring pagtitig ko sa isang lalaki. Ang kanyang mga titig ay para bang mahihipnotismo ka sa mga nakakaakit nitong mga mata. Sumulyap ako uli sa taas upang makompirma na siya nga ang lalaking nakatitigan ko. Ngunit wala na ito sa kinaroroonan at ibinaling ko na lang Ang atensyon sa pagsunod kay Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD