Magkahawak kamay sila ni Van Lexus habang papasok sa Mall patungo sa sinasabi nitong VIP resto kung saan gaganapin ang lunch meeting nito kasama ang isang napaka-maimpluensyang kliyente. Wala pa ang sinasabing kliyente ni Van kaya umupo na muna sila at nagsimula na itong umorder ng pagkain. Anyway, maaga sila ng treinta minutos sa lugar.
Umiilaw ang cp nito sa ibabaw ng mesa. Sadyang matalas ang kan'yang mga mata kaya kita niya kung sino ang tumatawag, obviously ang babae nito.
" Why won't you answer your phone love? Kanina pa tawag ng tawag." aniya sa asawa. Gusto lamang niyang makita ang reaksyon nito.
" Never mind, hindi naman importante!" matipid nitong sambit then she saw him pressing the cancel button of his phone. Well, if he is so genuine enough to tell her that,then she's happy.
Hinawakan nito ang isa niyang kamay at dinala sa bibig nito upang dampian ng halik sa labi." Wala ka bang oorderin love?" tanong nito.
" W-wala na, ikaw na ang bahala." sagot niya.
After 10 minutes, dumating na ang client ni Van.
Tumayo silang dalawa at nakipagkamay sa lalake.
" Mr. Lever, I want you to meet my wife Michaela Catedrilla.Honey, this is Mr. Andrew the owner of Casino Royalty ." pagpapakilala ni Van . May edad na si Mr. Lever, sa tantiya niya ay nasa sixties na ito but he is looking good and strong. May itsura rin ang lalake at sa tingin niya ay may lahing banyaga ito. He smiled and praised her, nagpasalamat naman siya sa lalake at umupo na muli sila sa kanilang upuan.
Hindi naman nagtagal ay isa-isa nang dumating ang kanilang inorder kanina. Van and Mr Lever are discussing business. May balak na magsosyo ang dalawa sa isang Casino Royalty branch na itatayo sa Amerika. Knowing Van Lexus, he is really open to any businesses lalo na't may credibility ang kasosyo o investors nito.
Habang kumakain sila ay tumunog na naman ang cp ni Van. Tumayo ang asawa at sandaling nagpaalam na tanggapin na muna nuto ang tawag.Then she hurriedly put an earpiece on her left ear and pressed a button on her wristwatch kung 'asan connected ang tracker ng asawa. She also put a tapping device on his phone para maririnig niya ang conversation ng asawa at ng kausap nito .It only works kapag malapit lamang sila sa isa't isa.
Boses ng umiiyak na babae ang una niyang narinig.
" Miss na kita mahal, kailan ka ba pupunta rito?Kanina pa kita tinatawagan pero parang ayaw mo naman akomg sagutin.M-May itinatago ka ba sa akin ?"
" Shhhhh, I'm just very busy mahal. I'm in the middle of a meeting when you call and until now. Pasensya ka na muna ah, out of town kami ng boss ko ngayon .I hope after a week I will be back there okay?" sambit ng kan'yang asawa sa kabilang linya.
" Sige, mahal hihintayin kita.Miss na talaga kita . I love you so much!" sagot ng babae.
" Y-Yeah..." sagot naman ni Van.
" Tell me you love me please at least give me an assurance that you love me, " sambit ng babae.
" O-Oo mahal. I love you , too. I gotta go for now okay? Mag-ingat ka palagi!" he said then he hungup already.
At parang may sumaksak sa puso niya sa oras na iyon. Babalikan pa ba ng asawa niya ang babae nito o paaasahin lamang ito ni Lexus?
Pagkatapos ay nakangiti itong bumalik ulit sa mesa nila at itinuloy na nito ang pag-uusap nila ni Mr. Lever. So, the two decided na sa susunod na taon ay uumpisahan na ng dalawa ang negosyo . For now, they will be looking for a perfect place.May mga options na raw si Mr. Lever at iniimbitahan nga nito si Van na mag occular inspection sa mga lugar next month. So, this is a multi-billion business by two of the worlds most prominent businessmans.
After the lunch meeting, nagpaalam na si Mr. Lever. Ayon kay Van Lexus, half pinoy and half american pala ito . Kaya pala sa isang tingin pa lamang sa lalake ay masasabi na kaagad na may dugong banyaga ito.
"Maaga pa love, lets have a tour around this Mall. Matagal tagala na rin tayong 'di nakapaglakad lakad in public na magkasama noh?" he added.
Yes, its true. Palaging busy si Van Lexus sa business,weekends lamang silang nagsasamang dalawa. Lately kahit weekends ay hindi na talaga sila nakaka-pasyal na magkasama.
Pumasok sila sa isang jewellery shop. Nakita niyang seryosong tinitingnan ni Van ang isang instante na puro kwintas ang naka display.
"Love,tulungan mo naman akong pumili para sa aring dalawa." he called her.
"Hmmmm, I think I like this one." she pointed on a couple necklace with half pendant hearts.
"Nice one!" anito.
" Its my heart, half of it is with you,love."nakangiting sambit niya sa asawa." 'Yung puso mo ba love, nasa akin rin ba ang kalahati? " tanong niya. She is really focusing on his eyes while asking that question.
" Ohhh o-of course love, kanino pa nga ba itong kalahati ng puso ko kundi sa pinakamamahal na asawa ko lamang." nauutal nitong sagot.
Kung 'di siya nagkakamali ng kutob, parang nahihirapan si Van sa pagsagot sa kan' ya. Pero nagkibit balikat na lamang siya
Binili ni Van ang kwintas na iyon at doon mismo ay pareho nilang isinuot iyon.
After strolling inside the mall, inanyayahan niya ang asawa na magsimba. Sa simbahan mismo kung saan sila ikinasal. Sana naman ay maaalala ni Van ang araw na iyon.Ang araw ng kanilang kasal na pinakamasayang araw para sa kanilang dalawa. Sumandal siya sa balikat ng asawa habang nakikinig sa sermon ng pari,na timing pa man din na tungkol sa holy matrimony. She can't help but to imagine the day of their wedding day, parang nakikita pa rin niya ang gwapong mukha ng asawa sa harap ng altar na pinapahid ang mga luha nito habang siya ay naglalakad patungo sa altar.
"Love,naalala ko noong ikinakasal tayo, you cried... Why?" She asked while looking straight at his eyes. She just want her husband to remember her. She wanted him to wake up and realized that she is his real true love since college days.
" That was tears of joy love. As I saw you walking down the aisle, ang sabi ko, I'm too close to someone I wanted to be with the rest of my life.At sa araw na iyon, ikaw lamang pinakamagandang babae para sa akin!" he exclaimed.
Lihim siyang bumuntunghininga. Noon iyon, but now? May kahati na siya sa puso ng asawa.
This move of hers is a way of slowly fighting his feelings back. Sana, makakalimutan na nito ang babaeng 'yon. Sana, tuloy tuloy na nga talaga ang pagkakamabutihan nilang mag-asawa.
Nang dumating sila sa mansion ay hindi nila inaasahang may bisita sila. Its six in the evening, and she don' t expect them. Their visitors are her friends. Ang mga kasangga niya na sina Cathlea Valkyre Mondragon, Samara Bright-Geller, Kate Green, Hope and Tanya. Nakaupo ang mga ito sa terrace nila at seryosong nakatingin sa kanilang mag-asawa na tila ba inoobserbahan silang dalawa. Naisip niya marahil ay alam na ng mga ito ang tungkol sa babae ni Van. And as asassins, alam na niya kung ano ang dahilan ng pagpunta ng mga kaibigan niya sa mansion nila.
"Hi Ela, Hey Kuya!" bati ni Cathlea kay Van.Magpinsan ang dalawa ngunit si Van ay mas matanda kaysa kay Cath ng ilang taon.
"Hello, girls. Ngayon lang 'ata kayo pumasyal dito ah? So, I think you got so many catchin' up to do!" sagot ni Van sa pinsan. Binati rin naman nito ang iba pang mga kaibigan niya na seryoso lamang at walang kangiti-ngiti sa asawa niya.
"Kuya, aalis na muna kami ha? Girl's hang out ito kaya si Ela lang ang dadalhin namin!" wika naman ni Samara Bright.
"O-Okay sige basta mag-ingat kayo ha?"
"Sila ang mag-ingat sa amin!" singit naman ni Kate.
"So, tara na? Ela, lets go!" sambit ni Tanya na tumayo na at kinuha ang helmet nito. Bawat isa ay may nakahawak na helmet.
"Naka ducati kayo? Tsssk, you know that nasira na ang ducati ko-----" hindi na niya naituloy pa.
"Don't worry Ela, may dinala kaming bago para sa 'yo. Nasa labas, tara na!" dagdag naman ni Hope. Itinapon nito sa ere ang susi at sinalo naman niya iyon.
Its exciting. Namiss na rin niya niya ang pagmomotor. Lahat sila ay magaling pagdating sa motorsiklo, they were trained warriors at kahit nakasakay sila sa motor ay kaya nilang makipagbarilan sa kaaway. Among them all, siya ang pinakamagaling pagdating sa motor. And seeing the keys right now ay pansamantalang nawala ang sakit sa kaibuturan niya.
Lumabas sila sa gate at napaawang ang bibig niya nang makita ang brand new black ducati.
"Oohhh this is so nice!" aniya sa mga kaibigan.
"We bought that for you, Ela. Its a gift from us." ani Cath.
"Thank you talaga sa inyo ah! Teka, ano ba talaga ang pakay ninyo?" tanong niya.
"Alam mo na kung ano, lets talk about it somewhere else okay?" wika ni Samara na pumunta na rin sa Ducati nito at pinaandar na. And the rest also followed, pati na rin siya. Pinaharurot niya ang motor. Napakatulin ng takbo niya, mas nauna pa siya kaysa sa mga kaibigan niya. She is also diving in the middle of two big trucks, sway beside rushing motorcycles. This is Michaela, this is who she is.
Pumarada sila sa isang beach at pumunta sa isang cottage upang simulan ang pag-uusap nila. Huling dumating sina Hope at Tanya dahil bumili pa ang dalawa ng makakain nila.
"Ela, he is my cousin and I'm sorry. Pinuntahan ka naminndahil gusto naming ipaalala sa'yo na anumang oras ay nandito kaming mga kaibigan mo at handa kang damayan kahit anong oras. Kung nasasaktan ka na Ela, hindi naman masamang bumitaw 'di ba?" paalala ni Cath sa kan' ya.
" Girls, you know me. You know our love story 'di ba? Alam n' yo kung gaano ko kamahal si Van at ganun rin naman siya sa akin 'di ba? Kanina, he started showing me that he loves me and cares for me. Huwag natin siyang husgahan, there is always a second chance. " malungkot niyang sambit.
" Are you sure about it Ela? Are you prepared to be hurt some day? Sa tingin ko ngayon pa lang , palayain mo na si Van. Nagawa ka niyang lokohin sonit means hindi ganoon kalalim ang love niya para sa'yo! " dagdag din ni Tanya.
"Ela, don't misinterpret us. Kaibigan ka namin kaya concern kami sa'yo. We are trained to be the strongest, kahit nga ang umiyak nagagawa nating pigilan. Gusto lang naman namin na gumising ka na please. Sinundan ko sila this past few months at ilang beses na rin silang pumasok sa isang hotel. C'mon Ela, kaakibat ng love ang respeto sa isa't isa. He already replaced you in his heart Ela, " mahabang salaysay ni Kate Green.
" No please, don't tell that to me. Ako ang mahal ni Van. I am his wife and about that girl? He don't love her, he is just tempted. Kahapon..... kanina...Bukas,ako lamang ang mahal ng asawa ko. " pigil ang mga luhang sambit niya.
"Sige, sige paniwalaan mo muna 'yan Ela. Pero pagdating ang araw na matauhan ka na, kami ang una mong tawagan ha? Black State Empire still awaits for your comeback. Matapang ka Ela, walang bagay ang hindi mo kakayanin!" sambit din ni Cath.
" Ang tanging hindi ko kakayanin ay kung mawawala ang asawa ko sa buhay ko. Salamat sa inyo, alam kong mahal n'yo ako kaya concern kayo para sa akin ngunit mas mahalaga ang asawa ko ngayon at inaayos na namin ang lahat. Sisiguraduhin ko na simula bukas ay wala na siyang iba. " matapang niyang sambit.
" S-sana nga... Sana nga Ela. Pero kung sakaling kailangan mo kami. Just give us a call, remember isa kang asassin at walang sinuman ang may karapatan na saktan ka dahil kaya mong mag-isa Ela.... Remember who you are, black crow." sambit ni Samara.