" Wow! Mukhang blooming ang bessy namin ngayon ah? " tukso ni Kate Green sa kan'ya . Dinalaw siya ng mga kaibigan sa cafeteria .Nandoon rin sina Cathalea , Samara , Hope at Tanya. Tinilungan siya kanina ng mga kaibigan sa pagseserve, ngayon ay naka relax na sila ulit dahil wala nang masyadong tao. Dalawa pa lamang ang waitress nila, wala pa namang nag-aaply na iba kaya hands-on talaga siya araw araw sa kaniyang negosyo. " So, what's new about your good husband?" tanong ni Hope habang binubusisi nito ang laptop. "Recently, he changed . Less cellphones at palagi nang maagang umuwi.Actually, nag leave nga siya just to be with me .You know guys, sometimes nagkakamali talaga tayo 'di ba? Wala namang taong perpekto sa mundo." aniya sa mga ito. " Hmmm, ba't inlove ka talaga diyan sa asawa mo?