“Sa tingin mo, Torres pag nilapitan ko si Valenzuela sa kinauupuan niya, good mood na ang isang ‘yun?” tanong ni Paxton kay Shawn na katabi niyang nakaupo na napalingon sa kanila. Nasa himpapawid na sila papunta sa Hawaii para sa misyon nilang napaaga na dapat ay bukas pa mangyayari, dahil nagdesisyon si Paxton na i-advance ang alis nila dahil nakakuha ng email si YoRi na may mag a-assasinate kay Roberto Palerma na kailangan nilang mapigilan dahil kanila ang taong ‘yun. Wala pa masyadong impormasyon kung sino ang papatay sa taong kailangan nilang madala kay Taz dahil naghahanap pa din si YoRi ng iba pang impormasyon dito. Nasa pinakadulong pwesto nakaupo si ToV sa private airplane ni Balance na gamit nila, tahimik at seryoso lang itong nakatingin sa bintana habang may kaniya-kaniyang pw