HINDI MAPAKALING palakad-lakad si Karina sa may sala dahil sa kabang nararamdaman niya sa pagdating ni ToV para sunduin siya. Kanina pa siya natataranta at hindi alam kung anong gagawin sakaling makaharap niya na si ToV matapos nitong umamin sa nararamdaman nito para sa kaniya. Hindi niya alam paano siya haharap kay ToV ng hindi siya kinakabahan dahil kung iisipin ang paglabas nila ngayon ang maituturing niyang first date nilang dalawa matapos umamin ni ToV sa kaniya. Kagabi pa din niya pinag-iisipan ang isinabi ni Paolo sa kaniya kahapon na aminin na rin kay ToV ang nararamdaman niya para dito, pero may pagdadalawang isip at takot pa din siyang nararamdaman dahil sa isiping maaring ang pag-amin niya at ang magiging relasyon nilang dalawa ni ToV ang maging hadlang upang makawala siya kay