PAGKARATING na pagkarating ni Karina sa bahay ng kaniyang ama ay dali-dali siyang pumasok sa loob, nawiwindang pa ang kaniyang isipan sa natuklasan niya, na ang gwapong lalaking nagpahiram sa kaniya ng long sleeve polo ay ang abogado na ipinipilit ni Therice sa kaniya na makakatulong sa kaniya sa problema niya kay Vernon. Hindi siya makapaniwala na iisang tao ang nakilala niya sa sementeryo at ang taong hihingan niya ng serbisyo nito para maipanalo ang kaso niya at mapawalang bisa ang kasal nila ni Vernon. Sa sobrang gulat niya kanina ay hindi niya napigilang kumaripas ng takbo at umalis sa tahanan ni ToV dahil hindi niya alam ang sasabihin niya sa sobrang pagkagulat. Hindi pa niya akalain na uumagahin siya sa paghihintay kay ToV at hindi niya napansin na doon na siya nakatulog, dahil sa