“He has a wound in his right arm, I wounded him so you can noticed him. Besides he had a scar in his right cheek and his staying at the 2nd floor of this building, unit 362.”pahayag ng lalaking kahit iba ang pakiramdam niya dito ay hindi nalang muna iyon pinansin ni ToV. Pagka-sakay niya sa elevator ay agad niyang pinindot ang button kung saan niya makikita ang lalaking nagtangkang kumuha kay Karina, nababalot ng galit ang awra ni ToV sa mga oras na ‘yun. Seryoso lang ang kaniyang mukha at ang ToV na magaan ang dating ng presensya ay biglang bumigat dahil sa galit na unti-unting bumabalot sa kaniya. Nang ma-realize niya na sa tulong ni Taz ang nararamdaman niya para kay Karina na ayaw niyang tanggapin pero alam niyang wala na siyang magagawa ay hindi na napigilan ni ToV ang emosyon niya