NAKAHIGA lang si Karina sa kaniyang kama at nakatitig lang siya sa kisame niya habang iniisip ang isang bagay na nagbibigay kabog sa kaniyang puso, ang sinabi ni Paolo at ang kaniyang naisip ay nagbigay nang malalim na isipin sa kaniya na hindi mapaniwalaan. “Gusto ko si Val? Paanong nagustuhan ko ang mayabang na ‘yun? Imposible naman yata ‘yun, hindi dahil naiinis ako sa kaniya ay ibig sabihin gusto ko na siya, kaya nga ako naiinis eh ibig sabihin hindi ko siy---“ Napabangon si Karina sa pagkakahiga niya at napakunot ang noo niya dahil hindi niya masabi ang dapat niyang sabihin, parang hindi niya mailabas sa bibig niya na hindi niya gusto si ToV. ‘Yun ang nasa isip niya pero sa tingin niya ay hindi sang-ayon ang puso niya dun. Inilagay ni Karina ang dalawa niyang kamay sa tapat ng kaniy