Chapter 05

4354 Words
KINABUKASAN, maagang umalis si ToV sa kaniyang bahay dahil ngayon ang araw na napag-usapan ng Phantoms sa pag-alis nila papuntang Pireas isang port city sa Athens, Greece, upang puntahan si Gustavo Argyros upang bawiin ang crest seal nila na kinuha nito na kailangan nilang mabawi. Ilang beses itong na postponed dahil sa kinaharap nina LAY at Lu at ngayon nila ito bibigyan ng focus. Nasa biyahe na si ToV papuntang KIA, ilan lang sa kanila ang pupunta para bawiin kay Gustavo ang crest seal. Hinati sila ni Taz sa misyon nila upang sa pagkakataong ito hindi na sila matakasan ng kanilang misyon, ang mga pupunta sa Pireas, Greece ay siya kasama sina Tad, Sergio, Paxton, Exxon, YoRi, Mount, Audimus at Shawn at ang mga naiwan na sina Balance, Travis, Ford, Devin, Devil, Ribal, Leroi at Blue naman ay mag-aabang sa Mykonos, isang isla sa South Aegan sa Greece sakaling makatakas ito sa kanila, dahil nakakuha sila ng impormasyon na ang Mykonos ang pagtataguan ni Gustavo sakaling mabisto ang pagtatago nito sa Pireas. Iniwan na muna ni ToV sa secretary niya na si Sandra ang kaniyang firm at binilinan ito na huwag munang tumanggap ng mga kaso habang wala siya, ang mga lawyers ng firm nya muna ang hahawak sa ibang case na pending niya na alam niyang maipapanalo ng mga ito, dahil abogado ito ng firm niya. Habang nasa biyahe si ToV ay nagpapatugtog siya sa kaniyang Aston Martin ng mga kanta ng Guns N’ Roses na sweet child of mine, na sinasabayan niya pa sa pagkanta. Isa ito sa mga paborito niyang banda kaya minsan ay inaaway siya ni Blue dahil hindi siya nito mapilit na maging fan ng banda nito. Napapa headbang pa si ToV habang siya nagmamaneho ng tumunog ang cellphone niya na nakalagay sa stand phone sa harapan niya at makita niya ang isang unknown number na tumatawag. “Tss! Abala sa soundtrip.”kumento ni ToV na hindi pinansin ang tumatawag sa kaniya at itinuon muli ang focus niya sa pinapatugtog iya. “Woah, oh, woah, sweet child of mi---“ Hindi natapos ni ToV ang pagsabay niya sa korus ng kanta ng tumunog na naman ang cellphone niya at ang unknown number na naman ang tumatawag sa kaniya na ikinabuntong hininga niya. Wala siyang nagawa kundi patayin ang pinatutugtog niya at sinagot ang tumatawag sa kaniya gamit ang Bluetooth earpiece na nasa tenga niya. (Sa wakas sinag---) “Alam mo ba kung anong meaning ng istorbo ka?”putol na sita ni ToV sa tumawag sa kaniya. (Ang cold mo naman sa akin bunso, hindi ka ba masaya na tumawag ulit ako sayo?) “What do you think Kuya Zandro? Mukha bang masaya ako sa tawag mo? I’m listening to my fvcking favorite ba---“ (Oh? So naabala ko ang pagiging fan boy sa Guns N’ Roses, hindi ka parin nagbabago bunso makaluma pari---) “Walang pakielaman ng trip, tsaka stop calling me bunso, that’s too fvcking embarrassing for me.”mulin putol na sita ni ToV sa kaniyang kapatid. (Stop cutting me off when I’m talking Mr. Batas, nakakatandan ako sayo.) “You cutting off my words too, Kuya Luisito, so patas lang tayo. Ano bang pang-iistorbo ang kailangan mo at tumawag ka.”pahayag ni ToV matapos niyang iliko ang kotse niya at malapit-lapit narin siya sa Kiosk International Airport. (Guess what bunso, nasa tapat ako ng bahay mo with my fiancée. I want you to meet her, I’m sure magkakasundo kayong dalawa.) “Don’t tell me hindi ka pinapasok ni Dad sa bahay nila? And I’m sure the fiancée thingy was a lie, siguro naman Kuya aware ka na wala ako sa bahay kaya pasensya na, hindi kita mapapatuloy sa pamamahay ko. And I already change the lock of my door so, find a hotel to stay for this night.” (What?! Kaya pala hindi ko mabuksan ang pintuan ng bahay mo, should wreck it?) “Subukan mo, pagbabayarin kita ng malaki. Why don’t you call mom para sabihan niya si dad na papasukin ka sa bahay nila, hindi ‘yung ako ang ginugulo.”saad ni ToV ng makarating na siya sa KIA. Agad niyang ipinasok sa VIP parking lot ang kaniyang kotse, nang makahanap na siya ng pwesto ay lumabas na siya ng kotse niya at naglakad na papasok sa loob upang kitain ang mga kaibigan niya. (Ayaw sagutin ni mom ang tawag ko.) “Nagtaka ka pa, may kasalanan ka pa kay mom for leaving this country without saying goodbye to them. Good luck sa paghahanap ng hotel na tutuluyan mo.” (Bakit ganiyan kayo sa akin, am I not member of this family?) “Stop the drama kuya, hindi bagay sayo.”sitang saad ni ToV. Nakapasok na si ToV sa loob ng airport at tinutungo na kung saan siya hinihintay nina Balance, may mga nakakasalubong siyang mga flight attendant ni Balance na napapatingin sa kaniya pero hindi naman niya napapansin ang mga ito, dere-deretso lang siya sa paglalakad niya habang kausap ang kaniyang kapatid na sa tingin niya ay isip bata pang mag-isip kaysa sa kaniya. (Hindi ba ako pwedeng mag-drama sayo, bunso?) “Hindi, that’s not the kind of you kuya. And again, stop calling me bunso kung pati sa villa na tinutulyan koi pa ban kita.”banta ni ToV pero pagbibiro niya lang ito sa kaniyang kapatid na kahit alam nitong biro ay alam niyang seseryosohin nito. (Hindi mo na love ang kuya mo, pero sabagay, hindi bagay sa atin ang mga ganitong paawa effect. Walang Valenzuela na nagmamakaawa, hindi na kita bubiwisitin ngayon dahil kilala kitang magalit. You sometimes forget that you’re Tork Valenzuela, a lawyer pag galit ka. See you tonight bunso, and please prepared my room okay?) Agad na nawala na sa linya ang kaniyang kapatid na ikinaingos ni ToV bago niya inali ang kaniyang Bluetooth earpiece at itinago sa bulsa ng pants niya. “Sabi ng tantanan na ang pagtawag sa akin ng bunso.”naiiling na sambit ni ToV ng matanaw na niya sina Balance na mabilis niyang ikinalapit sa mga ito na napansin na ang presensya niya. “Sa wakas, dumating na rin mukhang nagpapa VIP. Ano Valenzuela? Level up ka? Gusto mong save for the last ang peg?”ani ni Paxton sa kaniya na ikinangisi niya dito. “Why Paxton? Ikaw lang ba ang pwedeng magpa VIP sa atin? Welcome me to the late club.”ani niya na ikinaingos ni Paxton sa kaniya. “Hindi lang makapaniwala si Ignacio na mas late ka pa sa kaniya, actually, 5 minutes lang ang interval ng dating niyong dalawa.”sambit ni Shawn kay ToV. “Bawi tayo next life, Ignacio.”ngising biro ni ToV na pinakitaan lang ng middle finger ni Paxton na tinapik-tapik ni Blue sa balikat nito. “Habang tumatanda ka Ignacio, nagiging pikunin ka ah. Signs of aging ba ‘yan?” “Eh kung tanggalin ko lahat ng ngipin mong Asul ka ng magmukha kang senior citizen sa ating dalawa, sasalita ka pa diyan. Minsan try mong manahimik, nakakahaba ng buhay ‘yan.”singhal ni Paxton na bahagyang ikinasimangot ni Blue sa kaniya. “Iba talaga kayo Phantoms, hindi yata pwedeng magsimula ang araw niyo na wala kayong bardagulan. Buti at hindi sumasakit ang ulo ni Emp sa inyo, kung kayo makakasama ko sa maghapon? I’m ma stress ako.”kumentong ani ni Audimus kina Paxton. “Lambingan ang tawag diyan, Smith. Encouragement ang ginagawa nila bago sila maghiwalay at gawin ang tasks nila. Sanay na diyan si Taz, right leader?”ngiting ani ni Balance kay Taz na napaingos lang sa sinabi niya. “Hindi naman first time na hindi magkakasama ang Phantoms sa isang misyon, isa pa mas okay ‘to dahil mukhang magkakasawaan na kami kung lagi nalang kami ang magkakasama.”ani ni Ford na tumatangong ikinasang-ayon ni Tad. “I agree, maganda ‘yung naging hati sa team natin ngayon. Biruin mo, napunta sa team ni El Diente ang mga sakit sa ulo. Amadeus, and Ynarez was too annoying then there is Natievez.”saad ni Tad na sabay-sabay na ikinasimangot ng tatlo niyang binaggit. “Wow naman kaibigan, may name drop ka pa talaga diyan ah. So kami ang sakit sa ulo tapos kayo ang matitino? Ayy iba kang mag distinct, Han, nakagago alam mo ‘yun.”reklamo ni Blue na sinundan pa ni Travis. “Kailan naman kami naging sakit sa ulo, Han? Masyado ka namang bintangero.” “Excuse me Han, bakit isinali mo ako sa mga sakit sa ulo ha?”saad na reklamo ni Devin na nakisali na sa pagrereklamo ng dalawa. “He’s saying the fact, Natievez, actually I’m relieved na wala ka sa team namin. May matatapos kami for sure at baka hindi pa umabot si Gustavo sa Mykonos dahil mahuhuli na namin siya.”ani ni Audmius na ikinasamingot ni Devin sa kaniya. “Kayong dalawa, huwag niyo na ring i-justify ang sarili niyo. Pag tinanong natin si Boss Taz, masasaktan lang kayo.”saad ni ToV na sabay na ikinalingon ni Blue at Travis kay Taz. “Don’t try fvcking ask me, you both won’t like what will I anwer.”seryosong sambit ni Taz na sabay ikinabagsak ng balikat ng dalawa na bahagyang ikinatawa nina Balance. Tahimik lang sina Devil at YoRi sa kinatatayuan nila at sinasabayan sila sa katahimikan nina Exxon at Mount. “Are you sure emp that you can do some work in bound without a help?”seryosong tanong ni Ribal kay Taz. Hindi nila kasama sa paghuli kay Gustavo si Taz dahil may gagawin ito sa bound nila na itinambak sa apat na emperor ng head founder. Ngayon lang nangyari na may ipinagawa ng sabay si Valdemor sa apat na bound emperor at wala silang idea kung anong ipinatatrabaho nito sa apat na kahit mga underbosses nila ay hindi ipinaaalam. “Even that I can’t do it alone, I must do it by myself like the other emperor. I trusted to all of you this mission, Ignacio will be the front man of his team and you El Diente in your team. Take back the crest seal, no more failure this time Phantoms, underbosses.”seryosong sagot at bilin ni Taz na sabay-sabay na ikinatango nina ToV. “Eh Taz, after nitong kay Gustavo at mabawi na natin ang crest seal ng bound natin. Ang sunod ba na gagawin natin ay hanapin ang tinutukoy ni Valdemor na kumalaban sa kaniya? Na gusto niya tayo ang pumatay sa taong pinapahanap niya?”tanong ni Travis na ikinalingon ni Taz sa kaniya. “That was the least mission that is important for us to do, kalimutan niyo muna ang tungkol sa misyon na ‘yan. We have time to find that person, for now, focus on more important things to do regarding in our bound”sagot ni Taz na may pinagtuunan ang kaniyang tingin na inalis niya din. “This mission is not just an easy task that’s taking back what’s ours, this might be dangerous, so come back in our bound with just scratches. Whoever gets wounds in this mission, see you on ring.”pahayag ni Taz na biglang ikina motivate nina Blue. “Zero fails Phantoms, underbosses, gasgas lang ang allowed sa atin pero bawal ang sugat.”saad ni Blue sa kanila. “Paalala mo, Ynarez? Try mong i-apply sayo, ikaw pa naman ang disgrasyadong member ng Phantoms.”kumentong ani ni ToV na ikinalingon ni Blue sa kaniya. “Anong disrasya---“ “I agree.”putol na sambit ni Paxton sa sasabihin ni Blue na akmang maagrereklamo ito ng maunahan na ito nina Balance. “Mukhang true to life ‘yung linya ni Valenzuela, no doubt kami Ynarez.”kumento ni Tad “Magandang paalala ‘yun Valenzuela, nice one.”ngiting ani naman ni Shawn na tinapik pa si ToV sa balikat nito. “Sumasang-ayon din ako, mabuti nalang hindi ako.”ani naman ni Travis na ikinahinga nito ng maluwag na mas lalong ikinaasar ni Blue. “Pinagtutulungan niyo ba ak---“ “Kailangan ba nating tulungan pag nadisgrasya?”ngising putol na pang-aasar pa lalo ni Sergio kay Blue. “Huwag na, baka madamay tayo sa disgrasya. Parang pusa naman ‘yang si Ynarez, mahaba ang buhay.”sambit naman ni Paxton. “Don’t be a burden in us, Ynarez.”pagsali ni Devil sa pang-aasar nina ToV kay Blue na kunwaring ikinatapat ng kanang kamay nito sa dibdib nito. “Tangna Phantoms, durog na durog na ang puso ko sa mga pinagsasasabi niyo mga gago kayo.” “Stop being stupid then you’re going to live long.”malamig na pahayag ni YoRi na pigil nina Tad na mapatawa dahil bihira si YoRi makisali sa usapan nila pero sapul. “Tama na ang lambingan Phantoms, sumasama na ang tingin ni Taz sa atin, hindi na siya natutuwa.”ngiting awat na ni Balance sa asaran ng Phantoms habang naiiling nalang si Audimus sa kanila. Miya-miya ay narinig na nila ang announcement sa flight nina ToV, naunang natawag ang flight nila kaya nagpaalam na sila kina Balance. Hindi sila nag private flight dahil ayaw nilang matunugan kaya economy flight ang kinuha nila, sabay-sabay nang naglakad sina ToV papunta sa departure entrance papunta sa eroplano na sasakyan nila. Habang naglalakad sina ToV ay biglang tumunog ang cellphone niya na ikinalingon ni Tad sa kaniya na kasabay niyang maglakad. “Kung ako sayo sagutin mo na ang tawag na ‘yan, pagpasok natin sa loob ng eroplano ipapa flight mode na nila ‘yan.”suhestiyon ni Tad na ikinakunha ni ToV sa tumutunog niyang cellphone at napakunot ang noo niya ng makita niyang si Sandra ang tumatawag sa kaniya na sinagot niya na. “You always ignore my instructions to you Sandra, hindi ba at sinabi ko sayo na huwa---“ (Huwag akong tatawag pag busy ka, I know boss, naka sulat ‘yan sa desk ko naka-capslock pa. Kaya lang I have two news for you, walang good at bad news, neutral lang boss. Gusto mong marinig?) Napabuntong hininga nalang si ToV sa kaniyang secretary na kahit anong bilin niya ay may nilalabag talaga ito, matagal ng nagtatrabaho si Sandra sa kaniya at maasahan ito kaya kahit magaling nitong istorbohin ang mga private errands niya ay nilalawakan niya nalang ang pasensya niya dahil ayaw na rin naman niyang maghanap ng ibang secretary na hindi kasing reliable ni Sandra. “You have five minutes to tell that two news, Sandra, pasakay na ako sa eroplano and I need to off my phone.”walang nagawang saad ni ToV dito. (Good. First news, kusang sumuko si Mr. Laguarda sa mga pulis at sinabi niya ang mga nagawa niyang kasalanan kay Mr. Dior. I know you did something, so yeah, Mr. Dior gets his justice against Mr. Laguarda, and I already sent back the money he paid on your past service for him, double the amount as you said. Sana sahod ko din mag doble, boss, should I pray for that?) “I told him to surrender yesterday but it’s okay, at least he do what I said. And send me a request proposal for your increase, I’ll approved it when I get back in the office. Tell to Kaiser ayusin niya mga pending na trabaho niya, bawas-bawasan niya mga nasa mesa niya.”ani na bilin ni ToV na alam niyang hindi pinansin ni Sandra dahil nagdaretso na ito sa sunod na ibabalita nito. (Second news boss, there was a new client na gusto kang makausap personally. I think she was the one who always set a meet up of Mrs. Fritz in your office, she was here now to see you but I told her na wala ka but she wants to talk with you right now.) Bahagyang napakunot ang noo ni ToV sa sinabi ni Sandra sa kaniya, sa natatandaan niya may kinukulit si Therice sa kaniya na kaibigan nito na maging abogado siya ng kaibigan nito pero hindi naman siya sinisipot pag nagbibigay siya ng vacant time niya sa opisina niya. Kaya nagtataka siya kung bakit biglang gusto nitong makita siya gayong ilang beses siyang hindi sinipot nito. “Tell her to go back, walang haharap sa kaniya diyan dahil wala naman ako. And tell her that her friend always set her up a meeting with me but she always ignored it, so matuto siyang maghint---“ (Kasalanan ko bang ngayon ko kailangan ang service mo? Bakit kasi ngayon ka pa wala kung kailan kailangan kita!) Nagkasalubong ang kilay ni ToV ng hindi na si Sandra ang kausap niya kundi ibang tao na parang pamilyar sa kaniya ang boses nito. “Exuce me? I was talking to my secre---“ (I’m going to be your client and I need your service Mr. Lawyer, so you better face me right now!) “Rude. It’s not good to a woman to cut off the person who’s still talking, besides hindi ako ang mag-a-adjust sayo Ms. if you want my service then wait for me to come back or you can pick with my lawyers in my firm. T.V.L 666, don’t boss me around when I’m the boss, you need my service then have some humility, and give back my secretary’s phone.”saad na panenermon ni ToV dito. (T.V.L What?! I don’t want any law—hey kinakausap ko pa ang mayabang mong boss! Sorry but my boss is not here, so bumalik ka nalang next time and make sure to call for an appointment. Enjoy your flight, boss.) Agad na pinatay ni Sandra ang tawag nito sa kaniya na ikinababa ni ToV sa cellphone niya at bahagya niyang ikinaingos habang tinatabi niya ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya. Sa dami ng naging kliyente niya, ngayon lang siya may nakausap na bossy at matapang pa sa secretary niya. “Work?”kumento ni Tad sa kaniya na ikinalingon niya dito. “Yeah. A bossy client came up in my firm, gusto niyang makipag-usap sa akin pronto.”sagot ni ToV na bahagyang ikinatawa ni Tad sa kaniya. “Matapang ang kliyenteng ‘yan ah, It’s rare that man can boss you around when you are the great Atty. Tork Valenzuela.” “Not a he but a she bossy client, Han, the only woman who came to my office and demand my presence and told me na mayabang daw ako. She really had the fvcking guts.”ani ni ToV na ikinatapik ni Tad sa balikat niya. “And what is T.V.L 666? Don’t tell me bagong batas mo?” “Tork Valenzuela Law number of beast, no one can boss me around.”ngising saad ni ToV na naiiling na ikinatapik ni Tad sa balikat niya hanggang sa makasakay na sila sa loob ng eroplano. SA FIRM ni ToV, sa harapan ng mesa ng secretary niya na si Sandra na napatayo sa kinauupuan nito matapos agawin ni Karina ang cellphone niya ng tawagan nito ang boss nito na sinasabing wala ngayon sa opisina nito. Agad na sininghalan ni Karina ang boss ni Sandra sa kabilang linya na nakuha pa siyang sermunan dahil sa pagkausap niya dito. (Rude. It’s not good to a woman to cut off the person who’s still talking, besides hindi ako ang mag-a-adjust sayo Ms. if you want my service then wait for me to come back or you can pick with my lawyers in my firm. T.V.L 666, don’t boss me around when I’m the boss, you need my service then have some humility, and give back my secretary’s phone.) “T.V.L What?! I don’t want any law—hey kinakausap ko pa ang mayabang mong boss!”reklamo niya ng makuha na ni Sandra ang cellphone nito sa kaniya na hindi na inilalayo nito sa kaniya. Maaga siyang gumising at hinanda ang sarili para lang makaharap at kausapin ang sinabi ni Therice sa kaniya na abogado na makakatulong sa problema niya kay Vernon. Nagdadalawang isip pa siya kagabi pero dahil gustong-gusto niya ng makalaya kay Vernon ay sinubukan na niya ang suggestion ni Therice na ilang beses niya ng binalewala at nireject at ngayon na sinubukan niya na ay tsaka naman wala ang taong kailangan niya na pinagmamalaki ni Therice na iba sa mga abogado na kumuha ng case niya na nabili ng pera ni Vernon. “Sorry but my boss is not here, so bumalik ka nalang next time and make sure to call for an appointment.”saad sa kaniya ni Sandra bago nito nilagay ang cellphone nito sa tenga nito habang nakatingin kay Karina na nakasimangot. “Enjoy your flight, boss.”saad ni Sandra bago niya pinatay ang tawag at itinabi sa bulsa niya ang cellphone niya at hinarap si Karina na kung maldita siya ay nakikita niyang mas maldita ito, at aaminin niya na ito na ang pangalawang babae na nilalagpasan ang pagiging maldita niya. “Abala ang boss ko sa private errands niya Ms. Perillo, kaya bumalik ka na alang sa susunod and as I said, call for an appointment. Pero sa tingin ko, hindi ka tatanggpin ng boss ko as his client because of your rudeness.”pahayag ni Sandra na ikinataas ng kilay ni Karina sa kaniya. “I’m not rude, I just need his service. Hindi ako mag-aaksaya ng oras para lang pumunta dito kung hindi ko kailangan ang pagiging abogado niya.” “If you need my boss, sana noon palang when Mrs. Fritz set you up on a meeting with him ay nagpakita ka. Now you demand his service? Kung ayaw niyong ipahatid ko kayo sa guard namin, better walk out Ms. Perillo.”saad ni Sandra na bumalik na sa pagkaka-upo nito sa upuan nito. “I’ll be back tomorrow, sabihin mo ‘yan sa boss mong pa VIP.”ani ni Karina bago naglakad na palayo sa mesa ni Sandra at agad sumakay sa elevator at naiinis na humalukipkip sa kinatatayuan niya. “Bakit kung kailan kailangan ko bakit ngayon wala! Kasalanan ko bang ngayon ko kailangan na kailangan ng service niya? Grabe pa naman siyang I build up sa akin ni Therice tapos ganun siya kayabang! Hindi ko pa man nakikita ang abogado na ‘yun nabubwisit na ako, pero kung kaya niyang tulungan akong makalaya kay Vernon, kailangan ko siyang maging abogado. Bakit kasi ngayon pa siya wala!”saad ni Karina na pagkabukas ng elevator ay dere-deretso siyang naglakad palabas sa firm ni ToV at naiinis na sumakay sa kotse niya. “Tork Valenzuela, pangalan palang mayabang na. Bakit ba ako naiinis sa mga sinabi niya kanina!”saad ni Karina ng tumunog ang cellphone niya na nasa purse niya nan a agad niyang kinuha. Nang makita niyang si Therice ang tumatawag ay bahagya muna siyang nagbuntong hininga bago sinagot ang tawag ng kaniyang kaibigan. “Hello Therice!”bati niya na hindi niya matago ang inis niya. (You’re not in a good mood, right?) “Sigurado ka ba sa Atty. Tork Valenzuela na sinasabi mo ah? Sure ka bang matutulungan niya ako? Kasi baka nagyayabang lang ang isang ‘yun pero wala din naman magagawa ‘yun sa kaso ko.”pahayag ni Karina kay Therice. (Wait, kalma ka lang Karina. Ano bang nangyari?) “When you told me na ang abogado na ‘yun na kaibigan ng asawa moa ng makakatulungan sa kain, kahit doubt ako dahil maaring katulad siya ng mga abogado na pera lang ang katapat ay pinuntahan ko pa din. Pero wala siya sa opisinaa niya, Therice, may private errand daw na ginagawa. Mas mahalaga ba ‘yun kaysa magampanan niya ang trabaho niya bilang abogado?! Bakit naging lawyer pa siya kung hindi niya haharapin ang magiging kliyente niya!”paglalabas ng inis ni Karina kay Therice. (Okay, so andiyan ka ngayon sa firm ni ToV, I mean ni Atty. Valenzuela. Tama?) “Oo, bakit?” (Hindi ko ba nasabi sayo na magkasama sila ngayon ng asawa ko for some important matters na mahalaga din sa kaniya maliban sa pagiging abogado niya?) “At ano namang mas importanteng matters ‘yun, aber? Tsaka wala kang sinabi sa akin Therice!”saad ni Karina (Basta important matter, I’m glad na ginawa mo na ang suggestion ko sayo but talk with him tomorrow okay, and be polite in him. May pagka bossy ka pa naman pag sinusumpong.) “I’m not a bossy. Therice!”angal ni Karina kay Therice na rinig niyang ikinatawa nito. (Yes you are, kahit itanong mo pa kina Maxi at Paolo. Tsaka, huwag mong susungitan si Atty Valenzuela okay?) “Kung hindi siya magiging mayabang pag kinakausap ko siya, hindi ko siya susungitan. Pero sa pakikipag-usap niya palang sa akin kanina minus five agad siya sa akin, tsaka magbabayad naman ako sa serbisyo niya eh.” (Please Karina, itago mo muna ang pagka amazona mo like me. Alam kong nasa lahi nating magka-kaibigan ‘yan but please, maging mahinhin kang babae sa harapan niya para tanggapin niya ang case mo against, Vernon. Maria Clara okay?) “That’s not me, Ther---“ (Then gawin mo! Sasabunutan kita diyan eh! Ayusin mo ha!) Naibaba na ni Karina ang cellphone niya ng pagpatayan na siya ni Therice ng tawag, naiinis na nilagay niya sa dashboard ng kotse niya ang cellphone niya at naiinis na nagpapadyak with matching hampas pa sa manibela niya bago matalim na tingin ang ibinaling niya sa firm ni ToV. “Bakit ako magiging Maria Clara sa harapan niya? Sino ba siya? Client ako kaya siya ang maging mabait sa akin! Ngayon palang ayoko na sa abogado na ‘yun! Siguro panget siya, may malalaking ngipin at nerd ang itsura! I’m sure napilitan lang si Sergio na maging kaibigan ‘yun dahil maawain ang asawa ni Therice. Hmpf!”inis na pahayag ni Karina na pinaandar na ang makina ng kotse niya at pinaandar niya na ito papasok sa kumpanya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD