Pagkagaling ni ToV sa sementeryo ay dumaretso muna siya sa bahay niya upang kumuha ng damit niya at magpalit ng nabasa niyang pantalon dahil sa ulan, ibinigay niya muna sa iba niyang mga lawyers ang ilang mga kasong umakyat sa opisina niya dahil matapos nilang masolve ang problema ni Lu kay David Liu Jingying, at matapos ang kasal ni LAY at Lu ay aasikasuhin na nila ang misyon na na-postponed at ‘yun ay ang pagpunta nila kay Gustavo Argyros upang mabawi na ang kinuha nitong crest seal ng bound nila.
Nang makarating na siya sa bahay niya ay agad siyang bumaba ng kotse niya at pumasok sa kaniyang bahay, binibilisan niya ang kaniyang kilos upang makapunta na siya agad sa bound nila at mapag-usapan na ang misyon na gagawin nila. Malalaking hakbang ang ginawa ni ToV sa pag-akyat niya sa hagdanan papunta sa kaniyang kwarto, at nang makarating na sya doon ay nag quick shower muna siya bago naghanap ng isusuot niya sa walking-in closet niya.
Nang makapag-suot na si ToV ng cargo short niya ay naghanap naman siya ng tshirt na isusuot niya ng bahagya siyang matigilan sa paghahanap niya ng bigla niyang maalala ang babaeng nakita niya kanina sa sementeryo. Aaminin ni ToV na bahagya siyang natulala ng makita ito dahil sa ganda ng mukha nito, iba ang ganda ng mukha na nakikita niya dito kaysa sa ibang mga babaeng nakikita niya at minsan lumalandi sa kaniya. At masasabi niya na may katapangan ito base sa pagka-usap nito sa kaniya, at ito lang ang babaeng nagawa siyang akusahan na pervert. Ngayon ay naniniwala na siya na may babae na hindi interesado sa gwapo niyang mukha, aaminin niya na maganda ang hubog ng katawan nito. Hindi naman niya intensyon na makita ang katawan nito, pero dahil sa pagkakabasa nito sa ulan at manipis ang tela ng suot nitong damit ay hindi niya naiwasan na bahagyang makita ang katawan nito.
At dahil ibinigay niya ang kaniyang long sleeve polo sa magandang babae ay nilamig naman siya buong biyahe niya. Marunong mag appreciate ng ganda si ToV, pero kahit bahagya siyang nagka interest dahil sa ipinakitang ugali ng magandang babae sa kaniya sa may sementeryo, ay hindi parin siya magpapapana kay kupido.
Nang makakuha na siya ng t-shirt na babagay sa cargo short na suot niya ay lumabas na siya ng walk in closet niya. Bahagya niyang sinuklay ang kaniyang buhok at nagpabago ng tumunog ang cellphone niya na ipinatong niya sa kama niya kanina bago siya maligo. Dinampot niya ito at agad sinagot ang tawag ng makita niyang secretary niya ang tumatawag sa kaniya.
“What did I told you yesterday, Sandra bago ako umalis ng firm?”
(I know boss, ayaw mo munang tumanggap ng tawag ngayon regarding sa trabaho mo but I think you need to hear the reason why I called you today.)
“Do I have a choice, nasagot ko na tawag mo eh.”sagot ni ToV.
(Ayon naman pala boss, alam mong wala kang choice. Anyway, Mr. Dior called me right now at ipinapasabi niya na hindi na daw niya kukunin ang serbisyo mo.)
“Really? I was expecting this. Okay, mabilis naman akong kausap. Mukang ayaw na niyang labanan ang pamilya na umabuso sa pamilya niya. I just wasted my effort the past hearing in his case then he will withdraw, sinayang niya ang oras ko. It’s his loss not mine, hindi ko naman ikakahirap kung hindi niya na kunin ang serbisyo ko.”pahayag na sagot ni ToV sa secretary niya.
(That’s it boss? Hindi mo lang ba aalamin bakit hindi niya na kukunin ang serbisyo mo na sabi mo nga pinag-aksayahan mo ng oras?)
Naglakad na palabas si ToV sa kwarto niya habang kausap niya ang kaniyang secretary, hanggang sa makalabas siya ng bahay niya at makasakay na sa kotse niya.
(Boss…)
“What for? Besides, sino ba naman ang hindi uurong sa kaso na sinampa mo kung pinagbabantaan ka ng taong gusto mong makulong. I guess, Mr. Dior chose to be more miserable than to put on jail those people who hurt him and his family. He didn’t trust what I can do, but well, I can’t leave my ex-client like that. May awa din naman ako, kahit papaano.”pahayag ni ToV ng pandarin niya ang kaniyang kotse paalis.
(What do you mean, boss?)
“Tawagan mo nalang ulit si Mr. Dior, tell him after tonight, makakatulog na siya at ang kaniyang pamilya ng walang iniisip. At alam kong naubos na ang pera niya dahil sa mga past hearing na nangyari, give back all the money he gave for my service, Sandra. Oh! Double the amount para naman makatulong sa kanila.”sambit na bilin ni ToV habang tutok siya sa kaniyang pagmamaneho.
(Seriously boss? Nagtatayo ka ba ng charity ha? Hindi halatang mabait ka pero, baka naman wala ka ng mapa-sweldo sa amin kakabalik mo sa mga naibayad sayo ng mga hindi kayaman na lumalapit sa opisina mo.)
Bahagyang natawa si ToV sa reklamo ni Sandra sa kaniya, ang firm niya ang kilalang law firm sa buong bansa at talagang maraming kumukuha sa mga lawyers niya lalo na sa serbisyo niya, dahil lagi siyang nanalo. He can turn the table without a sweat, at maipanalo niya ang kaso ng kliyente niya. Malaki ang talent fee ni ToV pero sa mga taong humihingi ng tulong niya na walang kakayahan na magbayad sa kaniya pero valid ang rason ng paghingi ng tulong sa kaniya ay kinukuha niya at ipinapanalo niya ang mga kaso nito at binibigyan pa niya ng pera upang makatulong siya. Hindi ‘yun alam ng mga kaibigan niya, dahil hindi naman niya kailangan ipagmalaki ang ginagawa niya dahil ang pagtulong ang isa sa naituro sa kaniya ng kaniyang ama na walang hinihingi ng kalapit.
“Huwag kang mag-alala sa part na ‘yan Sandra, mapapasahod pa din kita buwa-buwan kaya galing mo sa trabaho. Alam kong hanggang ngayon ay brokenheart---“
Hindi natuloy ni ToV ang sasabihin niya na bahagya niyang ikinatawa ng pagpatayan siya ni Sandra ng tawag nito. Nakikita pa ni ToV na talagang nasaktan ito dahil sa pagmamahal nito kay LAY, pero alam niyang pinipilit ng secretary niya na makapag-move on lalo na at happily married na ang lalaking minahal nito.
Inilagay ni ToV ang cellphone niya sa cp holder niya at isinuot ang isang Bluetooth headset niya bago hinanap ang number ni Tad at tinawagan ito. Habang nagmamaneho siya na agad niyang iniliko pakanan ay siya namang pagsagot ni Tad sa tawag niya.
(Problema mo, Valenzuela? Kailangan talaga na tumawag pag ikaw nalang ang wala at hinihintay? Hindi ka pa-importante ng lagay na ‘yan noh.)
“Pasalamat ka nga Han, ikaw ang tinawagan ko. Alam kong ako nalang ang wala diyan pero kalma ka lang, alam kong miss mon a ako kahit magkasama lang tayo kahap---“
(Fvck you! Kahit kailan kahit isa sa Phantoms hindi ko mamimiss, tangna lagi nalang tayo magkakasama, nakakasuka na nga…TANGNA MO HAN, KAHIT KAMI NASUSUKA NA SAYO…)
“Pakisabi kay Ignacio, wag masyadong bitter.”ngiting saad ni ToV na rinig niya lang na ikinaingos ni Tad sa kabilang linya.
(Kung papunta ka na dito, Valenzuela, what’s the use of this fvcking phone call?)
“Hindi ka si boss Taz o si Devil para magsungit sa phone call, Han, kalma okay?”
(Magsasalita ka o papatayin kita? I mean ‘yung tawag mo gago.)
“Pakisabi kay boss Taz na baka malate ako ng ilang minuto, may aayusin lang ako, this will not take an hour.”pahayag ni ToV na ikinaliko niya muli sa kaliwang kalsada.
(Bakit hindi pa ikaw ang tumawag mismo sa number ni boss Taz?)
“Ayokong mamura, so tell him okay? Don’t worry, you will be blesse---“
(Damn you!)
Agad siyang pinagpatayan ni Tad ng tawag niya na ngiting ikinabilis niya sa kaniyang makina ng kotse, miya-miya ay nakarating na siya sa pakay niya. Agad niyang itinigil ang Aston Martin niyang kotse sa harapan ng isang mataas na puting gate bago lumabas ng kotse niya at isinuot ang chopard sunglasses niya bago naglakad papalapit sa puting gate na ikinasulpot ng dalawang lalaking nagbabantay sa gate.
“Sino ka?”tanong ng isang lalaking mas malaki pa ang pangangatawan sa kaniya katulad ng kasama nito na parang bouncer sa isang bar ang laki ng mga katawan.
“I’m Tork Valenzuela, I’m here to see your boss, Mr. Laguarda, tell him that I want to see him.”cool at kalmadong pagpapakilala ni ToV na binigyan pa ng ngiti ang dalawang bantay na ikinasenyas ng isa lalaki sa kasamahan nito.
Bumalik ang isang lalaki sa isang maliit na guard house habang nakatayo sa harapan ni ToV ang kasama nito na puting gate ang nagiging harang nila sa isa’t-isa.
“You have a nice body, dude, saan ka nag-g-gym?”tanong ni ToV dito na seryosong nakatingin sa kaniya at hindi siya sinagot na bahagya niyang ikinatawa.
“You know, ang ayoko sa lahat is ‘yung pag tinanong ko pero hindi ako sinagot? Biglang napuputol ang pisi ko, sa mga ganung kausap.”pahayag ni ToV na mabilis niyang ikinahawak sa kwelyo ng kaharap niyang lalaki na hindi nakahuma ng malakas itong higitin paabante ni ToV na malakas na ikinauntog ng katawan at mukha nito sa gate.
Agad na binitawan ni ToV ang kwelyo nito at hinawakan ang ulunan nito na akmang lalaban, pero malakas na tinuhod ni ToV ang ibabang parte ng katawan nito na nasasaktang ikinangiwi nito, bago niya pinihit ang ulunan nito na ikinawalan nito ng malay at ikinabagsak sa lupa. Ngising binuksan ni ToV ang gate at pumasok sa loob at nagsimula ng maglakad papasok.
“Hoy!”
Huminto sa paglalakad si ToV ng makita siya ng kasamahan ng pinabagsak niyang kasama nito, na agad nitong ikinabunot ng baril nito na siya namang ikinadampot ni ToV ng maliit na bato na nakita niya at malakas itong ibinato sa isa pang lalaki na deretsong tumama sa noo nito, na ikinabitaw nito sa baril na hawak nito. Muling dumampot si ToV ng maliliit na bato at malalakas na ibinato sa bawat parte ng katawan ng lalaki na napapangiwi sa bawat pagtama ng bato sa kawatan nito. Mabilis naman na lumapit si ToV dito, hinawakan ang batok at ang pintuan ng guard house bago malakas na isinalpok doon ang ulo ng hawak niyang lalaki na ikinabutos ng pintuan at ikinawalan nito ng malay, habang nakalusot ang ulo nito butas ng pintuan.
Pinagpag ni ToV ang kaniyang mga kamay bago inayos ang sarili at dinampot ang mga bato na ginamit niya kanina at isinilid iyon sa bulsa ng cargo short niya at nagtuloy na ng paglalakad papunta sa bahay kung nasaan ang kailangan niya.
Nang makarating siya sa tapat ng nakasarang pintuan ay malakas niya iyong sinipa, na pabalang na ikinabukas ng pinto at bahagyang ikinatanggal ng isang hinge nito, dahilan upang mapatingin ang mga taong magkakasama sa sala at nakita ni ToV na ikinatayo ng isang lalaki na pakay niya.
Deretsong naglakad si ToV papasok sa loob na agad ikinatapat ng mga baril ng limang tauhan ng pakay niya na kasama nito sala na ikinapamulsa niya sa cargo short na suot niya at ikinatigil niya di kalayuan sa mga ito.
“Ang lakas naman ng loob mo na pumasok sa teritoryo ko! Kilala kita?! Ikaw ang kinuhang abogado ni Maurico, anong ginagawa mo dito ha?”sigaw ng pakay niya na si Gregorino Laguarda na ikinangiti niya dito.
“I’m so honored that you know me, Mr. Laguarda. But I think you even know who really I am, that’s kinda sad.”saad ni ToV dito.
“Nagpunta ka siguro dito dahil hindi na kinuha ni Maurico ang serbisyo mo, tama? Ang lakas ng loob mo na magpunta pa rito sa pamamahay ko gayong hindi mo na naman hawak ang kaso niya. Umalis ka na dito sa pamamahay ko kung ayaw mong mabutas ng bala ng mga tauhan ko ang katawan mo!”sigaw na banta nito sa kaniya na bahagyang ikinabuntong hininga ni ToV.
“Actually, hindi naman kawalan sa akin kung hindi na kunin ni Mr. Dior ang serbisyo ko bilang abogado niya. I’m still the highest paid lawyer in town, Mr. Laguarda. At alam ko naman kaya iniaaatras ni Mr. Dior ang kaso niya laban sayo ay dahil tinakot mo siya, I know well when it comes to this, Mr. Laguarda. You know why I’m here? Baka kasi makuha kita sa maayos na usap, pwede bang tigilan mo na si Mr. Dior at ang pamilya niya and turn yourself to the police station para pagbayaran mo ang mga ginawa mo sa kaniya.”pahayag ni ToV na ikinatawa ng kausap niya sa mga sinabi niya na ikinasabay niya ng tawa dito.
“May nakakatawa ba sa sinabi ko?”
“Bakit naman ako susuko sa mga pulis? Wala kayong ebidensya na magdidiin sa akin.”
“Wala nga ba? You’re the one who burned the house of Mr. Dior that killed the life of his youngest son, I have proof. You harass and threatened him using his family, l also have the proof, and I know hawak mo ang kaniyang asawa at anak at this moment. Hindi ko lang sure kung saang parte ng bahay mo itinago ang mag-iina niya.”pahayag ni ToV na bahagyang ikinalaki ng mga mata ng kausap niya.
“Wala kang ebidensya! I can sue you for trespass---“
“Trespassing? Sa pagkaka-alam ko hindi mo naman pagmamay-ari ang bahay na ‘to, you killed the family lives here and owned this house, right? Oh, don’t get me wrong Mr. Laguarda, hindi kita pinagbibintangan because again, I have proof to show. Now, kung ayaw mong makipag-usap sa akin ng maayos, pwede naman nating daanin sa marahas na paraan.”ngising saad ni ToV mabilis niyang ikinalabas sa dalawang kamay niyang nakapamulsa at malakas na ibinato ang mga batong hawak niya sa mga tauhan ni Laguarda na hindi makabaril sa ginawa niya.
Mabilis ang kilos na nakalapit si ToV sa isa sa tauhan ni Laguarda at agad iniharap ang baril na hawak nito sa apat nitong kasamahan. Pilit na lumalaban ang lalaking hawak niya ng malakas niyang sikuhin ang mukha nito na ikinabitaw nito sa hawak nitong baril, at sunod-sunod na pinuntirya ni ToV ang noo ng apat na mga tauhan ni Laguarda na walang buhay na ikinabagsak ng mga ito sa sahig at ikinapaligo ng mga ito sa sariling mga dugo na ikinagulat ni Laguarda.
Akmang susugod siniko ni ToV ng matigilan ito ng mabilis niyang itapat ang hawak niyang baril sa ibanang parte ng katawan nito na bahagya nitong ikinalunok, at ng makita niyang tatakas si Laguarda ay agad niyang kinuha ang natitirang bato sa bulsa ng cargo short niya at malakas iyong ibinato sa ulunan nito na ikinadugo nito at napahiyaw na ikinahandusay nito sa sahig.
“If I were you Mr. Laguarda tatayo ako diyan at uupo na muna ako, at makipag-usap sa akin.”pahayag ni ToV na dahan-dahan ikinatayo nito sa pagkakahiga sa sahig habang hawak-hawak ang likod ng ulunan na nagdudugo at bumalik sa may sala at umupo sa may sofa na ikinangiti ni ToV.
“Good boy.”ani ni ToV na binalingan muna ang lalaking nasa likod niya na hindi makakilos dahil sa pagkakatutuok niya ng hawak niyan baril sa may ari nito.
“Pag kumilos ka, mawawala ‘yan sayo. Huwag kikilos, okay?”saad na bilin ni ToV na agad na ikinatango nito sa kaniya bao niya binalik ang tingin niya kay Laguarda.
“Magkakasundo tayong dalawa pag pumunta ka sa presinto at aminin mo sa kanila ang ginawa mo at ipakulong moa ng sarili mo. You’ve done too much in Mr. Dior’s family and him, baka gusto mong pagbayaran? Hindi lang ako basta lawyer, Mr. Laguarda, not a normal one. At kung balak mong sabihin ang nangyari ngayon, then let’s see each other in court and once that you lose. Papatayin nalang kita, I can also play dirty too, so mag-isip isip ka. I will leave you alive here, so I want to hear good news tomorrow okay?”pahayag ni ToV na hindi magawang ika-imik nito bago niya pinaputukan ang ibaban parte ng natitirang tauhan nito na napuno ng hiyaw ang buhay bahay.
“Ooopss, sabi ko sayo wag kang gagalaw eh. Bakit kasi kumurap, mahina ka sa listening dude.”pahayag ni ToV na ikinabitaw niya sa baril na hawak niya at muling binalingan si Laguarda.
“Uulitin ko, hihintayin ko ang magandang balita bukas. And next time, matuto kang magyabang kung kaya mong panindigan. Malas mo lang, ako ang nakaharap mo.”saad pa ni ToV na inayos pa niya ang pagkakasuot ng salamin niya bago siya nagpamulsa at tinalikuran na si Laguarda at naglakad na palabas sa bahay nito.
KINABUKASAN, masakit man ang katawan lalo na ang balikat na napuruhan sa pagkakatama nito sa pader dahil sa ginawa ni Vernon, ay pumasok pa din si Karina sa kaniyang kumpanya upang maayos ang mga deliveries na napabalik sa kanila. Wala na si Vernon sa bahay ng kaniyang ama pagka-gising niya, kaya nakakain ng maayos si Karina ng umagahan. Hindi na siya nag-abalang magpatingin sa doctor dahil alam niyang ayos lang siya at mawawala din ang sakit ng katawan niya, hindi naman iyon ang unang beses na napagbuhatan siya ng kamay ni Vernon. Hindi lang niya inakala na mas lalala pa ang pananakit nito sa kaniya hindi lang emotionally kundi physically.
Buong magdamag kagabi ay wala siyang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak sa kaniyang kama, wala siyang magawa at tanging pag-iyak lang ang magagawa niya upang mabawasan ang mabigat na dalahin niya. Buong magdamag din ay umiikot sa isipan niya ang hamon ni Vernon sa kaniya hanggang sa pagsok niya sa opisina niya ay ito ang laman ng isipan niya.
*FLASHBACK*
“Na-nasayo na ang kumpanya ni daddy, kaya ano pa ang gusto mo?! Bakit hindi mo nalang ako pabayaan?!”iyak ni Karina na ikina squat ng upo ni Vernon sa harapan niya at sinabunutan ang buhok niyang iniharap dito.
“Gusto mong makalaya sa akin? Then try Karina, maghanap ka ng abogado na tutulong sayo, I’ll give you a chance pero pag natalo ka ulit na mapa annul ang kasal natin, you need to give up, give everything to me, your properties and the remaining assets of your father he left for you, and especially your fvcking body. I’ll give you a chance to escape on me Karina, but don’t fvcking hope na mananalo ka.”
*END OF FLASHBACK*
Ang makalaya kay Vernon ang matagal ng hangad ni Karina, gustong-gusto niya ng makalaya dito at mabawi lahat ng kinuha nito sa kanila ng kaniyang ama. Pero ang kagustuhan na ‘yun ay napipigilan ng takot at kawalan ng tiwala sa mga abogado na lalapitan niya, ilang beses na siyang nabigo ng mga ito at alam niyang sa oras na maghanap siya ng abogado at malaman iyon ni Vernon ay babaayaran nito ag nakuha niyang abogado para bitawan ang kaso niya. Alam niyang ang pagkakataon na ibinigay ni Vernon sa kaniya ay pagpapakita sa kaniya na hindi talaga siya makakawala kay Vernon.
“How can I get away from him, kung wala namang matinong abogado na hindi masisilaw sa offer ng lalaking ‘yun. Gusto ko nalang magbigti ng matapos nalang ‘tong paghihirap ko!”saad ni Karina na bahagyang napangiwi ng kumirot ang nanakit niyang balikat ng magbukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok doon ang secretary niya.
“Is there another bad news, Sheila?”agad na tanong ni Karina na ikinalakad muna nito palapit sa harapan ng mesa niya.
“Sorry boss, alam ko ayaw niyo muna makarinig ng bad news pero need niyo po malaman. Iyong mga kinukuhanan po natin ng mga materyales for our furniture’s, hindi na daw po nila tayo mabibigyan ng mga kailangan natin dahil kinuha na daw po sila ng K&L Furniture personal supplier. And because they have no contract with us, binigyan daw sila ng lifetime contract ng K&L Furnitur---“
“Don’t continue, Sheila. Just find another supplier of the materials we need, iwan mo muna ako.”sambit ni Karina na ikinalabas na ni Sheila sa opisina niya at pagka sara ng pintuan ay naiinis na sumigaw si Karina sa ginagawang panggigipit ni Vernon sa kumpanya niya.
“You’re doing it too much, Vernon! I really hate you, damn you!”nanggagalaiting sigaw ni Karina na alam niyang kahit umiyak siya ay wala siyang magagawa.
Pilit na pinapakalma ni Karina ang kaniyang sarili ng tumunog ang cellphone niya, nang makita niya kung sino ang tumatawag ay huminga siya ng malalim bago ito sinagot.
“Hello Maxine, napatawag ka?”pilit na kalmadong tanong niya sa kaniyang kaibigan sa kabilang linya.
(Are you alright, Karina? Your voice seems off today.)
“I’m okay, huwag mong ibase sa tono ng boses ko kung okay lang ako, because I’m fine Max.”sagot ni Karina.
Nakalimutan niyang magaling maka sense ang kaniyang mga kaibigan, sa tagal na nilang magkakakilala, lahat ng tungkol sa buhay nila ay alam nila. At kung nagkataon na si Paolo ang tumawag sa kaniya alam niyang kukulitin siya nito.
(I know you’re not in the good mood today, but I'll just remind you that it’s our date today. Nakapagpa-reserve na si Paolo ng restaurant na kakainan natin, magkwento ka nalang sa amin mamaya, but I think I have a hint who’s going to be our topic. Anyway, see you later.)
“Teka Maxin---“
Agad na nawala na ang kaibigan niyang si Maxine sa kabilang linya na buntong hiningang ikinasandal niya sa kaniyang kinauupuan. Gusto niya sanang sabihin sa hindi muna siya makakasama sa date nilang magkakaibigan ngayong araw dahil ayaw niyang malaman ng mga ito na nasaktan na naman siya ni Vernon. Halata parin ang sugat niya sa gilid ng kaniyang labi at posibleng malaman ng mga kaibigan niya ang pasa na natamo niya sa masakit niyang balikat. Kung hindi naman siya pupunta, alam niyang magtatampo ang kaniyang mga kaibigan lalo na si Therice, kaya habang nagtatrabaho ay nag-isip narin siya ng pwede niyang maging alibi sa oras na magtanong ang mga ito.
Matapos ang oras ng pagtatrabaho ni Karina ay umalis na siya sa opisina niya at pinuntahan na ang resto na sinend ni Maxine ang address sa kaniya. Nang makarating siya doon ay agad siyang pumasok doon at agad niyang nakita ang tatlo niyang kaibigan malapit sa transparent glass na pader ng restaurant na ikinahinga ng malalim ni Karina bago ngiting tinungo na ang mga kaibigan.
“Hello girls! Kanina pa ba kayo dito?”masiglang bati niya ng makalapit siya at umupo na sa isang bakanteng upuan habang nakatingin sa kaniya ang mga kaibigan niya.
“Alam mo Therice, dapat hindi ka na masyadong naglalalabas. You’re pregnant at bawal kang mapagod, ikaw baklang Paolo, hindi ka ba busy sa mga bago mong model? Ikaw, Maxine, kaya nagseselos si Erick sa amin kasi may ganito tayong dat---“
“Saan mo nakuha ang sugat mo sa gilid ng labi mo?”putol na tanong ni Therice sa kaniya na agad niyang ikinahawak sa may labi niya.
“W-wala, singaw lang ‘to na nagsugat, t-tama singaw lang ‘to.”pagdadahilan ni Karina mahinang ikinahampas ni Paolo sa balikat niya na di niya napigilang ikadaing dahil ang namamasa niyang balikat ang nahampas nito, na ikinatitig nina Maxine sa kaniya.
“I-ikaw Paolo ha?! Ang sakit mo ng mang hampas.”saad ni Karina ng magulat siya ng hawakan ni Maxine ang braso niya at ibinaba ang manggas ng suot niyang damit.
“Te-teka Maxi---“
Hindi na natuloy ni Karina ang sasabihin niya ng tumambad na sa mga kaibigan niya ang ube niyang pasa sa balikat niya at ikinagulat ng tatlo.
“OMG Karina! Saan mo nakuha ‘yan?” bulaslas na tanong ni Paolo na akmang magdadahilan si Karina ng unahan siyang magsalita ni Therice.
“Subukan mong magsinungaling Karina, hindi na kita kakausapin kahit na kailan.”banta ni Therice sa kaniya.
“Ka-kasi Therice…”
“Umamin ka ngang bakla ka? Sinasaktan ka ba ng walang kwenta mong asawa ha?”nanunuring tanong ni Paolo sa kaniya.
“Karina kaibigan mo kami, nag-aalala kami sayo dahil sa asawa mo tapos hindi mo pa sinasabi sa amin kung anong ginagawa sayo ng lalaking ‘yun. Sa kaniya ba galing ang sugat sa gilid ng labi mo at pasa sa balikat mo?”sambit na tanong naman ni Maxine na biglang ikinalabas ng mga luha ni Karina sa mga mata nito.
“A-anong gagawin ko? H-hindi ko na kayang makasama sa iisang bubong si V-Vernon, na-nahihirapan na ako girls.”iyak ni Karina na ibuhos niya na ang pasakit na dinadanan niya sa kamay ni Vernon.
Naawang niyakap ni Maxine si Karina habang nagkakatinginan sila nina Therice, na naawa na sa sitwasyon ni Karina sa poder ni Vernon.
“That’s it Karina, and please pakinggan moa ng sasabihin ko sayo. Gusto mong makalaya sa lalaking ‘yun? Then take my advice, I will assure you that there is one lawyer na hindi gagawin ang mga ginawa sayo ng past lawyers mo. I can sure you that Attorney. Tork Valenzuela can help you to be free against Vernon. Kung magmamatigas ka parin sa advice, wala akong magagawa kundi ipakaladkad ka kay Paolo papunta sa firm niya.”pagalit na pahayag ni Therice na ikinaturo ni Paolo sa sarili niya.
“Bakit ako?”
“Alangan naman ako? Heller buntis kaya ako.”sita ni Therice dito.
“C-can he really help me? T-that lawyer you said, Therice, matutulungan niya ba talaga akong makalaya kay Vernon?”humihikbing tanong ni Karina na ikinahawak ni Therice sa magkaparehas niyang kamay.
“Trust me, my husband’s friend can free you to Vernon. Siya ang tanging lawyer na hindi ka iiwan tulad ng iba, so please, kunin mo siyang abogado mo and I’ll assure you, kahit anong panunuhol ang gawin ni Vernon sa kaniya, mapapahiya lang siya.”pahayag ni Therice na hindi na ikinaimik ni Karina na patuloy na inaalo ni Maxine.