When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Ate, okay ka lang ba?" untag sa kaniya ng kaniyang kapatid na si Lorie dahil bigla na lamang niyang nabitawan ang basong hawak lang niya. Pakiramdam ni Mari kusa iyong dumulas sa kaniyang mga kamay. "O-Oo, bakit gising ka pa?" Wala sa sariling tanong niya sa kapatid. Sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso pakiramdam niya may hindi magandang nangyayari sa kaniyang paligid. Dinampot niya ang baso ngunit nasugat siya sa mga piraso na nabasag. Agad-agad siyang nilapitan ni Lorie at inabutan ng bimpo. "Ate, ako na ang maglilinis niyan." Kumuha ito ng walis at dustpan pagkatapos ay nilinis nito ang mga nagkalat na bubog sa sahig. Umupo ss silya Mari at bumuga nang malalim. Nang matapos linisin ni Lorie ang mga bubog ay umupo din ito sa silya na paharap sa kaniya. Hinawakan ni Lorie a