Chapter Five

3246 Words
"WHAT can you say about the hotel?" tanong ni Justin kay Nancy Jane. Muli pa niyang nilibot ang mga mata niya sa paligid. Naroon sila sa loob ng isa sa Presidential Suites. Pagkatapos nitong ipakilala siya sa mga board members bilang bagong miyembro. Nilibot siya nito sa buong hotels. Kasama na roon ang pagpapakilala sa kanya sa mga empleyado. "It's wonderful." Sagot niya. "I hate to admit this. But, you're great in the business. Keep it up!" "Thank you. I'm glad you appreciate all my effort." "You're Welcome!" "Do you still remember? I dreamed of this." Anito. Hindi alam ni Nancy Jane kung ano ang dapat niyang isagot. Hindi rin niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Bakit ba bigla na lang nitong inungkat ang nakaraan? Ito na rin mismo ang nagsabi na kinalimutan na siya nito bilang isang kaibigan. At hindi siya nito magugustuhan sa kahit saang aspeto ng buhay nito. "An empire," she replied. "Oo. Isang bagay na hindi ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Kung hindi nanggaling sa mismong pinaghirapan ko." "Alam ko." "And I wanted you to be apart of that dream." Kapagkuwa'y wika nito. Napalingon siya ng wala sa oras dito. "Ano?" maang niyang tanong. "Pero iniwan mo ako. You're all I have that time, Nancy Jane." May hinanakit nitong sagot. Nagtama ang mga mata nila. Nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Was he really hurting? "Hindi ko rin ginustong umalis noon. Pero wala akong pagpipilian. Kailangan kong sumunod sa Daddy ko." Paliwanag niya. Bumuntong-hininga ito saka ngumiti. Mga ngiting matabang. Isang klase ng ngiti na may bahid ng kalungkutan. "Pero what's the use of talking about it? Hindi na natin maibabalik pa ang nakalipas na. Nangyari na 'yon. Umalis ka na. At iniwan ako. Sinira mo ang magandang inumpisahan natin." Mabigat ang boses na wika nito. "Wala akong sinira, Justin. Ikaw ang sumira ng lahat. I tried calling you. I even wrote letters for you. Pero wala kang sinagot ni isa man sa mga iyon. Ngayon, sabihin mo ulit sa akin na ako ang sumira ng lahat." Sagot niya, habang nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha niya. Wala na siyang pakialam kung makita man nito ang pag-iyak niya. Mas mabuti pa nga siguro iyon para malaman nito na hindi lang ito ang nahirapan. Higit sa kahit na kanino, mas lalo siya ang nahihirapan hanggang sa ngayon. Kung nalalaman lamang nito, na hanggang sa mga oras na iyon. Mas labis siyang nasasaktan sa mga nangyayari, dahil bukod sa nawalan siya ng kaibigan. Nawala din ang lalaking minahal niya sampung taon na ang nakakaraan. At patuloy na minamahal hanggang sa mga sandaling iyon. "I think I have to go." Aniya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng hotel room. Pagsarado niya ng pintuan. Hindi na niya napigilan ang mabilis na pagdaloy ng kanyang mga luha. At habang naglalakad siya palayo sa silid na iyon. Pakiramdam niya ay unti-unti na rin nawawala ang kaibigan niya sa kanya, maging ang lalaking iniibig niya. Mahal kita Justin. Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Pero hindi ko alam kung tama pa ba na nararamdaman kong ito para sa'yo.  "ONE thousand one... One thousand two... One thousand three..." Tinatamad na nilingon ni Nancy Jane ang katabi niyang si Panyang na siyang naririnig niyang kanina pa nagbibilang. "Bakit ka ba bilang ng bilang diyan?" tanong niya dito. "Eh bakit ba kasi bumubuntong hininga ka diyan? Mabuti may natitira pang hangin sa katawan mo?" balik-tanong naman nito. Hindi siya sumagot. Bagkus ay binalik niya ang tingin sa malaking puno ng mangga. Napansin niyang nakitingala si Panyang sa tinitingnan niya. "Siguro nandiyan sa puno ng mangga ang sagot." Sabi pa nito. Napangiti siya ng wala sa oras. "Loka loka ka talaga!" "Ganyan! Ngumiti ka lang! Anak ng tinapa naman! Mahigit isang linggo ka nang nandito pero minsan lang kita nakitang ngumiti." Sabi pa nito. Nagkibit-balikat lamang siya. "Ewan ko ba." Sagot niya. "Hindi mo kailangan magpa-apekto sa Justin na 'yon. Just live your life to the fullest. Pasasaan ba't magiging maayos din kayong dalawa." Sabad naman ni Chacha sa usapan. "Tama! At imposibleng hindi ka na-miss ng mokong na 'yon!" sabi naman ni Madi. "Pero kung hindi man, nandiyan din naman si Jester." Singit pa ni Abby sa usapan. "Right. He seems fine." Sang-ayon naman ni Lady. "Alam mo, Girl. Huwag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Enjoy lang! If I know, may gusto rin sa'yo 'yon. Kunwari lang masungit pero ang totoo. Nagseselos 'yon, lalo na kapag kasama mo si Jester." Paliwanag ni Myca. "Ang akala ko, babae lang ang maarte. Pati rin pala mga lalaki." Ani naman ni Allie. Hinintay nilang magsalita si Adelle. Ngunit nanatili lang itong tahimik at nakamasid sa kanila. "Hoy bakla, Wala ka bang sasabihin?" untag ni Panyang dito. "Ano pa bang sasabihin ko? Nasabi na ninyong lahat!" sagot naman nito. Natawa siya. Mabuti na lang at mayroon pa siyang mga kaibigan na nariyan sa tuwing nalulungkot siya. "Teka, ano bang ginagawa pala ninyo dito?" tanong naman niya. Sumulyap siya sa suot niyang relong pambisig. "Alas-sais na ah." "Well, naghihintay kami ng mga asawa namin dito." Sagot naman ni Panyang. "Ikaw ang dapat kong tanungin. Anong ginagawa mo dito?" "Wala lang," "Hinihintay din 'yung mapapangasawa niya." Tukso pa ni Madi sa kanya. "Uy!!!" sabay-sabay na tukso nito sa kanya. "Tse! Tigilan nga ninyo ako!" saway niya sa mga ito. "Ang tanong, sino sa dalawa? Si Justin o si Jester?" tanong pa ni Adelle. "Ang taray ng lola ko! Ang haba ng hair!" tukso pang lalo ni Madi. Hindi na siya nakasagot pa dahil nagsimulang magsidatingan ang mga Tanangco Boys sakay ng kanya-kanyang magagarang kotse ng mga ito. At sa nag-iisang black sports car lang natuon ang atensiyon niya. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso niya nang huminto ang sasakyan sa tapat niya. Wala siyang magawa kung hindi ang matulala. At tila nag-slow motion ang buong paligid nang bumaba ito ng kotse. Daig pa niya ang nakakita ng aparisyon. Looking outrageously handsome on his office suit. Para siyang nakakita ng Greek god na bumaba mula sa kalangitan. "'Teh, konting tikom ng bibig. Medyo nakanganga ka eh." Pasimpleng bulong ni Panyang sa kanya. "Baka mamaya tumulo pa laway mo." Dagdag pa ni Madi. Agad niyang tinikom ang bibig. Tama nga ito. Hindi niya namalayan na napanganga siya sa nakita. Pasalamat na lang siya dahil hindi ito lumingon sa gawi niya, kaya hindi nito nakita ang ka-abnormalan niya. Tumikhim siya. Saka palihim na pinandilatan niya ng mata ang dalawa. Nginisian lang siya ng mga ito. "Hi Nancy Jane!" Dumagundong ang kaba sa dibdib niya pagkarinig ng pamilyar na baritonong tinig na iyon. Pasimple siyang huminga ng malalim bago hinarap ito. At gusto niyang tumakbo palayo dito matapos bumungad sa harapan niya ang guwapong mukha nito. Mukha pa rin itong mabango sa kabila ng maghapon nitong trabaho. Lord, bakit po ba ganito pa rin kalakas ang dating ng lalaking ito sa akin? Ang kulit talaga ng puso ko! Wala ng ibang kinilala kung hindi ito! Aniya sa isip. "H-Hi!" kandautal niyang tugon. "Kumusta?" tanong pa ni Justin sa kanya. May kung anong emosyon siyang nababanaag sa mga mata nito. "O-okay lang. Ikaw?" kandautal na naman niyang sagot. At sa pagkakataong ito. Hindi na niya napigilan na kagatin ang sariling dila. Kung bakit ba kasi bigla na lang siyang nagkaganoon? Daig pa niya ang teenager sa mga kinikilos niya. Ouch! Masakit pala! "Okay lang din." Sagot naman nito. "Naks naman! Mukhang may bagong sibol na pag-ibig dito ah." Narinig niyang tukso ni Victor sa kanila. Kapwa sila napalingon dito. Hindi na ito muli pang nagsalita ngunit tumawa lang ito. Sinaway pa ito ni Abby na akbay nito. "Ayos ang diskarte natin, Chua. Kanina lang kayo magkasama pero kinukumusta mo na agad. Sabi na nga ba't na-miss mo si Nancy Jane eh." Pambubuking pa ni Humphrey dito. "Kasi naman, Pare. Umamin ka na kasi." Dagdag pa ni Vanni. Tila nauubusan na ng pasensiya na naihilamos nito ang palad sa mukha nito. "Nga pala, Nancy Jane. Nagkita kami ni Jester kanina sa office. Pinapatanong niya kung puwede ka daw bukas ng gabi. Yayayain ka yatang mag-date." Dire-diretsong sabi ni Dingdong. "Babe! Ano ka ba?!" Saway ni Chacha sa asawa. "O? Bakit? Anong ginawa ko? Sinabi ko lang naman 'yung pinapasabi ni Jester. Tsaka totoo 'yon. Yayayain ka daw niyang mag-date bukas. Tignan mo mayamaya lang tatawag na 'yon." Inosenteng sagot naman nito. Ganoon na lang ang pagtataka niya ng makitang salubong na ang kilay ni Justin. Kanina lang ay maganda ang mood nito. "Hoy, baka magkabuhol 'yang kilay mo! Bakit parang bigla kang na-bad trip?" inosente naman niyang tanong. Hindi ito sumagot. Samantalang ang iba naman ay narinig niyang nagsitawanan. Napakamot siya sa batok. Medyo malabo sa kanya ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Hindi niya maintindihan. Ilang sandali pa ang nakakalipas nang biglang may pumaradang midnight blue na big bike. Nakasuot ng helmet ang rider kaya hindi niya makilala kung sino ito. Si Victor ang agad na lumapit dito, at tinapik pa nito ang bagong dating sa isang balikat nito. "Napadaan ka, Pare." Ani Victor dito. Ganoon na lang ang gulat niya nang tanggalin nito ang suot na helmet. Si Jester pala iyon. "Hi Nancy Jane," bati agad nito sa kanya. "Hi!" ganting-bati din niya dito. Nilapitan niya ito. Saglit nitong kinausap si Victor, bago ito bumaba ng sinasakyan. Binati nito si Justin pero hindi sumagot ang huli. Nanatili lang itong nakamasid sa kanilang dalawa habang hindi na lalo maipinta ang mukha nito. "Nasabi ba sa'yo ni Dingdong?" tanong nito. Napatingin siya kay Justin at kay Dingdong. "O? Sabi ko na sa inyo eh. Akala n'yo ng gu-good time lang ako." Sabi nito. Walang kumibo ni isa man sa kanila. "Oo. Nabanggit nga n'ya." Sagot naman niya. "So, are you free tomorrow night?" tanong ulit nito. Saglit siyang nag-isip. Ibubuka pa lang niya ang bibig niya nang biglang si Justin ang nagsalita. "Hindi siya puwede bukas." Singit nito sa usapan. Napatingin si Jester dito. "Uhm... Excuse lang, Pare. Pero si Nancy Jane ang kinakausap ko. Hindi ikaw." Seryosong sagot ni Jester. "Teka nga," aniyang pumagitna sa dalawang nagtatangkarang lalaki. "Justin," baling niya dito. "Bakit naman ako hindi puwede bukas ng gabi?" "Kasi... Ano..." Hinintay niyang may isagot ito ng malinaw sa kanya. Pero hindi ito makasagot. Napailing siya. Talagang masisiraan siya ng bait dito sa isang ito. "Eh kasi ang gusto n'ya siya ang ka-date mo." Sabad naman ni Ken sa usapan. "Tama!" sang-ayon naman ng mga kababaihan. "Shh! Ang ingay n'yo! Teka, hindi pa tapos ang eksena." saway ni Adelle sa mga ito. "Sige lang, you may continue." "Anyway, kung hindi makakaabala sa'yo. Can I invite you tomorrow night? We'll have dinner." Pagpapatuloy pa ni Jester. "Nakakaabala ka sa kanya. Ngayon pa lang abala ka na." singit pa ni Justin. "Ano ba!" singhal niya dito. "Huwag ka ngang papansin diyan!" Muli niyang binalingan si Jester. "Pasensiya ka na, ha? Huwag mong intindihin 'yan. Anyway, wala akong gagawin bukas. Sige, puwede ako. Sunduin mo na lang ako ng seven PM." Lumarawan ang kasiyahan sa mukha ni Jester. "Okay. Thanks! I'll pick you up at exactly seven PM." Anito. Agad itong nagpaalam. Nang makaalis ito. Saka niya hinarap si Justin. "Ikaw, ano bang problema mo? Hindi ba't tinuro sa atin noong highschool ang Good Manners and Right Conduct." Sabi niya dito. "Tinuro doon ang huwag sumabad sa usapan kapag hindi naman ikaw ang kinakausap!" Hindi ito nakasagot. Nanatili lang itong nakamasid sa kanya. "Basta! Ayokong sumasama ka sa taong 'yon. Hindi mo kilala 'yon! I'm just protecting you!" katwiran naman nito. "Kaya kong protektahan ang sarili ko!" Hindi na ito nakaimik. Naghintay pa siya ng ilang sandali, baka sakaling may sabihin pa ito. Pero nanatili itong tahimik. "Wala kang karapatan diktahan ako sa kung sino gusto kong makasama. Inalis mo na ang karapatan mong iyon, hindi ba?" panunumbat pa niya dito. "Hep! Awat na nga kayong dalawa diyan!" sabi pa ni Panyang habang pumagitna pa sa kanila. "Kayong dalawa talaga, kada na lang magkikita kayo palagi na lang kayong nagbabangayan. Talagang mahal na mahal n'yo ang isa't isa, no?" Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha. Halos sabay pa sila ni Justin na umiwas ng tingin sa isa't isa. Napuno na naman ng tawanan at tuksuhan ang buong kahabaan ng Tanangco. "By the way guys, we have an announcement to make." Sabi ni Roy. Lumapit dito ang esposa nito. Parang tuko pa itong yumakap sa braso ng asawa habang bakas sa mukha ng dalawa ang walang hanggang kaligayahan. Tumingin muna ito kay Panyang saka hinalikan ito sa ulo. "We're having a baby. Pam is two months pregnant." Anunsiyo ni Roy. Wala agad nag-react sa kanila. Nagkatinginan pa sila. Tila kapwa hindi makapaniwala sa mga narinig nila. "Tsk tsk tsk! Kawawang bata." Umiiling pang sabi ni Madi. "Oo nga. Sana magmana kay Roy." Dagdag pa ni Adelle. "Kapag nagkataon, magkakaroon ang anak ko ng pinsan kasing kulit ng Nanay n'ya. Sigurado kunsumido ang Chinchin ko." Sabi pa ni Dingdong. "Mga Walanghiya kayo! Mga lapastangan! Tse!" tungayaw ni Panyang na parang batang naiiyak na. Bigla silang humagalpak ng tawa. Sabay sugod ng yakap sa mag-asawa. At ulanin ng bati ang dalawa. "Congrats Pare!" anang ibang Tanangco Boys kay Roy. "Congratulations, Panyang. I'm happy for you!" sabi naman niya. "Thanks!" "Uy bakla, maawa ka diyan sa anak mo ha?" biro pa ni Allie dito. "Biruin mo 'yon! Babae ka nga pala talaga, ang akala ko talaga wala kang matris eh." Pang-aasar pa ni Madi dito. "Ambot man!" panggagaya pa nito kay Madi. "Linya ko 'yan ah!" Natawa siya sa asaran ng dalawa. At sa kabilang banda, hindi niya maiwasan na makaramdam ng konting inggit sa kaibigan. Mabuti pa ito, nahanap na nito ang lalaking nagmamahal dito. Eh siya kaya? Kailan mahahanap ang lalaking magmamahal din sa kanya? Wala sa loob na napatingin siya kay Justin. Ito sana ang gusto niyang makasama habang buhay. Ngunit paanong mangyayari iyon kung ito mismo ay pilit na nilalayo ang sarili sa kanya. Masakit man. Wala ng magagawa pa si Nancy Jane kung hindi tanggapin ang lahat. Hindi niya alam kung kailan. Pero kailangan na niyang supilin ang damdamin niya para dito. Ayaw na niyang masaktan ngunit kailangan niyang magpaparaya. Kahit na alam niyang ang sariling kaligayahan ang isasakripisyo niya. Sa isiping iyon, nagbadya ng pagbagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. Ilang beses pa siyang kumurap-kurap. Para hindi tuluyang tumulo iyon. Hindi siya dapat umiyak. She have to be tough. Kahit para na lang sa kanyang sarili. SATURDAY morning. Naging ugali na ni Nancy Jane na mag-jogging tuwing sabado ng umaga. Naging routine na niya iyon kahit noong nasa America pa siya at nang magsimula siyang magpa-payat. Bakit nga ba niya naisipang magpa-payat? Ah... dahil din pala kay Justin. Ginawa lang niyang dahilan ang naunang sinabi niya kay Humphrey noong bagong dating siya. Pero ang tunay na dahilan ng kanyang pagbabagong pampisikal ay si Justin. Labis niyang pinaghandaan ang oras na muli silang magtatagpo. Walang gabing hindi siya nagdasal na sana'y magustuhan nito ang pagbabagong anyo niya. At sa kanyang pagbalik, hindi niya inaasahan na isang malaking kabiguan lang pala ang dadatnan niya. Pinilig niya ang ulo. Bakit pa nga ba niya iniisip ang mga ganoong bagay? Hindi nga ba't kasasabi pa lang niya sa sarili na pipigilan na niya ang ano mang damdamin para dito. Ang dapat lang niyang pagtuunan ng pansin sa mga oras na iyon ay kanyang sarili at ang trabaho niya. Naka-jogging pants siya. White t-shirt at rubber shoes. At bago niya simulang tumakbo ay sinuksok niya sa magkabilang tenga ang earphone ng i-pod niya. Plano niyang libutin ang buong Brgy. Buting. At dahil hindi naman kalakihan ang barangay nila. Sa tantiya niya ay hindi siya magtatagal ng husto. Papasok pa lang siya ng Tanangco ng matanaw na niya na nasa tapat ng kanya-kanyang bahay ang mga Tanangco Boys. Most of them were shirtless, kaya naman nakalantad sa madla ang matitipunong mga katawang ng mga ito. Kaya ang mga babae sa lugar nila, hayun at kay aga aga ay wala ng ginawa kung hindi ang pagpantasyahan ang alindog ng mga walang malay niyang mga kaibigan. Sa isang miyembro lang ng grupong iyon napako ang mga mata niya. Gaya ng iba ay tanging basketball jersey shorts at rubber shoes lang ang suot nito. Wala rin itong suot na t-shirt. Pilit niyang tinutok sa ibang direksiyon ang mga mata niya. Diyos ko po, masyado pa pong maaga para magkasala ako... "Good Morning Nancy Jane!" bati sa kanya ng mga ito. "Good Morning din!" ganting-bati naman niya. Nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay nakalagpas na siya ng bahay ni Justin na hindi man lang siya nito binabati. Actually, mas makakabuti iyon sa kanya. Nagulat pa siya nang biglang may nagbaba ng isang earphone niya. Paglingon ni Nancy Jane ay nakita niyang kasabay na niya sa pagtakbo si Justin. Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa matipunong dibdib nito. Susmaryosep! Oh tukso! Layuan mo ako! "Kailan ka pa natutong mag-jogging?" tanong nito. "Noong nasa America ako." Tumawa ito. Kunot-noong binalingan niya ito. "Anong nakakatawa?" tanong niya dito. "Nothing. I just remember something." Natatawa pa ring sagot nito. "Ano na naman 'yon?" "Naalala kasi kita. Noon kasi kapag sinusubukan mong mag-jogging, one fourth pa lang tayo ng Tanangco, hingal na hingal ka na." "Justin Karl Chua ha! Ang aga pa para galitin mo na naman ako. Utang ng loob!" asik niya dito na sadyang pinagdiinan pa niya ang huling kataga. "Tapos lumalabas agad ang mantika sa katawan mo!" dugtong pa nito. "Weh! Kung makapagsalita! Ikaw nga diyan eh, palagi kang nadadapa! Tapos, mayamaya hihikain ka na!" pambubuking din niya dito. Biglang sumiksik sa utak niya ang eksenang iyon, sampung taon na ang nakakaraan. Maging siya ay hindi napigilang tumawa. Napahinto siya sa pagtakbo ng wala sa oras. Kasunod noon ay ang malakas na tawa din ni Justin. Hindi niya naiwasan na titigan ang mukha nito. How she missed his smile. His chinky eyes. The sound of his laughter. Iyon na yata ang pinakamagandang nangyari sa kanya simula ng bumalik siya. Ang makita itong nakangiti. Tila lalong nagliwanag ang buong paligid. Pakiramdam niya ay hinehele siya ng tawa nito. Tanging dalangin niya sa mga oras na iyon, ay sana'y hindi na matapos pa ang mga sandaling iyon. "I missed being with you, Nancy Jane." Halos pabulong na wika ni Justin. Ngunit nakarating pa rin iyon sa kanyang pandinig. "Justin," Napatitig siya sa mga mata nito. She saw compassion. She saw the sincerity of he just said. She saw the longingness. At tila may kung ano pa siyang nababasa sa mga mata nito na hindi malinaw sa kanya. "I have to go back." Kapagkuwa'y sabi nito. "By the way, goodluck on your date with Jester later." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis. Napakurap siya matapos niyang marinig iyon. Hindi nga pala dapat siya nagpapadala sa sitwasyon nilang dalawa. Iyon ang sinasabi ng kanyang isipan. Ngunit taliwas doon ang sinisigaw ng kanyang puso. Kung nalalaman lamang nito. Na ganoon din ang nararamdaman niya. Na mas higit pa sa pagka-miss ang nasa puso niya. Pero gaya nga ng sinabi niya. Hanggang doon na lang iyon. Ang panatilihing lihim ang tunay niyang damdamin para sa binata. Dahil alam niyang wala rin patutunguhan ang lahat kung hindi luha at pighati. Kaya susugal na siya, baka sakaling kayanin pa niya na kalimutan ito. Kahit na alam niyang mahihirapan siya ng labis na kalimutan ang lalaking una at huli niyang mamahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD