Chapter One

2007 Words
"MGA WALANGHIYA kayo! Bumalik kayo dito!" galit na sigaw ni Nancy Jane habang nakapameywang pa matapos niyang habulin ang tatlong schoolmates nila na kapwa fourth year students din gaya nila. "Tama na, hayaan mo na lang sila." Awat naman sa kanya ni Justin. Habang tumatayo ito ay pinapagpag nito ang damit nitong nadumihan. Nakasimangot na hinarap niya ito saka tinulungan na alisin ang mga alikabok na dumikit sa damit nito. Napagkatuwaan na naman kasi ito ng mga sigang estudyante sa school nila. Binugbog ng mga ito si Justin, mabuti na lamang at nakita niya agad ang mga ito. Nagsi-takbuhan ang mga ito nang makitang paparating siya kasama ang mga school guards. At hindi maintindihan ni Nancy Jane kung bakit sila ang laging napapagtripan ng mga estudyante doon. Bagay nga daw sila. Ang tukso sa kanya ng mga kaklase, 'baboy'. Dahil sa malaki niyang pangangatawan, lagi siyang sinasabihan na pinabayaan daw siya sa kusina. Samantalang, si Justin naman ay 'lampayatot'. Dahil sa sobra nitong kapayatan. Kapag daw magkasama sila. Para silang number ten. Inayos nito ang salamin sa mata na nawala sa puwesto. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka?" tanong niya agad dito. "Oo, ayos lang ako." sagot nito. Ginagalaw-galaw nito ang panga nito. Bumangon ang inis sa kanyang dibdib nang mapansin niyang may konting bahid ng dugo ang gilid ng labi nito. Napapadyak siya. "Nakakapikon na talaga ang mga 'yan! Lagi na lang tayong binu-bully ng mga 'yan." Reklamo nito. "Isumbong na lang kaya natin kay Ma'am." Suhestiyon niya. "Hay naku, magsusumbong tayo. Tapos pagsasabihan ng mga teachers. Pagkatapos, babalikan lang ulit nila tayo. Nakakasawa na kaya." Sagot naman niya. Napakamot ito sa sentido. "Hayaan na lang natin sila. Umuwi na lang tayo." "Mabuti pa nga. Nagugutom na rin ako eh." Tumawa ito. Salubong ang kilay na tingnan niya ito. "Bakit ka tumatawa?" naiiritang tanong niya. "Kaya ka tumataba eh. Ang takaw mo!" pang-aasar pa nito sa kanya. Pabirong siniko niya ito sa tiyan. "Tse! Isa ka pa!" asik niya dito saka siya nagsimulang maglakad palayo. "Uy teka, joke lang 'yun!" habol naman nito sa kanya. "JUSTIN, anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Dingdong kay Justin. Hindi agad ito sumagot. Hinintay ni Nancy Jane na mag-kuwento ito sa mga kaibigan nila. Ngunit nanatili itong tahimik. "'Eh di, naupakan na naman sa school kanina." Sabad niya sa usapan. "Bakit hindi mo sinabi agad? Para naresbakan natin ang mga 'yan." Ani naman ni Victor. "Okay lang ako. Huwag n'yo na lang pansinin ang mga 'yun. Tutal matatapos na ang school year. Matatahimik na rin ako." sagot naman nito. "Ewan ko sa'yo, kaya ka nabu-bully eh. Lagi mo na lang hinahayaan." Sabad na naman niya. "Ayoko lang ng gulo." Katwiran nito. "Fine," sagot na lang niya. Naroon sila sa tapat ng mansiyon nila Dingdong at nakatambay. Ilang araw na lang ay ga-graduate na sila sa highschool. At excited na siyang mag-college. Ang usapan nila ni Justin ay sa iisang school sila papasok sa college. Lihim na napangiti si Nancy Jane nang masulyapan ang kaibigan. No. They're not just friends or bestfriends. They are childhood sweethearts. Hindi pa yata sila naipapanganak ay magkaibigan na ang mga magulang nila. Sila ang magkakampi sa lahat ng oras. Tagapagtanggol ng isa't isa. Hindi na yata siya sanay ng wala ito sa tabi niya. Hinahanap niya ang presensiya nito kapag nasa malayo ito. At sa murang edad niyang iyon. Nancy Jane loves Justin. Isang lihim na pagtingin na itinatago na niya sa loob ng mahabang panahon. Hindi nga niya alam kung kailan niya naumpisahang maramdaman iyon. Basta nagising na lang siya isang araw na tumitibok ang batang puso niya para sa kaibigan. Kung tatanungin siya kung may balak siyang ipaalam dito ang tunay niyang damdamin para dito. Ang sagot niya. No way! "Hija." Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Nandoon nakatayo sa likuran niya ang yaya niya na siyang nag-alaga sa kanya simula pagkabata niya. "Yaya, bakit po?" tanong niya agad. "Umuwi ka muna. Pinapatawag ka ng Daddy mo. May pag-uusapan kayo." anang may edad niyang yaya. "Okay po." Usal niya. "Diyan na muna kayo. babalik ako. Tinatawag ako ni Daddy." Nagmadali siyang umuwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso siya sa silid ng mga magulang niya. Labis siyang nagtaka nang madatnan niya sa loob ang dalawa pang nakakabata niyang kapatid na si Lauren, ang sumunod sa kanya. At si Lorenzo, ang bunso. Napansin din niya na namumugto ang mata ni Lauren. Baka pinagalitan ito. "Mom, Dad. Bakit po?" tanong agad niya. "Maupo ka." anang Daddy niya. Nagtataka man ay sumunod na lang siya sa sinabi ng Ama. "Bakit mugto ang mga mata mo, Lauren?" Baling niya sa kapatid. Hindi ito sumagot bagkus ay umiling lang ito. "What's going on?" tanong niya sa Mommy niya. "Nancy Jane, after your graduation. Aalis tayo." Sagot ng Daddy niya. "Really? Magbabakasyon tayo? Saan? Isama natin si Justin ha?!" excited niyang wika. Natatandaan niya na nangako pala ang Daddy niya sa kanya na pupunta sila ng America pagkatapos ng graduation niya. "Anak, hindi natin puwedeng isama si Justin." Sabi naman ni Mommy niya. "Bakit po?" nagtatakang tanong niya. "Dahil doon na tayo maninirahan. Nai-transfer na doon ang mga negosyo natin." Seryosong sagot ng Daddy niya. Parang isang matalim na kidlat na tumama sa kanya ang balitang iyon. Paano na ngayon 'yan? Ang ibig sabihin ay magkakalayo na sila ni Justin. Hindi na niya ito makikita pa. Agad na naglandas ang mga luha niya sa kanyang dalawang pisngi. Isipin lang niya na hindi na sila magkikita pa ay parang isang tipak na bato na ang pumukol sa dibdib niya sa sobrang sakit. "No. Ayoko pong sumama, Daddy." Umiiyak na wika niya. "Hindi ka maaaring maiwan dito, Nancy Jane." Anang Mommy niya. "Pero paano po si Justin?" "Lalaki siya. Makakaya niya kahit na wala ka." sagot ng Daddy niya. "Bakit ba kailangan pa sa America tayo tumira? Bakit kailangan n'yong i-transfer ang negosyo natin doon?" sunod-sunod niyang tanong. Hindi pa rin niya matanggap na aalis na sila. Kailan nga ba ang graduation niya? Sa isang linggo. Ibig sabihin noon, sa isang linggo na rin pala ang alis niya. "Mas mataas ang demand doon. And my decision is final. Aalis tayo kinabukasan matapos ang graduation mo." Wala na siyang nagawa kung hindi ang umiyak. Hindi niya alam ang buhay ng wala si Justin sa tabi niya. Paano na ngayon ito? Kung kailan may plano na silang umattend sa iisang school sa College. Siguradong magagalit ito sa kanya. Paano na ang damdamin niya para dito? Labis na sakit ang naghari sa kanya. Gustuhin man niyang tumanggi, wala siyang magawa. Kailangan niyang sundin ang kagustuhan ng mga magulang niya. "NANCY JANE, telepono. Si Justin." Anang yaya niya pagbukas nito ng pinto ng kuwarto niya. "Pakisabi Yaya, umalis ako." aniya. Napailing lang ito saka sinarado ulit ang pinto. Huminga siya ng malalim. Simula ng malaman niya ang nalalapit na pag-alis nila ng buong pamilya niya. Nag-desisyon siyang iwasan na ito. Baka sakaling maging madali sa kanya ang napipinto niyang pag-alis. Baka sakaling mabawasan ang sakit. Napalingon siya nang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang Mommy niya. "Tumawag si Justin ah," anito. "I know." Matamlay niyang usal. "Hindi mo na naman sinagot." Hindi siya kumibo, bagkus ay tumungo lang siya para itago sa Mommy niya ang lungkot sa mga mata niya. "Iniiwasan mo ba siya?" tanong nito. Hindi na naman siya kumibo. "Para hindi siya mahirapan kapag nakaalis na ako." sagot niya. "Okay. Did you tell him?" tanong ulit nito. "Hindi pa po." "Don't you think you're being unfair to him?" anang Mommy niya. Muli ay natahimik siya. Alam iyon ni Nancy Jane. Ngunit wala na siyang nakikitang ibang paraan para mapadali ang pag-alis niya kung hindi ang iwasan ito. "Kailangan mong magpaalam sa kanya. You've been friends since childhood. Hindi tama kung aalis ka ng walang paalam." Dagdag pa ng Mommy niya. "Nasasaktan lang ako, Mommy. Ayokong umalis. Pero wala akong choice." Wika niya. "Sometimes, we have to get use of the pain. Para harapin kung ano ang dapat natin harapin." "Natatakot po ako. Baka magalit siya sa akin." "Mas magagalit siya kapag sa iba pa niya nalaman at hindi mismo sa'yo." Bumuntong-hininga siya. Tama ang Mommy niya. Kailangan niyang magpaalam kay Justin. Kailangan niyang kausapin ito. Dahil sa puso niya, gusto niya itong makita kahit na sa huling pagkakataon. "ANO bang nangyayari kay Nancy Jane? Bakit hindi na yata siya lumalabas ng bahay?" tanong ni Vanni kay Justin. Nagkibit-balikat siya. Maging siya ay hindi niya alam. Ilang beses na niyang tinangka na kausapin ito. Sa personal man o kahit sa telepono. Pakiramdam niya ay sinasadya nitong iwasan siya. "Hindi kaya grounded?" hula naman ni Roy. "Kung grounded 'yun, sasabihin naman niya sa akin." Sagot naman niya. "Baka laging gumagala kasama ng iba pa niyang kaibigan?" hula din ni Ken. "Kung aalis 'yun kasama ang ibang friends niya, magpapaalam sa akin 'yun." Sagot ulit niya. "Tsaka, tayo lang naman ang kaibigan niya sa school o kaya sila Panyang." Napaisip maging ang mga kaibigan niya. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mapansin niya ang tila ba bigla nitong pag-iwas sa kanya. "Baka naman may sakit," ani naman ni Darrel. "Hindi siya sakitin." Sagot na naman niya. Hindi na nagsalita pa ang mga ito. Kung mayroon man na nakakakilala ng labis kay Nancy Jane, siya iyon. Kaya alam niya kung may nangyayaring hindi maganda dito. Ngunit ngayon lang nangyari na halos hindi niya nakakausap ito ng ilang araw. And it bothers him. Pakiramdam niya ay mayroong hindi magandang mangyayari. "O? 'Eto na pala si Nancy Jane eh!" Agad siyang napalingon. Sinalubong niya ito ng may ngiti sa mga labi. Ngunit nawala ang mga ngiti niya nang mapansin na malungkot at tila naiiyak na ito. "Ano bang nangyari sa'yo? I tried calling you, pero lagi ka daw wala." Tanong niya agad. "Ah... May inaasikaso lang kami nila Mommy." Sabi niya. "Okay. Akala ko nagkasakit ka ng hindi ko nalalaman eh." Wika naman niya. Nakahinga siya ng maluwag sa parteng iyon. "I'm okay." Natahimik na ulit ito. Tila ba may nais itong sabihin ngunit nag-aalangan ito. "May problema ba?" tanong niya nang hindi siya nakatiis. "Wala naman. Pero may kailangan akong sabihin sa'yo." Anito. "Ano 'yun?" Naka-ilang beses pa itong bumuntong-hininga. "Nancy Jane," untag niya dito. "I- I'm leaving." Tila isang bombang sumabog iyon sa pandinig niya. Pakiramdam niya ay namutla siya. Si Panyang ang narinig niyang nagsalita. "Ha? Anong ibig mong sabihin na 'you're leaving'? tanong nito. "I'm leaving. For good." Sagot nito. "Magma-migrate na kami sa America." Parang hindi niya nakayanan ang narinig. Tumalikod siya. Ayaw niyang makita ni Nancy Jane ang nangingilid nang luha sa mga mata niya. Hanggang kailan siya iiwan ng mga taong mahal niya? Una, ang mga magulang niya. They've been separated since he was eight. Sa ngayon ay kapwa may kanya-kanya ng mga pamilya ang mga ito. Samantalang siya, naiwan kasama ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya. Si Nanay Leny. Ang tumatayong pangalawang Ina niya. "T-Talaga? Ka-kailan naman ang alis n'yo? Goodluck na lang!" aniya. Nang muli niyang harapin ito ay naka-kunot noo ito. Lungkot ang nababanaag niya sa mga mata nito. Pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman niya. "Iyon lang ba ang sasabihin mo?" tanong nito. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata nito. "Oo naman. Alangan naman pigilan kita." Kaswal na sagot niya. "Ayokong umalis, Justin." Anito. Hindi siya kumibo. Tumawa siya ng pagak. Ilang beses pa niyang kinurap ang mga mata, para hindi tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina pa nagbabadyang bumagsak. "Huwag. Sumama ka sa parents mo." Sagot naman niya. "Pero-" "Kung aalis ka. Umalis ka na." aniya sa seryosong tinig. "Justin-" Hindi na niya hinintay pang may ibang sabihin ito. Basta na lang siya naglakad palayo. Hindi na rin niya pinakinggan ang naririnig niyang pagtawag sa kanyang pangalan. Ang nais lang niya sa mga sandaling iyon ay ang makalayo. Gusto na niyang sanayin ang sarili na wala si Nancy Jane. At sa bawat paghakbang niya palayo, ay ang paglayo din ng babaeng naging malaking bahagi na ng kanyang buhay at ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD