Chapter 12 Matapos kaming magkita ulit ni Demon ay umuwi na nga kami sa apartment ko. At ngayon ay nakaupo lang sya sa sofa habang may towel parin sa ulo nya mula sa katatapos lang na pag-shower nya. Half naked din sya nang dahil sa pinapatuyo nya muna sa dryer ang namantsahan nyang damit mula sa nagkalat na dugo kanina. Samantalang heto ako at panakaw-nakaw na tingin nalang ang naibibigay ko sa kanya. Bwisit. Mahirap mang aminin pero…ANG HOT NYA! Para syang isang male model na nakaupo sa sofa at nagpi-pictorial para sa endorsement ng isang mamahaling towel. Naalala kong tig-singkwenta pesos lang ang hair towel ko na iyon pero bakit sa kanya ay nagmumukha itong mamahalin? Napukaw lang ako mula sa paglalaway sa kagwapuhan na taglay ng bampirang mate ko nang bigla syang tumayo. Itinapon