Chapter 13 Nagising ako noong umagang iyon ng dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na nanggaling sa bintana. I yawn. Grabe, ang dami kong nalaman kagabi. But now that I think about it ay bigla ko nalang naisip na kung ano ba ang dahilan at sinagip nya ang buhay ko noong gabing muntikan na akong mamatay. Nakalimutan kong itanong ang bagay na iyon sa kanya kagabi. Napahinga nalang ako ng malalim. Well, itatanong ko nalang sa kanya sa sunod. Naupo na ako mula sa kama at medyo inaantok pa na napatingin sa paligid. Mukhang hindi natulog sa tabi ko ngayong gabi si Demon lalo na’t napansin ko na hindi nagulo ang katabi kong space na inilaan para sa kanya. Magsimula kasi nang dumating sya sa bahay na ito ay magkatabi na kaming natutulog. At naitatanong nyo siguro kung ano ang pak