Chapter 18 “Remember this young lady. I put that f*****g mark into your neck because I chose you to be my wife. And I didn’t sacrifice everything just to lose you to some annoying, stupid kid” Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Ngayon ay naglalakad na ako sa labas ng school building habang wala parin ako sa sarili kong naglalakad sa daanan na iyon. Naipilig ko nalang ang ulo ko at parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa kung saan nang dahil lang sa naalala ko ang paghalik nya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na hinalikan nya ako. Like, that was my very first kiss! At hindi pa ako prepared nang gawin nya yun! At sa tuwing naalala ko kung paano nya ako hinalikan kanina ay pakiramdam ko ay mas lalong nag-iinit ang buong mukha k