Chapter 7 Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kasama kong naglalakad si Justin pauwi ng apartment ko. I mean, simula first year highschool ay wala na akong ibang hinangad pa kundi ang mapansin nya lang ako. Pero ngayong kasama ko na sya ay pakiramdam ko ay nanaginip parin ako. Parang gusto ko nalang iuntog ang ulo sa mga sementong pader to make sure na hindi nga ako nananaginip. Pero hindi ko naman pwedeng gawin iyon sa harapan ni Justin. Baka pagkamalan pa nya akong nababaliw. Masaya lang kaming nagku-kwentuhan nang bigla kaming napatigil sa paglalakad nang makita namin ang nagkakagulong mga taong iyon. At nakita kong nasa Park sila. “Huh? Ano kaya ang nangyari?” ang takang tanong ko. “Tara, tignan natin” ang yaya naman ni Justin. Kaya tumango nalang ako at sumunod s