Chapter 8 “The number of deaths are increasing everyday as the suspect in the past murders are still on the loose” yan ang sumalubong sa akin ng balita sa TV na nasa harapan ng classroom namin nang pumasok ako. Napataas nalang ako ng tingin at kasalukuyan ngang ibinabalita ang dalawa na namang bangkay na natagpuan kagabi. At katulad ng mga naunang bangkay na nakita namin ay pare-pareho silang may mga kagat sa leeg at mukhang naubos ang mga dugo nila sa katawan. Now that I think about it, nakalimutan kong tanungin si Demon kung may kinalaman ba sya sa mga nangyayari ngayon. "Good morning!" ang biglang pukaw sa akin ni Carlie. Nilingon ko naman sya at ngumiti. “Good morning!” I scan the classroom. Wala din doon si Demon. Saan naman kaya nagpunta ang demonyong s***h bampirang iyon?