CHAPTER 5

2520 Words
"Bakit ka nag mamadali Cass?" tanong ni Dan sa akin.     "I saw Marco in the parking lot. Did you invite him?" mataray na tanong ko kay Dan.     "Actually, I invited him." pag amin ni Mira saka ng pakita ng apologetic smile. I rolled my eyes and sighed very loud.     Yeah. Of course, kailangan pa bang itanong iyan, Cassiedy Pinakiusapan ako ni Mira na pumunta ng Stix. Naging kaibigan ko na din siya kahit sa maiksing panahon ng pagkakakilala namin kaya naman hindi ko siya kayang hindian. Ang hindi ko lang naisip at napag handaan ay iyong katotohanan na sa pakikipag lapit ko sa kanila, mapapalapit din ako kay Jed.     I know now that Dan and Jairus were Jed's friend and collegue. Hindi ako handa na sa ganitong panahon pa kami magkikitang muli. Kung kailan maayos na ako at ang puso ko. Kung kailan malapit ko ng makalimutan ang sakit na naidulot niya sa akin.     "Kaibigan ko din si Marco, Cassie, whether you like it or not. Besides, I thought you didn't care about what he does?" sabi ni Dan.     Inirapan lang niya si Dan. Oo naman! Wala na talaga akong pakiaalam pa sa kaniya. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina. Hindi pa ako handang makaharap siyang muli. Sa bawat pag sasalubong ng landas namin. Palagi na lang niya akong sinusumbatan at sinasabi niya hindi ako nakikinig sa mga paliwanag niya.     Ano bang dapat niyang ipaliwanag? Maliwanag sa akin ang lahat na pinag laruan lang niya ang damdamin ko. Maybe he's too eager to bring back his ego up kaya niya pinapalabas na ako ang may kasalanan ng lahat.     "Whatever." I said and kept silent. Naiinis ako sa mga tingin na ipinupukol nilang lahat sa akin lalo na ng tuluyan ng lumapit si Jed sa mesa namin at madilim ang mukha.     For sure, hindi magiging maganda ang dinner na ito for them.     "Wala ka ng space dito." I blurted up with my sarcastic smile.     Nakita kong humatak ng empty chair si Jairus and gestured him to use that. Tinignan lang niya ako ng nakakaasar na—sorry-to-disappoint-you—look kaya inirapan ko siya ng todo.     Isinantabi ko ang lahat ng pagkakaiba namin ni Jed ng oras na iyon. Marunong naman akong mahiya at huwag mag-spoil ng araw nila Jairus at Lexie. Masaya akong nakikinig sa mga kuwento nila. Hindi ko inakalang magkakaroon ako ulit ng magandang insite sa love sa tuwing nakikita ko ang mga love birds na ito.     "Nag rereklamo yang si Jairus sa ka-sweet-an namin ni Miranda, eh mas grabe pa pala siya. Tignan niyo yung mata. Parang heart-shaped na oh!" alaska ni Dan kila Jairus at Lexie na sobrang ikinatawa namin.     Mas lalo pang lumakas ang kantiyawan ng halikan ni Jairus sa lips si Lexie at talagang nag blushed naman ito ng todo. Sobra akong kilig sa ginawang iyon ni Jairus. I can't help but wishing, na sana katulad ni Lexie, makita ko din ang soulmate ko in the future.     They step-up to their friendship at maganda naman ang naging resulta dahil pareho nilang mahal ang isa't-isa.     "You were looking good together," I said with a dreamy eye on my face.     "T-thank you." Lexie said shyly. Binigyan ko ng isang ngiti si Lexie habang nakikipag tawanan ito kila Mira at Dan ng biglang magsalita ang bakulaw.     "It won't work," Jed said from the end of the table kaya napatingin ang lahat sa kanya, except me.     "Don't get me wrong, Lexie, you two are a good pair, but eventually you two are going to fall in love, tapos pag may di mapagkasunduan, mag de-desisyon kayong dalawa na maghiwalay. So bago pa yon mangyari, bago niyo pa masaktan ang isa't-isa. Do yourself a favor and get out now." he said pero feeling ko mas sinasabi niya iyon hindi para kila Jairus at Lexie dahil nararamdaman ko na ang init ng titig niya ay nasa gawi ko. Hindi ako halos makahinga kung magsasalita ba ako at sasagutin ang mga paratang niya sa akin dahil clearly, in my normal state, hindi ako ang tipo ng magpapatalo lang.     But Hell, he is Jed Marco Lopez. He is an exceptional sa lahat ng naitatak ko na sa isip at puso ko. And he knows how to rip my heart out.     "Sorry for ruining the evening, I should go." nakita kong tumayo ito after niyang ubusin ang beer niya. Biglang tumayo sila Dan at Jairus para sundan ito so we us girls were left in the table.     "Anu bang problema nun?" tanong sa akin ni Mira.     "Ewan ko. Baka nag me-menopause na yung lalaking yon." kibit-balikat kong sabi.     "I... I think he's hurt, Cassie." Lexie said. Napakagat ako ng labi para ipanatili ang mga dapat na ibaon na alaala. Hindi siya dapat masaktan sa nakikita niya kay Jed.      Napahugot ako ng malalim na hininga.     "What we had was finished for a very long time." sinubukan kong gawin kaswal lang ang pagsasalita,"We tried, pero dahil na din sa indifferences namin. Nauwi kami sa wala." dagdag ko.     "Wala na bang pag asa si Marco, Cass?" Miranda asked me. Hindi ako umimik.     Papaano ko ba ipagtatanggol ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman ginawa. Para sa kanila, Jed was a perfect man. At ako ang kontrabidang pakipot.      "Give him another chance Cass. He's a mess. He needs you." dagdag ni Lexie sa sinabi ni Mira.     I soften my face and nodded para matigil na lang ang pag iintriga nila sa nakaraan namin ni Jed Pero ng dumating sila Dan at Jairus.     "Mukhang kailangan ni Marco ng company. Lexie, puwede mo bang samahan muna si Mira?" hingi ni Dan ng pabor kay Lexie ng um-oo si Lexie saka naman siya nag baling ng tingin sa akin.     "Want us to give you a ride home?" tanong ni Dan sa akin. He is a perfect gentleman kahit pa alam kong nasira namin ni Jed ang gabi nila Jairus at Lexie.     Natawa na lang akong napailing.     "Hindi na. Pupuntahan ko na muna si Amanda. Thanks though." saka tumayo at nag paalam sa kanila.     I never belonged here. To have them as my friends. Dahil patuloy lang silang mag uumpugan sa pagitan namin ni Jed. And no matter what happens, they will choose Jed.     At ako. I always intend to be alone.       HABANG naglalakad sa aisle si Lexie suot-suot ang napaka gandang wedding gown at habang tutok ang mga mata nito kay Jairus na siyang nag hihintay sa kanya sa dulo ng altar hindi ko mapigilang hindi maiyak. Jairus took chance on their love kahit alam nilang pareho ang kahihinatnan ng lahat and I respect Jairus for being such a good man. Bihira na ang mga lalaking nags-stand out para ipag laban ang mahal nila.     Sa kabilang dulo naman ay bigla na lang nahanap ng mata ko si Jed, looking dashing on his three-piece suit. Seryoso ang pag kakatitig niya sa akin kaya agad ko namang iniiwas ang mga mata ko sa gawi niya at sinubukang i-focus ang isip sa nagaganap na kasalan.     After the seremony, humingi na ako ng paumanhin para mauna ng umalis sa bagong kasal. Idinahilan ko na lang na may maaga akong photoshoot bukas. Pero ang totoo, pilit lang akong umiiwas kay Jed.     Tuluyan na nga akong nakahinga ng maayos ng makalabas ako sa reception pero lahat ng ayos na pintig ng puso ko ay naging biglang nagloko ng makita ko si Jed sa gilid ng kotse niya, nakapamulsa at mataman na nakatitig sa akin.     Sinubukan kong maging kalmante at nilagpasan siya ng bigla niyang higitin ang braso ko.     "Why, leaving so soon, baby?" napapikit ako ng maramdaman kong tumindig lahat ng balahibo ko sa batok sa pag sasalita niya sa gilid ng tenga ko.     "Let go of me, Jed." matatag kong sambit pero habang tumatagal ay mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko, "Nasasaktan ako, Jed." hinarap ko siya at nakita ko naman ang paglambot ng mukha niya ng marinig niya ako.     Alam kong alam niya ang pinakahulugan ko ng salitang iyon. Nasasaktan ako na makita siya, nasasaktan ako dahil naaalala ko ang lahat ng panloloko niya, at nasasaktan ako dahil kahit na sa tagal ng panahon, hindi ko siya nagawang kalimutan.     "Why you hated me so much? Hindi pa ba sapat ang sakit na pinag daanan ko para mapatawad mo, Cassie?" mapag kumbaba niyang tanong sa akin.     "You're drunk Jed. Umuwi ka na." mapanganib ang mga tingin ni Jed sa akin ngayon at hindi ko ito nagugustuhan, marahas niyang ikinulong ang mukha ko sa palad niya.     "I need to be drunk just to confront you, baby. Pinapatay mo ako ng paulit-ulit sa tuwing iniiwasan mo ako. I need to be drunk just to say to you how sorry I was for hurting you." Garalgal ang boses nitong sabi.     "J-jed... please... stop." iniiwas ko ang mukha ko dahil baka kapag hindi ko pa nagawa iyon, patuloy na akong maniwala sa sinasabi niya. Mahirap kalabanin ang puso, dahil sa ngayon nagiging traydor ito dahil gusto nitong patawarin ang taong nanakit sa kanya.     "I just want to explain my side, baby. Please, nag mamakaawa ako. Hayaan mo akong magpaliwanag." tutok na tutok ang mga abo niyang mata sa akin at unti-unti niyang nilulunod ang pagkatao ko sa mga titig niya na iyon.     "J-Jed... I can't—" He didn't let me finish what I was saying because he kissed me hard na ikinasinghap ko ng malakas dahil hindi ko nagawang pigilan siya sa kapanganasan niyang ginagawa.     "Yes, you can, baby... you can," he whispered above our lips as he tastes my inside with his tongue at tuluyan ng bumigay ang puso kong tanga sa kanya.       MABIGATman ang pakiramdam ko pero kailangan kong maging professional at gawin ang gusto ng client ko. At iyon ang humingi na naman ng appointment kay Jed para sa cover ng magazine namin.     Humigit ako ng malalim na paghinga bago ako tuluyang pumasok sa hospital, praying that I will make this appointment easier at hindi mag krus ang landas naming dalawa.     "Jairus..." Nakita ko si Jairus sa lobby ng hospital kaya natuwa naman ako agad, matagal ko na din siyang hindi nakita at nabalitaan ko na lang na nag pirmi na nga siyang talaga ulit sa isang lugar, pero ng makita ko ang pait sa mukha niya at napansin ko din ang babaeng tumawag sa kanya, para akong nakakita ng multo.     Holy s**t! She was really a replica of Lexie, pero mas maganda lang ito talaga.     "Hey. You're back." narinig ko ang lamig sa boses ni Jairus and I sensed that these women were making Jairus a hard time. And I hated it. "You looked good. Tumaba ka ng kaunti. He takes care of you a lot huh?!" I rolled my eyes when I heard what Jairus had said at napailing. Kailan ba matututo itong gagong ito para huwag magpakamartir?     Kaya nga ba ayokong pumasok sa kahit na anong relasyon eh. Dahil hindi ako ang tipo ng babaeng magpapakatanga alang-alang sa pag ibig. Lalo na kung alam kong sa iniikutan kong mundo ngayon, wala ng lalaking magiging tapat. Pero Jairus, Dan and Jake were the exceptions. Nakikita ko lang kasi kung gaano nila kamahal at nirerespeto ang mga babae.     "It's nice to see you both. I have to go." saka siya tumalikod sa kanila ng habulin siya ng babae.     "Jairus sandali!"     Damn you Jairus! Hindi ka pa rin marunong lumaban!     Sa oras na iyon alam kong kailangan ng karamay ni Jairus kaya hindi na ako nag dalawang isip pa na ibangon ang pride na alam kong iyon na lang ang natitira sa kanya.     "Jai!" napalingon naman agad si Jairus ng marinig ang boses ko. Excited akong lumapit sa kanya at yumakap at pagkakuwan ay ikinulong ko ang mukha nito sa mga palad ko, "I missed you." masaya kong sabi at walang sabi-sabing hinalikan siya sa gilid ng labi niya.     "Damn it! Cassiedy! What was that for?!" hinawakan niya ako sa magkabilang braso at marahang inilayo sa kanya.     "I saved you from being humiliated by Lexie's twin. Gosh! She's so like her. I thought Lexie came up to the grave." pinanlakihan ko siya ng mata ng mahagip namin ang mapait na tingin sa amin ng babaeng kamukha ni Lexie.     Napangiwi naman si Jairus saka napahawak sa noo nito, "Papatayin ako ni Marco sa ginagawa mo eh." galit niyang sabi sa akin kaya naman napanganga ako at na-conscious, "Does he knows that you're back?"     Kimi lang akong umiling habang palinga-linga ako sa paligid. Ayokong makita niya ako dito sa malapit. Nakuha naman siguro agad ni Jairus ang alalahanin ko kaya inaya na niya ako sa kanyang clinic.     "Ikaw lang ba mag-isa ang dumating dito?" I just bit my lip at atubiling napatango. Alam niya ang sikretong itinatago ko but then, naging mabuti siyang kaibigan sa akin kagaya ng pagiging mag kaibigan nila ni Jed. Pero ayokong sumubok. Ayokong sumugal.     "Namiss ko kayong lahat dito. Na-miss ko si Amanda—"     "At si Marco." natahimik ako ng idugtong ni Jairus ang pangalan nito. Inirapan ko siya para lang pag takpan ang kaba ko.     "Masama bang bisitahin kayo dito ng hindi ikinakabit ang pangalan ng lalaking iyan sa akin? I mean, you're my friend, Jai." ginawan ko siya ng kape at mabuti na lang may bitbit akong pastries and cupcakes. Balak ko kasing bisitahin si Jaz pag uwi pagkatapos ng lalakarin ko ngayon. I placed a platter of sweets sa desk niya.      "You're eating sweets?" salubong ang kilay na tanong nito sa akin.     Sumubo ako ng isang malaking tiramisu chocolate cake bago nag salita, "Anu namang masama?" naging favorite ko na ang sweets mula ng dumating si Jaz sa buhay ko. I even managed to let myself enrolled in baking school para lang maipag-bake siya ng masasarap na sweets na paboritong-paborito nito.     "Modelo ka hello? Eating sweets is not in the modeling 101." Nag quote and unquote sign pa ito habang patamad ko siyang tinignan.      "Hindi naman ang pag sermon mo ang ipinunta ko dito Jai, kundi ikaw dapat ang sermunan ko. Anu bang ginagawa mo sa sarili mo at hinahayaan mong guluhin kayo ng soulmate mong look-a-like ng ex-wife mo ng lalaking iyon? Halata namang nasaktan siya nung makita niya tayo kanina."     Marami pa kaming napag usapan ni Jairus. Tungkol sa naging buhay namin. After Lexie died, pakiramdam ko nanumbalik na naman sa akin yung sakit ng mamatay si Phyllis. Bumalik ulit yung sakit ng lokohin ako ni Jed.     Ang magandang naidulot lang ni Jed sa akin ay ng dumating si Jazsmine sa buhay ko. Ang isang gabing kapusukan namin at galit sa isa't-isa tatlong taon na ang nakalipas ay siyang magdudulot ng malaking saya at buhay sa akin.     Hanggang ngayon, malinaw pa sa isip ko ang lahat ng pangyayaring iyon. Mapait akong napangiti dahil ang gabing iyon ang pinakamasaya at pinakamasakit na gabi sa buhay ko. Akala ko masakit na iyong lokohin niya ako pero may mas isasakit pa pala.     Napakurap ako ng ilang beses saka ako ngumiti sa sekretaya ni Jed ng tuluyan na niyang maayos ang appointment na hiningi ko sa boss niya. Naglalakad na ako palabas ng ospital at ngumingiti sa mga taong bumabati sa akin. Kahit papaano, kilala pa rin pala ako ng mga tao bilang isang sikat na rampmodel noon.     Isang ngiti pa ang ipinaabot ko dun sa bumati sa akin kaya hindi ko nakita ang dinadaanan ko ng bumangga ako sa isang matigas na bagay. Feeling ko naalog ang utak ko sa impact ko na iyon.     "Sorry." hindi ko namalayang sagot habang hinihilot ang ulo ko pero ng maging malinaw sa akin ang paningin ko at nakita ko kung saan ako bumangga, parang gusto ko ng panawan na lang ng malay.     Hindi ano, kundi sino?     "J-Jed."                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD