"Kade, hindi ka ba papasok ngayong araw?" mahinang tanong ni Oly, nakahawak siya sa may pintuan habang alalang nakatingin kay Kade. Hindi pa ito bumabangon mula kahapon. Hinahatiran niya lang ng pagkain at kung minsan ay hindi pa ginagalaw. "Hindi kita nakilalang ganyan." Bumuntong hininga na si Oly habang napipikit nang mariin. "Sabi nila matalino ka, kaya mong lampasan kahit anong problema na dumarating sa kumpanya–" "Personal na 'to, Oly." Hinang-hinang bumangon si Kade paharap sa dalaga. "I can't afford to lose you," seryosong dagdag nito habang nakatitig mabuti sa mga mata ni Oly. Unti-unting nalusaw ang puso ni Oly. Ngayon lang may nagsabi ng gano'n sa kanya. Pakiramdam niya ngayon ay may nagmamahal na sa kanya, na nakahanap siya ng isang tao na magpapahalaga sa isang tulad niya