"Aray, dahan-dahan lang." Kusang tumigil si Oly sa pagdampi ng cold compress sa mukha ni Kade. Nakita niya kung paano ito uminda habang nilalayo ang mukha. Hindi niya inaasahang sasaktan ito ng sariling mga magulang. Dati akala niya mabait ang mga Cuevas. Natutuwa pa nga sila noong nadala ulit niya si Kade dati sa hospital. Kakaiba ang naramdaman ni Oly noong mga oras na 'yon. Ramdam niya pa hanggang ngayon ang mabagal na pagtapik ng daddy ni Kade sa balikat niya. Nag-aalalang tumahimik si Oly nang agawin ni Kade ang hawak niyang cold compress. Ang binata na ang kusang naglapit no'n sa sariling mukha at marahan pa ring iniinda ang sakit. "Gusto mo ba i-kiss kita? Baka gumaling 'yan sa halik ko," pabirong tanong ni Oly na tinawanan ni Kade. "Bakit?" Natawa rin si Oly. "I told you I'm f