"Uminom ka muna." Kanina pa siya sinusuyo ni Kade. Binabaan siya nito ng coke in can bago tumabi sa kanya na mabilis niyang nilayuan. Umupo siya sa kabilang bench ng park kaya hindi mapigilan ni Kade na pikong mapangisi. "What's your problem?" Inis na ang tono ni Kade pero hindi pa rin nagpatinag si Oly. Tumayo pa siya saka muling lumakad, iniwan ang inabot sa kanya ni Kade na coke sa bench. "Oly," pabantang tawag ni Kade. Huminto naman ang dalaga. Akala ni Kade ay haharapin na siya nito pero salit na makipag-usap ay tinanggal lang ni Oly ang sira niyang heels. Magkabilang paa niya itong hinubad saka dinala bago muling lumakad. "Hindi ka pwedeng lumakad nang ganyan." Sumunod ulit si Kade na nai-stress na. Hindi niya talaga maintindihan kung minsan si Oly. Para 'tong system na ang hi