ANAIS / ATARA P.O.V Agad akong napabalikwas ng upo sa pagakakatulog dahil sa gulat. Walang hiyang panaginip. Napanaginipan ko lang naman na nahulog ako sa mataas na building damn. Napasapo ako sa aking ulo at naalala na nasa pagamutan pa pala si Clementine agad akong tumayo at lumabas. Paglabas ko ay walang kataotao. Naglakad ako ng mabilis makarating lang sa paggamutan. "Ngayon ko lang nakita na ngumiti ang Emperor dahil lamang sa isang paslit." Napatigil ako dahil sa sinabi ng isang katulong. Nabaling ang attention ko sa kanila at naglikinis ang mga ito. "Oo nga kahit pala masamang damo may magpapalambut rin nito." Napapailing na tugon ng isa. "Nako! ang saya nilang pagmasdan sa garden." Lumihis ako ng daan upang maka punta sa garden. Pagdating ko ruon ay nakita ko kung paano naki