ANAIS / ATARA P.O.V Pinagmamasdan ko ngayon si Clemetine, ang himbing ng tulog niya habang naka higa sa higaan dito sa paggamutan ng palasyo. She's been sleeping for hours and I'm f*****g worried. Hindi ko batid kung papaano siya napunta rito sa pagkakaalam ko kasama niya ang kanyang tita at tito Liam. Mapapatay ko ang dalawang 'yon dahil pinabayaan nila ang batang 'to. Bumukas ang pintuan at kahit naka talikod ako ay alam kong si Izaak 'yon. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang naka talikod sa gawi niya at nanatili ang tingin ko sa batang mahimbing na natutulog. "I just want to check on you," mahinang sambit nito at naramdaman ko ang paglapit niya sa likod ko at naramdaman ko ang kanyang katawan. He's back hugging me. "Gusto ko lang sabihin na hindi kita papakawalan kahit may