ANAIS / ATARA P.O.V "Pasensiya na ginoo," paumanhin ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya hindi sinasadyang mabangga ko siya. "Saan ka papunta, binibini, ngayon lang kita nakita." Tanong nito sa'kin. "Tagapagsilbi lang ako ng Emperor, pinayagan ako ng Emperor na mag libot sa bayan na 'to habang siya ay papunta sa kanyang kaibigan na isang Duke." Saad ko rito. "Kung ganon, hayaan mo akong samahan ka at ilibot sa bayan na 'to upang hindi ka mawala, sasamahan rin kita papunta ng Han mansion pagkatapos nating mamasyal." Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanyang likod habang nag sasalita. "Sige." Sagot ko rito, dahil mukhang maganda kong may kasama akong mamamasyal sa buong lugar. "Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang n