ANAIS / ATARA P.O.V "What are you doing?" Kahihiyan ang inabot ko nang bigla akong matapilok habang naka sunod kay Izaak. Papunta siya sa emperyo ng Han. Kung saan pinamumunuan ng isang Duke na hindi ko pa kilala. Sa pagkaka-alam ko kaibigan ni Izaak. Nawala bigla sa isip ko ang pagiging tanga ko, naka hawak lang naman ako sa kanyang damit upang hindi ako tuluyang matumba. Hinila niya ang kamay ko upang maka tayo ako ng maayos. Agad naman akong napayuko dahil sa kahihiyan na 'yon. "Pasensya na, hindi ko sinasadya." Mahinang dahilan ko. "Be careful next time, I hate stupidity." Tumalikod 'to at nag lakad ulit. "Stupid, ang pangit naman," mahinang bulong ko at inambahan pa ng suntok habang naka talikod na naglalakad. "I heard that," napatahimik ako at sumunod na lang sa kanya ng tahi