LILITH P.O.V Napahigpit ang hawak ko sa suot kong dress habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Nakikita ko kung paano nagsisilabasan ang mga ugat sa leeg ko at kung paano umitim ang kabilang mata ko. "Hindi nila pweding malaman na isa ako sa mga taong kumakain ng kapwa nila tao!" Galit kong saad habang nakatingin sa sarili kong refelection. Hindi ko ginusto ang nangyaring 'to. Kung hindi dahil sa pagpupulong na 'yon noon hindi ako makakagat ng isa sa mga Zombrine na 'yon. Pilit kong kinocontrol ang sarili ko upang pigilang ma-uhaw sa mga taong nakakasalamuha ko sa palasyong 'to. Sa t'wing may malapit sa'kin pakiramdam ko gustong gusto ko silang sakmalin. Hindi ko nakikita ang sarili kong kumakain ng kapwa ko tao hindi kaya ng bituka ko pero ang dugo't laman ko ay naghahanap ng kak