ANAIS / ATARA P.O.V Hindi ko alam pero subrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapatakbo ang kabayo. Halos paliparin ko na ang kabayo makarating lang sa palasyo ng Goryo. Pagdating ko roon ay agad kong hinawakan ng mahigpit sa mga bisig ko si Clementine at tumalon pababa ng kabayo. Maraming nakakita sa ginawa ko pero wala akong pakialam sa kanila ang gusto ko lang ay madala sa pagamotan ang makulit na batang 'to. Alam kong mahina pa ang katawan nito dahil sa ginawa sa kanya ng amgaling kong kapatid pero talagang matigas ang ulo at sinundan pa ako sa capital ng goryo. Naghahanap talaga siya ng sakit sa katawan. "Gamutin n'yo siya at siguraduhin n'yong maayos n'yong gagamotin ang anak ko kung hindi dadanak ng dugo rito!" Giit ko at agad na nilapag sa higaan si Clementine. "Masusun