Chapter 4 rehistro

1303 Words
Arthur pov “Girls,” napatingin sa amin ang tatlong babae. Na masayang nagkukuwentuhan huminto lamang ang mga ito ng magsalita si Jake. “Girls, ang mga kaibigan pala namin ni Carlos si Elvo, Vince at si Arthur.” Pagpapakilala sa amin ni Jake. “Guys, si Rica, Yolly at si Analyn!” pagpapakilala naman ni Jake sa tatlong babae. Nakipagkamay ang dalawa babae sa amin ngunit ang isang babae na ang pangalan ay Analyn hindi man lang nag abala tumayo. Pinagmasdan lamang kami. Kung hulaan nila ang edad ng mga dalaga ay nasa twenties lamang, hindi niya maiwasang mapailing dahil iba na talaga ang kabataan ngayon. Walang ginawa kundi mag party o pumunta sa mga exclusive na bar lalo na kapag anak mayaman at nakikita kong mga anak mayaman ang tatlong dalaga. “Jake!” Tawag nila sa kaibigan lumapit naman ito sa gawi nila. “Bakit? Usal nito habang nagtatanong ang mga mata. “Sila ba ang sinasabi mo? Bulong na tanong ko. “Yes,” sagot naman ni Jake. “Mukhang bata pa ang mga ito, gusto mo bang ma child abuse tayo?!” Seryoso tanong naman ni Elvo kay Jake. “Ano ba naman kayo kapag nasa edad twenty ay legal age na, pati huwag kayong mag alala yung nasa gitna lang ang pumayag. Saka fake marriage lang naman ito gagawin natin?!” Saad pa ni Jake. “Isang games, ‘yun lang.” Ani pa nito. Napatingin pa ako sa babae nasa gitna at hindi ko maiwasang mapangiwi, dahil mukhang galing pa yata ito sa burol sa suot nitong itim na itim mula ulo hanggan sa paa pati nga ang lipstick nito sa labi ay black rin. At sigurado kapag may nalaglag na butiki sa uluhan nito ay panigurado mawawalan ng buhay dahil sa style ng buhok ng dalaga. “Jake, sure ka ba na walang lahing mangkukulam ang babae nasa gitna?!” Pabulong naman na tanong ni Vince sa kanilang kaibigan. “Sss,,, manahimik nga kayo. Anong mangkukulam sinasabi mo?!” Saway ni Jake kay Vince. “Tingnan mo kasi ang suot. Parang hindi siya galit sa black?” Turan pa ng kaibigan nila. “Wala akong lahing mangkukulam, pero aswang meron. Gusto ‘nyo ma try!” Mataray na turan ng babae at tumayo ito sa pagkakaupo. “Huwag kang, magalala kung may lahi mangkukulam ako ikaw ang uunahin ko. Masyado matabil ang bibig mo ‘eh.” Sambit pa ng dalaga sa kanilang kaibigan. Sabay irap rito. “Sino,ba sa kanila ang gusto ng fake marriage?” Masungit pa nitong tanong kay Jake. Napatingin naman sa akin si Jake sabay turo nito. “Siya,” Tumingin naman ang dalaga sa aking at nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko mawari kung bakit ganon na lamang ang bilis ng pagtibok nang puso ko, ng pagmasdan ako nito mula ulo hanggan paa. Kaya hindi ko maiwasang mapamura sa aking sarili. “s**t, anong nangyayari sa akin?!” Anas ko sa aking isipan. Jake,” tawag ko sa aking kaibigan, lumapit naman ito sa akin. “Huwag na lang kaya, natin ituloy ang games na ito!” Wala sa loob na sabi ko rito. Napakunot naman ang noo nito at ang mga matang nagtatanong. Naglapitan naman ang iba kong kaibigan. “Kaya nga, Jake nakakatakot. Yung isang babae eh,” usal naman ni Elvo at Vince. Magsasalita pa sana si Jake ng marinig namin ang pagsasalita ng dalaga kaya sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ng mga ito. “Ano itutuloy pa ba natin ito. O mag chismisan na lamang kayo?!” Nakataas kilay na pagtatanong ng dalaga at nakapamaywang pa ito. “Dude, mukhang matapang, huwag mo ng ituloy baka maging under ka lang kapag yan ang napangasawa mo?!” Pabulong na wika ni Vince sa akin tenga. “Oo, nga!” Sang ayon naman ni Elvo. Napapaisip rin ako kung itutuloy ko pa ba ang kalokohan na games ni Jake. Lihim na lamang ako na buntong-hininga at nasabi ko sa aking sarili na fake lang naman ito at ako rin naman ang may gusto ng kalokohan na si jake ang nag isip. Nakita ko na lamang ang aking sarili na pumirma ng marriage certificate na dala ni Jake at naging saksi sa Fake marriage namin ay ang kaibigan ko at pati na rin ang mga kaibigan ng dalaga nakisali na rin sina Bryan, Erickson, Luis at William kasama ang mga asawa ng mga ito. "Oh, wala bang kiss 'Diyan!?" untag ni jake sa aming dalawa. Masamang tingin naman ang ibinigay ng babae sa aking kaibigan. "Fake, lang 'yan kaya hindi na kailangan pa ng kiss." malamig na turan nito. “Grabe, may kasalanan na palang nagaganap rito hindi namin alam,” natatawa wika ni Bryan. “Kakaiba rin ang trip niyo, no?!” Natatawang wika ng asawa ni Bryan na si Sandy. "Oh, sige Bye na." paalam ng babae. kahit huwag ninyo na ako bayaran ayos lang game's lang naman eh. Sige mauna na kami,” sambit ng dalaga pagkatapos nitong pirmahan ang papel. Magsasalita pa sana ako ng nagmamadali na umalis ang mga ito. Napapailing na lamang ako sinundan ng tingin ang babae. Jake pov. “Gelai,” tawag ko sa aking secretary habang sa intercom para papasukin ito sa loob ng opisina. Wala Pang ilang saglit ay may kumakatok na sa loob ng aking opisina. “Sir!” Bungad na wika nito. Hindi na ako nag abala pang tumingin rito dahil nakatutok lang ang mga mata ko sa monitor ng computer ko. Dahil may pinag aralan pa ako na ibang kaso. "Yes, sir may kailangan po ba kayo?!" pagtatanong nito ng hindi ako nagsalita. “Yung, bang mga married certificate ay nagawa mo na bang ipasa sa munisipyo para iparehistro, noong nakaraang buwan ko pa 'yun inutos sayo? Pagtatanong ko rito. “Opo, sir tapos na po, yun at sigurado po akong nakarehistro ang mga 'yun sa Munisipyo at nasa PSA na ang lahat ng marriage certificate na ibinigay ninyo noong nakaraang mga buwan pa." Sagot pa ng aking secretary. “Good’s!” Anas ko rito. “Ay sa nga po pala, sir sinama ko na rin po pala ‘yung isang married certificate na nakahiwalay.” Sambit nito sa aking. Kusa akong natigilan sa sinabi ng aking secretary. Napakunot ang noo na bumaling ako rito. “Anong sabi, mo?” Kumamot naman ito sa gilid ng kilay bago sumagot sa aking tanong. “Sir, ang sabi ko sinama ko na rin po ‘yung isang envelope, na naglalaman ng isang married certificate.” “Nagchat po ako sa inyo na kung isasama ko rin ba ‘ang nakahiwalay na envelope ang sagot ninyo oo!” “Kaya, siguro po akong nakarehistro na rin po ‘yun ngayon.” Ani pa ng aking secretary. Napahilamos ako sa aking mukha habang nakatingin sa secretary ko. “Bakit, ginawa mo ‘yun?!” Galit kong sigaw habang nakatitig sa aking secretary kulang na nga lang kainin ko ito dahil sa sobrang galit nararamdaman ko. “Alam mo ba ang laki ng gulo na ginawa mo? Galit kong turan rito. “Sir, tinanong ko po kayo kung kasama rin ba ng envelope na nakalagay sa ibabaw ng table mo. Ang sagot mo sa akin ay “Oo!” Pilosopo sagot nito sa akin. “Kaya bakit kayo, magagalit sa akin kayo ho ang may kasalanan.” Saad pa nito sa akin. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil sa sinagot ng aking secretary. "Ano'ng, gagawin natin sigurado magagalit ang mga kaibigan ko kapag nalaman nilang kasal na sila." Nasabi ko pa. "Aba, malay ko bakit ako ang tinatanong ninyo." anas naman ni Gelai. "Eh, kasi sir, bakit ginagawa ninyong laro ang kasal. hindi pwede ganon kasi isang sigrado at banal ang kasal na ginagawa lanang ng dalawa tao nagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD