chapter 5 Ninong Sancho Acosta

1299 Words
Arthur pov “What…!” “Ano…!” Sabay-sabay namin tanong kay Jake… Nagpatawag kasi ito ng emergency meeting na kaming magkakaibigan dahil may problema raw kaya narito kaming lahat sa bar ni Vince. Hindi ko mapigilan tumaas ang boses ko dahil sa sinabi nito. Nakarehistro na ang married certificate na pinirmahan namin dahil sa games na si Jake ang nakaisip "Ulitin, mo nga ang sinabi mo?! ani ko pa aky Jake. “Pinagloloko mo ba ako, Jake?!” Galit ko sambit rito. “Bakit, naging gano'n Jake?” Gigil na turan naman ni Elvo tulad ko ay naiinis rin ito sa nalaman. Sino ba ang hindi magagalit kung malalaman mo ang fake marriage certificate na pinirmahan namin ng dalaga nakilala ko sa bar ay naging tunay dahil nakarehistro na raw ito sa munisipyo at sigurado naroon na rin ito sa PSA “I'm really sorry, Arthur, Elvo,” paghingi nito ng sorry. “Hindi ko naman, talaga kasalanan ito kundi ang baliw kong secretary siya ang nagparehistro malay ko ba pati ‘yung nakahiwalay na envelope ay isinama niya para ipadala sa munisipyo at mapunta sa PSA” Katwiran pa nito. “At talaga secretary mo pa ang sinisisi mo?!” Seryoso saad ni Elvo kahit ito nagagalit din dahil pati ang married certificate na pinirmahan nito ay kasama rin kaya ang ending kasal na silang dalawa sa mga babae na hindi nila nakilala. "Ganon-ganon lang yun? sorry lang!" nagtitimpi galit ni Elvo. "Jake, naman paano kaming dalawa ni Arthur? "Pinatulan ko ang Games na sinasabi mo dahil, nangako kang hindi marehistro ang lintik na papel na 'yan." nakataas boses ni Elvo. "Huminahon, muna kayong lahat." ani Ni Bryan. "Bryan paano kaming hihinahon ni Arthur." ani pa nito. “Ano'ng ba dapat, nilang gawin Jake? Tanong ni Bryan habang nakatitig ito kay Jake. "Alam, naman nating walang divorce rito, sa pilipinas." Saad naman ni William. “Kaya hindi ako sang ayon, sa pa games na naisip ni Jake. Dahil ramdam ko may iba mangyayari.” Ani ni Vince. “Hindi ko alam,” sambit ni Jake. “Ano'ng hindi mo alam?!” Galit ang boses na wika ni Elvo. “Sa isang iglap lang nagkaroon na agad ako ng asawa. Hindi ko nga kilala ang babaeng na pumirma sa lintik na marriage certificate na ‘yan.” saad pang muli ni Elvo. “Hala galit ka?” Parang nang aasar pa wika ni Jake kay Elvo na hindi alintana ang galit nito. “Aba, Jake ano gusto mo reaction nina Elvo at Arthur? Magtatalon sa tuwa?!” Saad naman ni Martin. “Ayaw ninyo ba ‘yun may asawa agad. Kayo ikaw Arthur hindi ka na maiingit kina Bryan dahil meron kana asawa!” Nakangisi turan nito sa akin. “Tanga,” sambit ni William kay Jake at nakatanggap ito ng malakas na batok mula sa kaibigan nila. “Parang ang saya mo pa, ng may asawa na agad ang dalawa ‘yan?!” Usal pa ni Luis. “Eh, sila naman kasi ang may kagustuhan non na mag asawa sila. Saka bakit ba ako ang sinisisi rito ‘yun secretary ko pakialamera ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung bakit sa isang iglap lang ay may asawa na agad ang dalawang ‘yan.” Pangangatwiran pa ni Jake. Na hindi alintana ang nagawa nito. “Kanino ba secretary si Gelai?!” Pagtatanong naman ni Erickson. “Sa akin!” Sagot naman ni Jake. “Oh, ikaw ang responsible sa kasalanan ng secretary mo? Bakit kasi hindi mo na lang itinabi o pinunit ang fake marriage na’yon? Sambit pa ni Elvo. Nanatili lang ako tahimik dahil hindi ko lubos maisip na meron na agad ako asawa dahil lang sa games na ginawa ni Jake. “Huwag na nga tayo, mag talo-talo tanungin na lang natin ang dalawa kong ano gagawin nilang hakbang.” Saad ni Bryan sa kanila. “Nako, Arthur kung ako sa'yo. Hiwalayan mo asawa mo?” saad ni Vince. “Bakit naman?!” Nakakunot ang noo tanong ng iba nilang kaibigan. “Kasi naman, hindi mawari kung may lahi ba ‘yung mangkukulam o aswang! Nakita ninyo naman noong nasa bar grabe ang itsura ng babaeng ‘iyon diba?!” Anas pa ni Vince. “Grabe, ka naman hinusgahan mo agad ang asawa ni Arthur. Baka ganun lang talaga mag damit ‘yun.” Ani naman ni Carlos at Martin. “At huwag kang ano anak ni Senator Sancho Acosta ang asawa ni Arthur.” Sambit pa ni Jake sa kanila. Natigilan ako sa nalaman kay Jake. “Anong sabi mo?” Napakunot noo ang sinabi ko rito. “Anak ni Senator Sancho Acosta, ang dalaga pumirma sa marriage certificate?” ulit kong tanong rito. “Yes, tama ang narinig mo Arthur,” saad pa sa akin ni Jake. “Bago ako pumunta rito, pinaimbistigahan ko na ang mga asawa ‘nyo pati ang background nila.” “Ang asawa mo Elvo ay isang doctor sa public hospital. Broken heart ito kaya nasa bar at nag lalasing, nasisiguro ko rin na hindi alam ng asawa mo Elvo na kasal na siya sa iyo.” Saad ni Jake kay Elvo at may inabot na envelope rito. “Ikaw naman, Arthur ang asawa mo ay isang fashion designer, kasalukuyan may sarili clothing shop business. Ngunit hindi alam ng ama nito ang alam ng tatay ni Analyn ay sakit sa ulo ang anak niya. At hindi nagtapos ng pag aaral sa edad nitong twenty two years old ang alam lang ng senador ay sakit sa ulo lang ang bunso anak niya. Hindi ko alam kung ano problema nila mag ama. Ikaw na lang tumuklas kilala mo naman siguro si Senator Sancho Acosta diba siya lang naman ang ninong mo?!” Natatawa saad pa ni Jake sabay abot ng envelope sa akin. “Haist napakahiwaga talaga ng pag-ibig.” Naiiling na usal pa ni Jake, “Naging kupido pa ako sa inyong dalawa.” pahabol na sabi pa ng aking kaibigan. “At panigurado akong, magbilang ka lang ng oras. Sigurado tatawagan kana ng ninong mo Arthur,” napapailing na turan pa nito. Hindi nga nagkamali si Jake ng tumunog ang kanyang Cellphone sa suot na pantalon. Agad ko kinuha ang aking cellphone at nakita ko ang name ng caller wala iba kundi ang ninong Sancho niya. Napatingin ako sa aking mga kaibigan. “Diba, hindi ako nagkamali ng sinabi,” pagmamalaki pang turan nito. “Oh tinatawag ka na ng father in law mo?!” Nakangisi turan pa nito. Masama tingin ang ibinigay ko rito. At lumunok muna ako ng ilang beses bago sagutin ang ninong ko sa kabilang linya. “Hello, ninong!” Bungad ko ng sagutin ko ang tawag nito. “Arthur!” Bigkas nito sa aking pangalan ramdam ko ang seryoso nito sa boses. At hindi ko maiwasang kabahan. “Y-yes, po!” nauutal kong sagot sa kabila linya. “Arthur, totoo ba ang nakarating na balita tungkol sa inyo ng anak ko?” Seryoso sabi pa nito sa kabilang linya. “Ahh,,, ehh Ninong, magpapaliwanag po ako sa inyo.” Kinakabahan na sagot ko sa akin ninong sa kabilang linya. “Oh, right kailangan mo talaga mag paliwanag sa akin Arthur. at bukas na bukas din ay kailangan mong pumunta dito sa opisina ko,” sambit nito. Pagkatapos na kami mag usap ay pinatay na nito ang tawag. marahas na lamang ako napabuntong-hininga dahil sa aking nalaman. "Sa dami-daming pang babae sa mundo bakit ang anak pa ni ninong sancho ang aking naging asawa." sambit ko sa aking sarili. “Bakit, hindi ko nalaman na anak pala ni Ninong Sancho ang babaeng mangkukulam na ‘yun!” Anas ko pa at napatingin sa malawak na kalangitan. kung siya naman ay lubus kong tanggapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD